CHAPTER # 50*KAMBAL?*

877 27 1
                                    

A/N

Readers, sorry kung di ako makapag reply sa inyo medyo busy lang si author kakasulat ng mga story. Pero kung may time ako sasagutin ko lahat ng katanungan na nasa isip niyo. Kung hindi ko man kayo mareplyan sa wattpad add niyo nalang ako sa facebook :) Jovyann Calatraba Polea :)

Kamsamnida, ENJOY !!!!

*

*

*

LUCKY P.O.V

FLASHBACK

Kausap ko palang si mia kanina parang namimiss kona siya ulit, masarap parin talaga siyang kausap. Maalalahanin kahit kailan kaya mahal na mahal ko siya eh.


"lucky pwede ba kitang makausap?"mahinahong tanong sa akin ni mom, marunong sila ni ate mag tagalog kasi galing narin sila sa pinas katulad ko at dun na rin tumira ng tatlo o apat na taon.

"sure mom, what is it?"tanong ko naman sa kaniya ng nakangiti.

Lumapit siya sa akin ng walang reaction ang mukha sabay upo sa kama ko katabi ko.

"anong problema mom?"tanong ko ulit sa kaniya.

"lucky hindi naman sa ayaw namin sa girlfriend mo pero" hinihintay ko siyang dugtongan niya ang sasabihin niya pero bigla siyang tumahimik.

Anong ayaw nila kay mia?? Galit silang dalawa ni ate sa tuwing kausap ko siya. Mabait naman siya pero bakit ayaw nila sa kaniya?

"mom tell lucky the truth para hindi na siya malito"wika naman ni ate at nasa pinto siya ng room ko.

"simula bukas hindi muna dapat kausap si mia"wika ni mom sabay tayo.

"anong ayaw niyo kay mia?"galit na tanong ko naman sa kanila.

"hindi siya bagay para sayo lucky"galit din na sabi ni ate sa akin, tinignan ko sila ng masama.

"bakit kayo ba ang nag mamahal?? Bakit niyo ako pinipigilan?"wika ko sa kanila, anong ayaw nila kay mia para hindi na ako mabuiset pa kakatanong sa kanila.

"paano kung may mahanap siyang iba dun sa pinas at kaibigan mo pa"wika ni mom sabay evil smile.

"i trust mia hindi niya ako ipag papalit"

Bigla nanamang nagalit ang mukha ni mom kaya sinampal niya ako ng malakas.

"para matauhan kana lucky"galit na sabi niya sa akin, tinignan ko siya ng masama.

"bakit niyo pa ako pinadala sa korea kung yan lang naman ang sasabihin niyo sa akin. Kung hindi niyo lang pinatigil ang account ko sa bangko ede sana dun parin ako nag aaral hanggang ngayon"galit na sabi ko sa kanila.

"so kami pa talaga ang may kasalanan"galit din na sabi ni ate sa akin.

"hindi ko kayo sinisisi"wika ko naman sa kanila.

Bahala nga kayo dyan, dada kayo ng dada wala naman akong paki alam sa mga sinasabi niyo. Tinalikoran ko sila pareho pero sinusundan parin nila ako.

"wala kana ba talagang galang lucky at pati kami tinalikoran mo habang nag sasalita"wika sa akin ni mom hindi ko lang siya pinansin.

"yan ba ang natutunan mo kay mia?"galit din na sabi ni ate sa akin.

Nung nasa sala na kami hinarap ko silang dalawa.

"ANO BANG PROBLEMA NIYO KAY MIA?"galit na sigaw ko sa kanila pareho."mahal ko siya mahal niya ako, anong problema dun?"dugtong ko pa.

"sira ulo ka talga"wika ni mom sa akin.

Tinalikoran ko ulit sila kasi ayoko ng marinig pa ang mga bunganga nila pero bago ako makalabas ng bahay nag salita si ate......

"magkapatid kayo"

Natigilan ako nung sabihin niya sa akin yun, unti unti akong humaharap sa kanilang dalawa.

"ano?? Ulitin mo nga ang sinabi mo?"wika ko kay ate.

"magkapatid kayo lucky"si mom na ang nag salita.

Lumapit ako sa kanila.

Paano nangyare yun??

"kahit anong sabihin niyo hindi niyo mapapalayo si mia sa akin, mahal na mahal ko siya kaya wag niyo kaming siraan"galit na sabi ko sa kanila, hinawakan bigla ni mom ang braso ko.

"magkapatid talaga kayo"mahinang sabi niya sa akin.

*

Napaupo ako sa sofa sabay sabunut sa buhok ko.

"PAANO NANGYARE YUN?"sigaw ko kay mom, wala na akong paki alam kung nanay ko ang kaharap ko ngayon.

"bata palang kaming dalawa ni melia magkaibigan na kami. Di ko alam na mabibiyayaan pala kami ng kambal ng daddy niyo pero ayaw ng lolo niya sa babae. Kahit gusto ko kayong palakihin dalawa ng sabay wala akong choice kundi ibigay nalang si mia sa kaibigan kung si melia at yun ang mommy niya ngayon"kwento sa akin ni mom.

"bakit?? Bakit ngayon niyo lang sinabi?"mahinang tanong ko kay mom. May namumuong luha na sa mata ko dahil sa narinig ko.

"hindi ko kasi alam na yung girlfriend mo pala na si mia eh anak ko pala"wika sa akin ni mom.

Sinambunutan ko ulit ang buhok ko dahil sa galit. Ayokong layuan ko si mia ng wala akong rason.

"kailangan malaman to ni mia"wika ko sbaay hablot sa phone ko pero kinuha agad yun ni ate sa kamay ko.

"wag mo ng ipaalam kasi masasaktan siya"wika naman ni mom.

"hindi ko siya kayang layuan"wika ko naman sa kanila.

"layuan muna siya lucky kasi habang tumatagal umaasa siya sa wala, wag ka ng umuwi ng pinas dito kana lang maghanap ng mapapangasawa mo."wika ni mom sabay haplos sa likoran ko.

"ayokong mag asawa"

"ohws wala sa lahi natin yan lucky. Nabalitaan ko nandito rin sa korea si nadz nag babakasyon"nakangiting sabi sa akin ni ate.

Tumayo ako at tinignan sila ng masama.

"wala na akong paki alam kay nadz kasi tapos na kami,wala na akong gusto sa kaniya kaya pwede ba wag niyo akong ipag siksikan kay nadz kasi matagal ko na siyang kinalimutan"galit na sabi ko, aalis na sana ako ng bigla ulit nag salita si mom.

"kapag nalaman namin na kakausapin mo ulit si mia hindi kami magdadalawang isip na itigil na ang pag aaral mo, alam kung mahalaga sayo ang pag aaral mo. Tandaan mo lucky hindi pwedeng magkatuluyan ang magkapatid"wika sa akin ni mom.

Umalis na ako at umakyat na ulit sa kwarto ko.


END OF FLASHBACK!!!

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon