TB (61)

2.9K 145 72
                                    


~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*Jihoon's*

"Jihoon yung baon mo sapat na ba? Sabihin mo lang sakin kung kulang iyan, dadagdagan ko"

"Ah wag na po Jae Eum noona, okay na po ito"

"Di eh, namamayat ka na, baka naman tinitipid mo ang sarili mo, naku naku! Lagut ako sa mga magulang mo kapag nakita ka nilang ganyan ang katawan. Baka multuhin ako nila"

Napa-iling iling nalang ako dahil sa sinabi niya. Di nga nagpaparamdam sakin sina mama at papa, sa kaniya pa kaya?

"Sige na po noona, una na ako. Nga pala noona baka by the end of the week lilipat na ako ng matitirhan, nakahanap na po pala ako ng trabaho. Dibale babayaran po kita pag natanggap ko na yung paunang sweldo ko"

Sana naman by the end of the week, pwede na akong tumira sa studio.

"Naku naku! Wag na iho, sapat na yung naitulong sakin ng mga magulang mo, sobra-sobra pa nga, dapat lang na alagaan kita at bantayan"

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Akalain mo yun? May tao pa palang nagmamalasakit sakin? Sa kabila ng mga nangyari.

"Salamat talaga ng sobra noona" I said full of sincerity.

"Hehehe. Sige na pumasok kana, baka ma late ka pa, at saka! Wag kang mago-overtime sa trabaho mo okay? Dapat mga 9 or 10 nandito kana" she says.

Tumango nalang ako at isinabit na ang backpack ko sa aking likuran. I bid my goodbye before going out of the apartment.

Paano nga ba ako nahanap ni Jae Eum noona?

Nung gabing umalis ako sa puder ng mga pekeng magulang ko. I stayed at the park, I don't know how long I had been there, hanggang sa umulan.

I'm damn tired to find a shelter that time, kaya nagpaulan ako. Di alintana ang posibilidad na ako'y magkakasakit kinabukasan. That time I really wished na magkasakit ako ng malubha, para mamatay na ako at makasama ko na sina mama at papa.

Pero mukhang ayaw talaga nilang dalawa na sumunod ako sa kanila kaya ibinigay nila sakin si Jae Eum noona.

Likas na maaalahanin talaga si Jae Eum noona, simula nung pumasok siya sa puder namin nung buhay pa ang mga magulang ko. She had served as excellently. Siya pa nga ata ang unang nakapansin ng pagiging malambot ko.

Akala ko mamaltratuhin niya ako, but then she proved me wrong. She was the one who's been with me nung mga panahong nasa business tour sina mama at papa. She served as a shoulder for me to cry on, kapag nahihirapan ako sa mga bagay-bagay at naiiyak nalang ako.

Siya... siya ang unang sinabihan ko na may gusto ako sa bestfriend ko, kay Soonyoung.

"Psst! Jihoon!"

Napalingon ako sa aking likuran, I saw Seokmin running towards me.

"Sabay tayo" he bubbly said.

Tinanguan ko nalang siya, naglalakad kami papuntang school. Di na sa naaano pero ba't ang awkward bigla?

Tas...

Talking Habits ¤ SoonHoon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon