CHAPTER FIVE

5.8K 164 10
                                    

THERE ARE TIMES THAT EVERYTIME I'M WRITING GARETH AND NICOLE'S STORY, medyo nahihirapan akong panindigan ang mga character nila... Pero dahil love ko sila at gusto kong i-pursue ito, ipinagpapatuloy ko... hahaha And sana matulungan nyo akong mapalago pa sila ;-) Anyway, here's Chapter Five for their story... ENJOY GUYS,,, DON'T FORGET TO GIVE YOUR COMMENTS AND SUGGESTIONS ALSO VOTE NARIN.... SEE YOU NEXT TIME! GOD BLESS YOU ALL! :-D

 

NICOLE groaned habang pilit na idinidilat ang mga mata. Nagising siya sa liwanag na nagmumula sa kung saan. But when she tried to step out on bed, she felt her head turning. She went back to where she was. Sobrang sakit ng ulo niya na hindi niya magawang tumayo man lang.

“What happened?” she whispered to herself. Sinapo niya ang noo. Damn, headache!

Pilit niyang inaalala kung ano ang huli niyang ginawa at bakit sumobra naman yata ang sakit ng ulo niya. Hanggang sa dumating sa kanya ang realisasyon. Agad siyang napabalikwas ng bangon. Only to cussed herself just when the pain consumed her head again.

“Damn it!” kaagad niyang iginala ang tingin sa paligid at pilit na kinikilala ang kwarto kung nasaan siya ngayon. The room wasn’t familiar to her. “Where am I?”

The room was full of white touch. White curtains. White wallpaper. White wall and ceiling. White cabinet at maging ang mirror cabinet na naroon ay puti ang frame. Napatingin siya sa isang personal refrigerator. Puti rin iyon. Maging ang isang pintuan na naroon na nahihinuha niyang banyo ay puti rin ang pintura. Napayuko siya sa kamang hinihigaan. Maging ang bedsheets at comforter ng kama ay puti rin. Nasaan ba siya? Nasa langit na ba siya o hospital kaya puro puti ang nakikita niya? Napansin niyang ganoon parin ang suot niyang damit wala nga lang ang blazer niya.

Ang huli niyang natatandaan ay nasa Rinari siya at umiinom. Ngunit matapos niyang makipag-usap kay Aiza ay hindi na niya matandaan ang mga sumunod na nangyari. Gaano ba siya kalasing at nalimutan niya ang mga nangyari?

She cried inwardly. It was her first time to get drunk. Totoo nga siguro ang sinasabi nilang malilimutan mo talaga ang lahat ng nangyari sayo kapag sobrang nalasing ka. Alam niyang marami siyang nainom kagabi at napangiwi siya sa isip dahil sa ginawa. That wasn’t her nature; getting drunk in such place. Marahil naging masyado siyang komportable kagabi dahil alam niyang hindi siya pababayaan ni Aiza.

Ngunit nasaan siya? Nasaan ang kaibigan? Nasisiguro niyang wala siya sa pad nito—na bahagi rin ng bar and restaurant—dahil hindi puro puti ang kwarto nito. Black and white ang motif ng kwarto ni Aiza.

Napatingin siya sa pinto ng kwarto ng may kumatok mula roon. Kasunod ang pagbubukas niyon.

My Little Stranger (ROUGE HEART SERIES: BOOK 2) "Completed"Where stories live. Discover now