CHAPTER # 54 *partner*

937 33 0
                                    

"papasok kana ba talaga sa school?"tanong sa akin ni kuya habang nakasandal siya sa pinto ng kwarto ko.

"oo naman pero kailangan ko parin magpanggap na nagkaroon ako ng amnesia "wika ko habang nakatingin sa salamin at inaayos ang sarili ko.

"basta mia mag iingat kana lang dun, ok. Wla pa namana ko dun"pag papaalala sa akin ni kuya, nabalitaan kasi namin na lumipat ng school sila ni ynna kasama si nadz.

Alam kung sa school namin siya lilipat hindi sa school nila ni kuya king pero kaya ko na ang sarili ko hindi na ako magpapaapi kay nadz.

*

Pagkatapos kung magpaganda bumaba na ako tska ako kumain at umalis na . Ginamit ko ang kotse. Pagdating ko sa school namin, syempre madaming nakatingin sa akin, balita na kasi dito yung pagkaaksedente ko sabi sa akin nila justin. Akala siguro nila dina ako mabubuhay, pero malas nila kasi buhay na buhay pa ako ngayon.

Nakasalubong ko naman si tom kaya ngumiti siya sa akin sabay akbay, saan kaya ang punta niya??

"saan ka pupunta?"tanong ko sa kaniya, inalis na niya ang kamay niya sa balikat ko.

"wala lang."sagot naman niya sa akin kaya sabay na kaming pumunta sa room.

"sinabi ko na sa mga teacher natin na ngayon kana papasok ng school"wika sa akin ni tom habang nag lalakad kami.

"buti naman sinabi muna rin ba na wala akong amnesia?"tumingin ako sa kaniya at nakatingin lang din siya sa akin.

"hindi"maikling sagot niya sa tanong ko, tumingin na ako sa daan at nag lakad ulit.

"buti naman"wika ko sa kaniya.

"bakit?? May plano ka bang hindi sabihin sa lahat na wala kang amnesia?"tanong niya.

Actually hindi ko talaga alam kung anong plano ko, magsisinungaling ba ako sa madami o sasabihin ko ang totoo. Pero kung sasabihin ko ang totoo, sasabihin naman nila na sinungaling ako so hindi ko nalang sasabihin sa kanila.

"ayokong sabihin sa kanila at tska wala na silang paki alam sa buhay ko ngayon"mataray na sabi ko sa kaniya.

Tumahimik si tom sa sinabi ko kaya nakarating din kami sa room namin, nandun na ang sir namin. Tumingin silang lahat sa akin, nagbulungan naman ang mga kaklase namin.

"nice to see you again mia"nakangiting sabi nung teacher namin, ngumiti lang ako sa kaniya.

Ok fine simula na ng drama ngayon.

May biglang tumulak sa akin kaya napaatras ako ng kunti papasok sa room namin buti nalang nahila ni tom ang kamay ko kaya hinatak niya ulit ako palabas.

Tinignan ko ng masama yung sa tumulak sa akin , pagkaharap niya nakita ko ang mukha ng demonyo. Hindi ko pinahalata sa kanila na kilala ko tong demonyong to.

"anong problema mo?"galit na tanong ko sa kaniya, hindi naman nila sasabihin na kilala ko to noh kasi nag tatanong lang naman ako sa demonyetang babaeng to.

"oh sorry di kasi kita nakita" nang aasar ba tong halimao na to, sa laki kung to di niya ako nakita baka naman kasi bulag lang tong gagong to.

"excuse me lang huh, kung di mo ako nakita bulag kana kaya magpatingin kana sa doctor mamaya o kaya nanlalabo na yang mga mata mo"inis na sabi ko naman sa kaniya, aba aba nakukuha pa niyang tumawa.

Hinigpitan ni tom ang pagkakahawak sa braso ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"wag muna siyang patulan"bulong niya sa akin, nag snob lang ako sa kaniya.

"oh kasama mo pala si tom??"sabay tingin kay tom ng nakangiti. "nice to meet you again tom"sabay abot sa kamay niya. Tumingin kami pareho sa kamay nitong bruhang to.

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon