CHAPTER TWO

8.5K 199 12
                                    

WELL, HELLO, EVERYBODY! MUKHANG MAGANDA YATA ANG PANAHON NGAYON SA TINGIN KO LANG.... HAHAHA BUT HERE'S THE THING I AM CRAZY NOW FOR GARETH AND NICOLE'S STORY. WHY? SECRET MUNA ;-) ANYWAYS, ENJOY READING THEIR STORY AND DON'T FORGET TO GIVE YOUR COMMENT AND VOTING NARIN! Godbless you all :-D Enjoy!

NAPASIMANGOT si Nicole. It was ten in the morning at naroon siya sa sala ng condo unit ng Kuya Fitz niya habang pinag-aaralan ang plano niya para sa itatayong negosyo at makitang hindi pa kumpleto ang mga kakailangan niya roon. Kalahating buwan palang na nananatili siya sa Pilipinas ngunit naiinip na siyang maisakatuparan ang nais. It wasn’t as if she’s in a hurry. Her dad didn’t give her ultimatum. Ang kailangan lang nito ay ang resulta ng kanyang ginawang desisyon.

Kumpleto na ang hand lists niya. Kaya lang hindi pa niya nakukompleto iyon in a real thing. Also, the very important she really has to think was the place where she could put up her business. Wala pa siyang maisip na proper place para sa negosyo niya. She wanted commercial space building near schools or hospitals or at least iyong madaling makita at dayuhin ng mga tao ang lugar.

She knew where to find her equipments for the gym—furnitures and fixtures. Binigyan siya ng tip ng Kuya Fitz niya kung saan makakabili ng mga kagamitan na may good quality and quantity at the same time mura pa ang magagastos niya. Maaasahan niya pagdating roon ang nakatatandang kapatid. After all, her brother was a sweet talker. She shook her head—enough of her brother. She focused on her plan. Kailangan rin niyang mag-hire ng mga instructors—good ones, of course. She can do the job. Pero hindi niya kakayaning mag-isa na magturo ng maraming estudyante. She has her estimation—ten to fifteen students per quarter of the year.

She wanted her father to be proud of her. Sabi nga ng ama niya—dream big and try harder to make it happen. Her dad was her idol. But if her business plan won’t be a success. Mapipilitan siyang magtrabaho sa kompanya ng ama. Naghihintay narin kasi sa kanya ang matagal ng posisyon na inaalok nito sa Massive Turbo—ang maging isang Marketing Editor niyon.

Ngunit hindi siya papayag. Damn! She has no idea about cars—at least in making it business. She can maneuver one of them like her Volvo. But please! She can’t run a car company. Kahit na magiging isa lamang siyang empleyado sa kompanyang iyon. She wanted something else and that doesn’t include being part of her father’s company.

 

Though, it’s their family business. Ngunit nariyan naman ang Kuya Fitz niya para pamahalaan iyon.

“O, Nicole. Ano’ng problema?”

Nilingon niya ang nakatatandang kapatid na palabas ng kwarto nito. Halatang kagigising lang nito.

Sa kanilang dalawa, ang Kuya Fitz niya ang mas mapera. Dahil ang pera niya ay nakukuha lang niya mula sa salary na ipinapadala ng mga magulang buwan-buwan. Doon siya nakatira ngayon sa condominium unit ng kapatid sa lungsod ng Makati. Matapos ibenta ng mga magulang ang dating bahay nila sa Pilipinas noong anim na taong gulang siya. Nanirahan na sila sa Europe magmula noon. Well, not exactly. Ang walong taon kasi niya ay ginugol niya sa Amerika. She studied in University of Massachusetts for college. And another four years for learning mixed Martial Arts.

Noong una, trip lang niya ang pagsali sa ganoong klaseng sports. Ngunit nagkaroon siya ng goal sa buhay. She wanted to be a black belt holder. Kasama ng sipag at tigaya, she achieved her goal. She was happy nang mapagtagumpayan iyon. At noon lang din niya naisip ang magseryoso sa buhay. And the rest was history. She wanted to have her own Martials Arts gym.

My Little Stranger (ROUGE HEART SERIES: BOOK 2) "Completed"Where stories live. Discover now