CHAPTER ONE

21K 300 8
                                    

HI, GUYS. THIS IS A NEW BUILT STORY FROM MY MONGRO MIND! HAHAHA SANA MAGUSTUHAN NIYO RIN SIYA... "MY LITTLE STRANGER" WHICH THE SEQUEL OF "LOVING YOU, MR. SUNGIT"... HAPPY READS AND ENJOY! DON'T FORGET TO COMMENT AND VOTES SA MGA MAGUGUSTUHAN... CIAO!

 

NGITING-ngiti si Nicole habang pinagmamasdan ang magkaparehang sina Kuya Greg at Mira mula sa gitna ng supermarket na pag-aari  rin ng matalik na kaibigan ng kanyang kapatid na si Fitz. Napapailing nalang rin siya sa nakikitang sweetness ng dalawa. Naroon siya sa pagtatapat at proposal ni Kuya Greg dahil isa rin siya sa nagplano ng mga iyon—noong gabing naglasing ito sa bar ni Aiza na siyang matalik naman niyang kaibigan—dahil sa isang babaeng nagngangalang Mira. Ngayong nakita na niya ang babae, hindi niya masisisi kung bakit hindi nito gustong pakawalan iyon. Aba! Kuya Greg has taste. The girl was definitely a divine. A beauty and brain and all that! Mas maganda ito sa personal kaysa sa ipinakitang litrato ni Kuya Greg kagabi sa bar ni Aiza. Nalaman rin niyang isa itong magaling na writer. Hindi siya mahilig magbasa ng mga romance pocketbooks. Kaya hindi niya talaga ito kilala.

Napalingon siya nang maalala si Aiza na nasa tabi lang niya at katulad niya ay nanonood din sa magkaparehang iyon. Hindi na sila lumabas sa pinagkukublihan nilang istante ng mga grocey items dahil iyon ang nais ng kaibigan. Hindi nga lang niya maintindihan kung bakit ayaw nitong magpakita? Samantalang isa rin ito sa mga tumulong sa planong sorpresang iyon.

Nakita niya ang inggit sa mga mata ni Aiza habang nakatingin sa dalawa. “What’s wrong, Sisi?”

Mapait na ngumiti ito. “Mabuti pa sila, maayos na ang relasyon,” Aiza let out a heavy sighed.  

“Naalala mo na naman siya,” may panghuhusga sa tinig niya.

“Sisi—“

She raised her right hand para patigilin ito. “Oo na. Wala na akong sinabi. Mabuti pa umuwi na tayo.” Nauna na siyang maglakad palabas ng supermarket. Sa susunod nalang siya magpapakilala kay Mira kapag humupa na ang excitement sa mga ito dahil sa plinano nila. Bumigat rin kasi ang pakiramdam niya dahil sa kaibigan.

Sumakay sila sa kanyang Red Volvo V40—she got the car when she turned eighteen from her generous father—Carlito Davis—half Filipino half Irish who was now based in London, England. Together with her pure Filipino mother—Sophie—who was her father’s assistant from his business. Her father was the chairman of the board slash director of company cars. Ang Kuya Fitz naman niya ang siyang COO o Chief Operating Officer ng Massive Turbo—the name of the company. Nagbalik lang sila sa Pilipinas galing ng States para tulungan siya ng kapatid o mas tamang sabihin na bantayan sa balak niyang itatayong negosyo sa bansa. She wanted to build her own business. Ayaw kasi niyang umasa nalang sa mga magulang at kapatid. Nakapagtapos rin naman siya ng Business Management. Kaya walang magiging problema para sa kanya sa pagpapatakbo ng isang negosyo. Isa pa, making business was in their line of blood. Kaya kinausap niya ang ama’t ina sa telepono tungkol sa plano niyang pagtatayo ng Martial Arts gym. At nais niyang sa Pilipinas kung saan siya talaga ipinanganak iyon itayo. Kaya lang mukhang walang tiwala sa kanyang kakayahan ang ama kaya nito ipinasama pa pabalik ng Pilipinas ang Kuya Fitz niya para raw mabantayan siya. Palagay niya, idinahilan lang nito na may business sense ang kuya niya at matutulungan siya nito sa pagpapalago ng balak niyang negosyo. Kung hindi daw kasama ang kapatid niya hindi siya papayagan ng mga magulang. Kaya wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon sa gusto ng mga ito.

My Little Stranger (ROUGE HEART SERIES: BOOK 2) "Completed"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon