TB (36)

2.7K 134 130
                                    


~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*Jihoon's*

"Alam nyo ba yung feeling na, si crush na ngalang yung meron ka. May kahati ka pa?"

Tsk.

"Alam nyo ba yung feeling na gustong-gusto mo nang ilabas yung sama ng loob mo pero malayo yung cr?"

"Gago! HAHAHAHA!" Pagtawa ni Seungkwan nung sabihin iyon ni Seokmin.

Yung seryoso sa pagda-drama si Seungkwan kanina, dahil sa nalaman niyang andami na niyang kahati dun sa amerikanong hilaw na kras niya. Tas sisingit bigla si Seokmin na walang kwenta?

"Sorry guys, pero kanina pa ako najejebs. May tissue ba kayo diyan?" He says.

"Wala seoks, sa clinic ka nalang! Bilis! Baho na oh!" Panunuya ni Seungkwan at tinakpan pa ang kaniyang ilong dahilan para mabatukan siya nito.

Kahit kailan, di talaga ako makakain ng maayos kapag nandiyan sila.

"Oi jihoon, anong plano mo sa intrams?" Biglaang tanong ni Wonwoo hyung.

"Di ko alam, wala namang kabuluhan ang intrams" I responded.

Totoo naman kasi, isang linggong kasiyahan daw. Pero ang totoo boring, na trauma na ako sa intrams last year, walang kakwenta kwenta.

"Eh magparticipate ka kaya sa literary contest Ji, may talent ka naman sa pagkanta. Pwede kana dun, bawal ang walang activity sa intrams may minus daw sa grade sabi ni Ms. Ong" saad ni Seungkwan.

Aba putspa!

Required na talaga ang sumali?

Like seryoso?!

"Sige na jihoon! Please please! Kung gusto mo tayong tatlo ni Seokmin yung kakanta tapos si Wonwoo hyung yung magra-rap" saad pa nito.

Nakakatamad.

"Ayoko, kung gusto nyo kayo lang edi kayo lang wag nyo na akong idamay jusko" I said.

"Pero para rin naman to sa grades jihoon" saad ni Wonwoo.

Grades.

Tsk.

"Required ba talaga?"

"Oo sobra! Pag hindi ka sasali ibubulgar kong tweety bird yung boxers mo! HAHAHA!"

Sinamaan ko ng tingin si Seungkwan. Tangina niya, paano niya nalamang tweety bird yung boxers ko?

"Manyak ka Seungkwan!" I hissed.

Napatawa nalang silang dalawa ni Wonwoo. O so pinagtutulungan na nila ako ngayon? Tsk! Si hoshi lang talaga ang kakam--ay.

"Teka asan nga pala si Hoshi?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

Seryoso asan na pala yung mokong nayun?

"Ngayon mo lang napansing wala siya Jihoon? Hay naku" Seungkwan says.

"Tsk. San na nga sya?"

He did not responded but he pointed at my back. Sinundan ko naman ito ng tingin, at dun ko nakita si Hoshi kasama ang circle of friends ni Areum.

Siya nasa tabi ni Areum at tahimik lamang na kumakain, habang si Areum masayang nakikipag-usap sa kaniyang mga kapwa pugitang kaibigan.

"Kelan pa siya natutong sumama sa mga pugita?" I asked.

Talking Habits ¤ SoonHoon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon