CHAPTER SIX

5.9K 162 7
                                    

HELLO! DI KO NA PAHAHABAIN ANG AKING TALUMPATI DAHIL MASAKIT ANG ULO NI AUTHOR! MAY SAKIT KASI AKO HUHUHU... JUST ENJOY READING, GUYS! AND DON'T FORGET TO VOTE AND GIVE YOUR COMMENTS ON THIS STORY :-) SALAMAT!

HOPELESS na tiningnan ni Nicole ang cellphone niya matapos siyang babaan ng telepono ng kapatid. Kung ganitong nagkampi-kampi pala ang mga tao sa paligid niya, mahihirapan nga siyang humingi ng tulong sa mga iyon. What on earth did Aiza think when she agreed to this kidnapping? Malilintikan sa kanya ang babaeng iyon. Hindi porque’t kaibigan niya ito, hindi na niya ito isasama sa ipapakulong niya. Hindi siya makakapayag na basta nalang manipulahin at gawin siyang subject victim ng mga ito. Masyado naman yata siyang ina-under estimate ng mga ito.

Inilibot niya ang paningin sa loob ng kwartong iyon. Kung kaninang paggising niya ay masakit ang ulo niya. Nawala na iyon dahil sa panibagong problemang dapat niyang isipin ng mga sandaling iyon. Ang kung paano’ng makakatakas siya sa lugar na iyon. Hindi siya maaaring magtagal roon dahil marami siyang kailangang asikasisuhin tungkol sa upcoming business niya. Hindi ba nag-iisip ang kuya at kaibigan niya?

Kung totoo ang sinabi ng walanghiyang Gareth na iyon na nasa isolated island nga sila. Mahihirapan nga siyang makatakas mula roon. Lalo pa at hindi niya masyadong kabisado ang lugar sa Pilipinas. Matagal rin siyang hindi napadpad sa bansang iyon. Unless private plane or chopper ang ginamit nito para makarating sila roon habang wala siyang malay. At kung makikita niya ang sasakyang ginamit nito. Maaaring masiguro niyang makakatakas siya roon.  

She gritted her teeth. She hated being helpless. Ang siraulong Gareth lang naman na iyon ang gusto niyang pagbuntunan ng galit niya. Mata lang talaga nito ang walang latay kapag nakaharap niyang muli ito.

Mabilis siyang kumilos at hinanap ang mga gamit niya. Sa hilo siguro niya kanina, hindi niya napansing nasa ibabaw lang pala ng side-table ang pulang blazer at pouch niya. Hinalungkat niya ang gamit niya sa loob ng pouch. Intact na naroon ang mga gamit niya ayon sa huling pagkakatanda niya. Iyong cellphone lang talaga niya ang kinuha ng masungit at manyakis na lalaking iyon.

Napaluhod siya sa kama nang maalala ang halik na iginawad nito sa kanya kanina. Wala sa sariling nakapa niya ang labi. She immediately shook her head. She shouldn’t think of the pleasure she had felt the time he kissed her.

She stepped out on bed and quickly fixed herself. Mabuti nalang may banyo roon at kompleto ang gamit. She ran out of the room.

Salubong ang kilay na hinanap ng kanyang mga mata si Gareth. Ngunit hindi niya ito makita sa loob ng kabahayan. Katamtaman lamang ang laki ng bahay nitong iyon. Hindi tulad ng mansion ng pamilya niya sa England. Hindi na niya pinag-aksayahang pang tingnan ang mga mamahaling muwebles na naroon. Mas naka-focus ang atensiyon niya sa pag-alis sa lugar na iyon. Hindi man niya alam kung nasaan siya pero gagawa siya ng paraan, makaalis lang roon. Kesehodang baliin niya ang mga buto sa katawan ng abductor niya.

She sighed. Lumabas siya ng bahay at namangha siya sa gandang bumungad sa kanyang mga mata. Napakaaliwalas ng paligid at tila hinuhulas niyon ang galit niya sa pamamagitan ng sariwang hanging dumadapyo sa kanyang balat. Malakas na napabuntong-hininga siya.

Hindi niya napigilang tingnan ang paligid. Kahit papaano’y pinagaan niyon ang kanyang nagpupuyos na damdamin. Dagdag pa ang malamyos na huni ng alon sa dagat. Tila siya ipinaghehele niyon. Parang gusto niyang maglatag ng kumot sa mala-kristal na buhangin dahil sa kaputian niyon na tinatamaan ng malumanay na sikat ng araw. She felt like she was in paradise. Peaceful and calming. At kahit hindi niya nais, unti-unting napapanatag ang kalooban niya sa lugar.

My Little Stranger (ROUGE HEART SERIES: BOOK 2) "Completed"Место, где живут истории. Откройте их для себя