Chapter 9 - Hug

1 0 0
                                    

Clara's Point of View.

Grabe!  Kani-kanina lang kami nagkita kita pero lahat kami ay magkakasundo na... Si Shaira halos maghapong kasama niya si Jin pero hanggang ngayon ay parang hindi sila nauubusan ng maaaring itopic.Si Cyan at Jimin ay parang ewan na kung ano ano ang ginagawa.. Sila Jungkook, Jena at Layza ay nagkukwentuhan at mamaya-maya ay tatawa ng malakas at paulit ulit lang nila yung ginagawa... Sila Ariela at Suga naman ayun nag uusap tungkol sa mga paborito nilag kanta. Pero ramdam ko pa din ang pagkabagot at parang pagkainis ni Taehyung.. Ewan ko kung bakit pero ang alam kong attitude niya ay masayahin pero sa nakikita ko... Hindi ko pa talaga nakikita ang tunay na ugali ni V.

" Patingin nga ako ng palad mo. " Napunta ang atensyon ko kay Jungkook at Layza. Ibinigay naman ni Layza ang kamay niya at kung ano-ano ang ginagawa ni Jungkook sa palad nito...Parang...Nililinya niya ang bawat guhit sa kamay ni Layza. Nilingon ko si V na halatang naiinis sa ginagawa ni jungkook. He rolled her eyes at them.... I smell something called jealousy..

" Ano namang ginawa mo? " Nagtatakang tanong ni Layza.

" Wala lang, Trip ko lang! " ginulo ni Jungkook ang nakaayos na buhok ni Layza kaya panigurado ay maiinis ito sa ginawa ni Jungkook napabusangot naman si Layza

" Hey! " She said. Pinatigil niya si Jungkook sa paggulo ng buhok niya at halata na sa kanya ang inis pero masyadong makulit si Jungkook at pinagpatuloy lang ang ginagawa at tinatawanan lang siya ni Jungkook at ni Jena.

I saw V smirk.

I knew it! 

" Uy wala ka bang dila?  Bakit hindi ka sumasagot?  Bakit hindi mo ako pinapansin? Yoohoo!!" Sunod sunod na tanong sa akin ni J-Hope..Winawagayway pa niya ang kamay niya sa mukha ko akala naman niya ay hindi ko iyon napapansin, Isa din tong lalaking to.. Hindi ko na nga pinapansin pinagpapatuloy pa din ang ginagawa niya, Kainis!  Hindi ata marubing makiramdam... Manhid!

Kanina pa ako ginugulo ng lalaking to... Onti na lang sasabog na ako sa inis. Onti na lang talaga.

" Uy! " kinalabit niya ako pero di ko pa din siya pinapansin. Bahala siya! kausapin niya ang hangin.

" Uy! Pwede bang makipag kaibigan? " tanong niya habang kinakalabit pa din ako." Bahala ka hindi kita titigilan. " kinalabit nya na naman ako.

" Oo na,Sige na!  Basta tumigil ka lang!  Happy? " Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa labi niya... baliw ata tong si J-Hope e.. Sinungitan ko na't lahat lahat wa epek pa din nakangiti pa!.

" Yes!  Friends na tayo? Wohooo!!! " Halatang masaya ito. Ano naman ang mapapala niya kung maging kaibigan niya ako?  wala diba?

" Hey!  Shut up. " Suway ko ng magsisisigaw pa siya... Baliw na nga talaga. Tinakpan ko ang bibig niya para masiguro na hindi na talaga siya mag-iingay.

" asghdkldlg! " Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil nakatakip pa din kasi ang kamay ko sa bibig niya.

" Once na binitawan ko to. Mananahimik ka na? " Tumango naman ito. " Promise? " Tango ulit ang tanging sagot niya

Unti unti kong binitawan ang bibig niya.

" Chansing ka lang e. " Pang-aasar niya kaya nakatanggap siya na naman siya ng irap mula sa akin.

" In your dreams! " sagot ko at inirapan ulit siya

" mamaya ihipan ka ng hangin at tumirik na lang yang mata mo. " biro nito at ang tanging tugon ko ay irap pa din. Mukhang magiging hobby ko na ang pag irap sa kanya.

" Galit ka na niyan? " He ask.

" No. " Tipid nasagot ko.

" We di nga? " Pangungulit nito. Naglalakad na kami papunta sa studio ipapakilala kasi nila kami sa ibang staff sa BHE ( Big hit Entertainment )

" Bakit ang kulit mo? " tanong ko sa kanya without looking at him.

" Bakit ang sungit mo? " balik na tanong niya.

" Bakit hindi mo na lang ako tigilan? " Tanungan pala huh?

" Paano kung ayaw ko? "tanong na naman niya.

" Paano kung ayaw ko din? " pang iinis ko sa kanya kaso parang hindi naman siya natinag magsasalita pa sana siya kaso natigil kami ng huminto na yung mga nasa unahan namin at pumasok sa isang silid.

" Hello po! " Yumuko kami bilang paggalang sa mga staff na nadito. Ipinakilala kami ni Rapmon sa Kanila.

" Nice to meet you! " Bati nung isang babae... Mukang ka edaran lang namin siya..

" Bukas ay may practice tayo. " Usal ni J-Hope na nasa tabi ko pa din.

" ahhh... " tanging nasambit ko.

" ehhh... " dugtong niya

" tsk! " kainis talaga ang lalaking to. Nagpaalam sila Shaira at Jin na may pupuntahan lang daw sila.... Si Jena at Jungkook ay may bibilhin daw.. Kami na lang naiwan nila Layza, V at J-Hope.

" Maglilibot libot lang ako. " Paalam ko sa kanila.

" Sama na ako. " Sasama na naman to. I need a peace of mind pero paano ko yun gagawin kung kasama ko siya.

Lakad lang kami ng lakad... pero nakakapanibago na hindi niya ako kinukulit... How nice. Thank you J-Hope.

" J ----- Hope! " luminga linga ako sa paligid pero kahit anino ni J-Hope ay di ko makita.

Nasaan na ba yun?

Hala!  Baka dinumog na siya ng mga fans niya tas kinuha na lang siya bigla? o baka bigla na lang may dumukot sa kanya yung mga haters niya?  Ano na ang gagawin ko?

Nagsimula na akong magpanic.. Pero may biglang humigit sa akin.....

Muntik na yun. Muntikan na akong masagasaan salamat na lang sa taong humila sa akin.

Nilingon ko ito at agad na lang akong napangiti at may luhang tumulo galing sa mata ko nang makita kung sino ang nalingunan ko.

" J... J-Ho... Hope! " banggit ko sa pangalan niya at bigla na lang niya akong niyakap.

" Ano ka ba? huh?  Magpapakamatay ka ba? " Sabi nito habang nakayakap pa din sa kin.

na e-ewan na ako. Kung sino pa yung taong lagi kong tinataboy at tinatarayan siya pa yung taong magliligtas sa akin...

" San ka ba kasi pumunta? " tanong ko sa bawat paghikbi.

Kumalas ito sa pagkakayakap, Nakita ko ang mukha niya kahit naka hood ito. Ngumiti siya ay kinuha ang kamay ko. May inilabas siyang......  Bracelet!

Isinuot niya iyon sa akin.

" Binili ko kasi yan ng makita ko... Hindi na ako nagpaalam kasi alam kong susungitan mo lang ako. " pagpapaliwanag niya.

" edi sana nagpaalam ka pa din para alam ko kung saan ka pumunta para di ako nag-aalala! " Sigaw ko sa kanya.

Matatawa na ba ako sa naging expression niya? Nagulat ito.

" N-Nag-aalala ka sa akin? " mautal utal niyang tanong.... Nagkaroon ng ngiti sa labi nito... Ngiting nang-aasar.

" I don't repeat my word. " Pinunasan ko ang luha na nasa pisngi ko at umayos na ng tayo....

" Okay. " He hug me again.

" Uy! Uy! Masyado kang nasiyahan. " at kumalas na ako sa pagkakayakap niya

" Wews!  Gusto mo din! " pang-aasar niya at nauna na sa paglalakad.

" Kita mo to! pagkatapos akong yakapin iiwan-iwan ako!  tsk! " Humabol ako sa kanya para magpantay kami sa paglalakad... At sabay na kaming bumalik sa office para pag-usapan ang unang project namin with them.

This is it!

***

Just One Day ( BTS FanFiction )Where stories live. Discover now