TB (72)

2.7K 126 113
                                    


~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*3rd person's*

"Soons, umuwi ka kaya muna baka hinahanap ka na ng mama mo"

"Ayoko"

"Uuwi ka o uuwi?"

"Uhm... yung 'o'?"

Napa facepalm nalang si Jihoon dahil sa sagot nito. Dahilan para tumawa si Soonyoung.

Ngayon ang ikatlong araw ng pagkaka confine ni Jihoon, tatlong araw na ang nakalipas after he was stabbed.

Until now, the authorities don't know who's responsible in the incident, aside form the victim, himself.

"Kwon, umuwi kana, okay lang ako dito"

"Anong okay? Sinong magbabantay sayo dito? Wala pa sina Seungkwan nasa klase pa nila--

"Yun na nga, umuwi ka na at maghanda sa pang hapon mong klase, wag mong pabayaan yang pag-aaral mo"

"Pero ayoko ring pabayaan kita"

Hindi na nakasagot muli si Jihoon. Wala na talaga siyang masabi pa sa pagka kulit ni Soonyoung.

"Kaya hayaan mo muna ako ji, kahit 1 week pa akong absent, baka makasama ka lang oks na ako, baka masigurado kong ligtas ka lang"

Napabuntong ang nakababata.

"Ayoko ring pabayaan mo ang pag-aaral mo soonyoung, nabalitaan kong marami na raw performance task ang na miss mo"

Napabusangot si Soonyoung, naalala niyang may reporting sila mamaya sa isang major subject niya.

He wants to attend it, but he can't just leave jihoon behind.

"Alam kong ayaw mong ma disappoint si Tita, kaya sige na, umuwi kana at mag-ayos para sa school"

"Pero ji---

"Walang pero-pero, papasok ka ngayong araw"

"Papasok? Saan? Sayo?"  Nakangising tanong ni Soonyoung, dahilan para mamura siya ni Jihoon.

Di pa kasi kayang makabatok, baka bumuka yung tahi.

"Putangina mo, lumayas ka na nga!"

Tumawa si Soonyoung habang si Jihoon ay nakabusangot.

"Sure ka bang kaya mo ng mag-isa?"

"Oo nga, haist, tsaka mamaya nandito si Bumzu"

Nangunot ang noo ni Soonyoung.

"Oh ba't nakakunot yang noo mo?"

"Sino si Bumzu? Kabit mo ba?"
Walang patumpik-tumpik na tanong ni Soonyoung.

Jihoon almost choke on his own spit.

"Gago ka ba? Yun? Yung siopao na panis nayun? Yung mas singkit pa sa pangkaraniwang chinese? Ulol ka ba?"

Talking Habits ¤ SoonHoon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon