Chapter 24 - Pashnea

0 0 0
                                    

Layza's P. O. V.

Ilang buwan na lang matatapos na ang kontrata namin sa big hit! Hays mamimiss ko sila...


Ngayon pa nga lang kami nagkabati ni V e.... Huhuhu!! dT^Tb



Ma-ire-release na yung Music video namin kasama ang BTS. Pagkatapos non... NGANGA!!



Nakakaboring.... Walang magawa dito sa loob ng unit. Inikot ko ang paningin ko at lumanding iyon sa sketch pad ko...



Tama!! Aasikasuhin ko na lang muna yung gowns and dresses na gagamitin sa kasal ng kaibigan ko.



Kinuha ko iyon at nagsimula ng mag sketch. Sa umpisa ay wala pa akong maisip na istilo para sa dresses ng mga abay pero in the end simple pero elegante ang napili kong i-design sa long dress na susuotin ng abay.. Iniba ko na lang ng kaunti ang design para sa Maid of Honor.


Nang nasa bride na ang iniisketch ko ay biglang bumukas ang pinto. Tumambad na naman ang mga nag gaguwapuhang BTS sa harapan namin.



Nginitian ko lang sila saka nagpatuloy sa ginagawa. Alam ko naman kasi na ang pinunta nila dito ay ang mga kapareha nila... Kahit hindi nila sabihin, Mababasa mo sa kilos nila na napupusuan nila ang mga ka-grupo ko.



Naramdaman kong may umupo sa sofa na nasa likod ko. Nasa lapag kasi ako nakaupo at nakapatong ang gamit ko sa mini table na nandito sa salas. Hindi ko na lang sya pinansin... Kung sino man siya!! Hahaha!! d^_^b


Nagpatuloy ako sa ginagawa ng nasa mismong design na ang ginagawa ko sa gown ng bride, umupo na si...... Si V pala ito.




" Ang galing mo pala mag drawing! " papuri niya, tanging ngiti lang ang tinugon ko sa kanya habang nagpapatuloy ako sa pag iisketch



" Sa amin kasi si Jungkook ang magaling mag drawing. " kwento niya pa.


Ibinaba ko ang lapis na hawak ko at humarap sa kanya.

" Alam ko! " Sagot ko na ikinabigla niya. Grabe! Gusto kong matawa. Yung itsura niya!! BWAHAHAHA!!


" A-Alam mo?! " mautal utal niyang tanong dahilan para mailabas ko yung kanina ko pa pinipigilang tawa.



" Oh? Anong nakakatawa? " Nakangusong tanong niya.



" Alam mo? Nakakalimutan mo atang fan niyo kami! Lahat ng Armys alam na may talento sa pagguhit si Jungkook! Ikaw lang talaga tong Alien!! " Banat ko sa kaniya.


" Ako? Alien? Sa pogi kong to? " Maangas na sabi niya. Natawa naman ako.



" Talagang ang onti ng alam mo pagdating sa mga fans mo! Alien ang bansag sayo ng mga Armys kasi diba? Gustong gusto mo yung mga bagay na kakaiba sa paningin, pandinig, at panlasa mo kasi ALIEN KA!! At saka!!Minsan ka lang maging pogi kasi madalas cute ka!! " Pagdidiin ko pa.



Nagulat na lang ako ng hindi siya mag react sa mga sinasabi ko. May nasabi kaya akong nakaka offend? Gosh!! Baka magkaroon na naman ng war. Hay nako! huhuhuhu sige na pogi na siya! dT^Tb




" B-bakit? May nasabi ba akong mali? " Kabadong tanong ko.



" Wala! Sadyang namangha lang ako dahil ang dami mong alam patungkol sa akin. " sagot niya ng naka ngiti. Nakahinga naman ako ng maluwag.



" Yun lang pala akala ko kung ano na! Pashnea ka! " tatawa-tawang ani ko.



Bigla namang nagtaka ang mukha niya!! Hala? oo nga pala hindi niya alam ang ibig sabihin ng pashnea...

Hahaha!! Ang cute niya talaga!! Sarap kurutin ng pisngi! Kagigil.



" P-Pasniya? " takang tanong niya.




" BWAHAHAHAHAHA!! " tawa ko pa na mas lalong nagpakunot sa noo niya. Pasniya daw? Bisaya!!


" Wala yun! (tawa) Sa palabas lang yun sa pilipinas. Ang ibig sabihin at hayop! " patungkol ko sa Encantadia sa GMA 7



" Ahhh!! yun pala yun... Pasneya! " Paulit ulit niya pang sinasabi yung salitang PASNEYA!! kaya tawa ako ng tawa.




Ang saya talaga ka sama ng mokong na to. Parang kahapon lang lagi niya pa akong sinusungitan pero ngayon magkasundong-magkasundo kami!!



***

Just One Day ( BTS FanFiction )Where stories live. Discover now