CHAPTER EIGHT

5.9K 172 13
                                    

HEY, GUYS! HAVE SOME FUN WITH THEIR STORY. HAHA! SANA MA-APPEAL PARIN SA INYO ANG ROMANCE STORY NILA "GARETH AND NICOLE". SO, HERE IT IS! Just don't forget to vote and leave your comments. :-) Enjoy reading! Ciao!

“N-NICOLE…” Gareth was clearly hurt.

            She secretly bit her tongue. Pinanatili niyang matigas ang ekspresyon ng mukha sa harap ng binata. She shouldn’t fall on his tactics or whatever he was doing right now. Tila hirap na hirap kasi ang kalooban nito habang nakatingin sa kanya. At parang gustong mabasag ng puso niya para rito. Nais niyang bawiin ang mga sinabi upang mawala na ang sakit na nakabalatay sa mukha nito. Ngunit naisip niya, sino na naman ang magiging talunan sa huli? Siya na naman. Kung paiiralin niya ang kanyang emosyon, magmumukhang kawawa na naman siya sa harapan nito.

Matagal siyang nag-isip mula nang mag-usap sila sa dalampasigan kanina. Matagal na matagal na halos hindi na niya nais pang lumabas ng kwarto at makita lamang muli ito. Seeing him right now—in flesh and looks like in pain—makes her heart squirm. She wanted to touch him. Hold his hand. Kiss him. But then, she had to gather all the will to control herself from reaching him and never letting him go… again… Sana hindi nalang ito nagpakilala. Sana nanatiling nalilimutan niya ito tuwing magkakasalubong sila. Sana hindi nalang nito ipinaalala ang lahat. Sana hindi nalang ito ang lalaking minamahal niya. Sana hindi ito ang taong nanakit sa kanya…

But he made it all back. Those memories that she hadn’t remember for the past four years. In just a split second of his confession that he was her boyfriend—those happy, sad and hurtful memories that she’d spent with him—went all back to her. Nahilo siya sa mga alaalang biglang nagsibalikan sa utak niya nang walang pasabi. At kung hindi niya napigilan ang sarili. Baka kanina palang sa dalampasigan ay humulagpos na lahat ng sama ng loob at hinanakit na nakatago sa utak at puso niya para rito. But she had to protect her heart. Her broken heart from him. She was not the same girl before. The fragile, vulnerable and can easily surrender for him. The one who always chasing after him. She was different now. She became braver and feisty. She can dominate him under her hands… sana lang.

Ngunit paano niya igagapos ang puso? Kung habang pinagmamasdan niya ito ngayon ay nagigising lang ang nakatagong pagmamahal niya para rito noon.

Lumabas siya ng kwarto para siguruhin sa sarili na hindi na niya mahal ang binata. Ngunit maling-mali siya. Kumuyom ang kamay niya sa ilalim ng mesa at iniiwas ang tingin rito. Muling inalala niya ang halos gabi-gabing mga panaginip sa nakalipas na apat na taon. Ang babaeng umiiyak sa paghabol sa isang lalaking walang mukha. Na sa tuwing paggising naman niya ay wala siyang matandaan sa mga naging panaginip niya. Marahil, unconsciously ay naaalala niya ang binata. Ngunit sana katulad nalang iyon ng dati. Na kahit na magigising siyang parang may kulang sa buhay niya—sa mga alaala niya—nagagawa lang niyang ipagkibit-balikat iyon. Kasama pang nagbalik sa alaala niya ang malaking aksidente na nagpabago sa buhay niya sa loob ng apat na taon. Lahat ng iyon ay parang isang rolyo ng pelikula na nagsipasok sa kanyang utak at nagkaroon na ng mga mukha.

Mariing napapikit siya sa masasakit na alaalang iyon. Ang iwanan siya ng taong pinakamamahal niya kahit ibinigay niya rito ang buong puso niya na halos wala na siyang itinira para sa sarili. Ngunit sa kabila niyon, kailangan niyang magkunwari sa harap ni Gareth na hindi parin niya naaalala ang lahat. At sa ngayon mahirap iyon para sa kanya. Lalo pa’t ilang metro lang ang layo nito sa kanya.

Agad na tumayo siya sa kinauupuan upang muli’y iwasan ito. Ngunit bago pa man siya makalayo roon ay naramdaman na niya ang matipunong braso ng binata na pumigil sa kanyang baywang at niyakap siya nito mula sa likod.

My Little Stranger (ROUGE HEART SERIES: BOOK 2) "Completed"Where stories live. Discover now