CHAPTER SEVEN

5.9K 175 8
                                    

HI, GUYS. DAPAT KAHAPON AKO MAG-A-UPDATE KASO NAWALAN NG KURYENTE DAHIL SA ROTATING NG MERALCO AT NGAYON LANG AKO NAGKAROON NG CHANCE HAHA! SO, HERE'S MY LATE UPDATE FOR THE STORY OF GARETH AND NICOLE... ENJOY IT, EVERYONE... HAVE A GOOD AFTERNOON! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENTS... CIAO!

 

“WOULDN’T it be better if she sees a psychiatrist?” tanong ni Gareth kay Fitz sa kabilang linya nang tawagan niya ito sa personal number nito. Nag-aalala siya para kay Nicole dahil simula nang magkausap sila sa dalampasigan at nagtatatakbo ito papasok ng kanyang bahay. Hindi na ito muli pang lumabas ng kwarto nito na nasa ikalawang palapag ng bahay niya katabi ang masters bedroom na siyang kwarto naman niya. Hinatiran nga niya ito ng almusal sa labas ng pinto ng kwarto nito ngunit hindi man lang nito kinuha iyon. May susi naman siya ng kwarto pero hindi niya ginamit iyon dahil baka nais lang ng dalaga ang makapag-isip tungkol sa lahat ng sinabi niya rito.  

Agad niyang tinawagan si Fitz para ipaalam rito ang nangyari. Nagpalakad-lakad siya sa balcony na nasa ikalawang palapag rin ng bahay katabi ng kwartong inuokopa ni Nicole.

“We tried it before but Nicole refused to see one,” anito sa tanong niya.

He heard him sighed.

Hanggang ngayon ay may inis paring naiiwan sa dibdib ni Gareth dahil inilihim sa kanya ni Fitz ang pagkakaaksidente ng dalaga na siyang naging dahilan nang pagkawala ng ilan sa mga memorya nito. And all the memories were erased was the time she met him and he became her boyfriend. Basta lahat ng may kinalaman sa kanya at ang nangyari sa aksidente nito ay hindi rin daw nito matandaan. Base narin sa sinabi sa kanya ni Fitz bago niya dukutin si Nicole. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nang malimutan siya ng dalaga. Wala siyang ideya noon kung bakit siya nakalimutan nito tuwing magkikita sila sapagkat hindi niya alam ang nangyari rito. All he knew was Nicole was here in Philippines. Ang unang pagtatagpo nila sa bansa na siyang nangyari sa supermarket ay sinadya niya. Itinawag sa kanya ni Fitz kung nasaan ang dating kasintahan. By then, he always followed her everywhere. He became her shaddow.

Since he left America, he has a constant communication with Fitz dahil sa isang kasunduan nila.

When he became Nicole’s boyfriend—he and Fitz became friends. Kaya naman hindi niya alam ang iisipin sa kaibigan dahil sa paglilihim nito. Pakiramdam niya ay trinaydor siya nito. Samantalang alam nito kung gaano kahalaga sa kanya si Nicole kahit pa sabihing iniwan niya ito. Though, he has his own reason and Fitz knew all about it. Napagkasunduan nilang aalagaan nitong mabuti ang dalaga habang narito siya sa Pilipinas.

“Maybe there’s another way. We can’t force her to remember everything, Fitz. That won’t help her.”

“We’re not forcing her, bro,” kontra ni Fitz. “We are just helping her by using you. I’m sorry for the word, but I really think that it’s only you can help her regain her lost memory. As his doctor said, she has selective amnesia pero hindi siya ganoon kasigurado. Since, Nicole refused to undergo a series of brain test after she healed her wounds from the accident. Kahit ano’ng  pilit namin sa kanya na magpa-check up para malaman rin niya kung ano’ng nangyari sa kanya ay tumatanggi siya. She actually hated doctors. She thinks they were liar. She said, as long as she recognized our family and her friends. She’s fine. Sa tingin niya hindi na kailangan pang alalahanin ang mga nangyari sa kanya kung isa lamang iyong hindi magandang pangyayari,” mahabang paliwanag nito.

My Little Stranger (ROUGE HEART SERIES: BOOK 2) "Completed"Where stories live. Discover now