Chapter 27 - ShaiJin

0 0 0
                                    

Shaira's P. O. V.

" uy! May shooting star! " bulalas ko sa kalagitnaan ng katahimikan sa pagitan namin ni Jin. Tinuro ko pa yun.

" Tara mag wish tayo! " sabi ko saka pumikit at pinagsalikop ang mga kamay ko.


Nang dumilat ako, nakapikit pa din si Jin. Ano kayang hiniling niya?


" Anong hiniling mo? " tanong ko ng magmulat siya. Bahagya naman siyang ngumiti.


" Na sana mahalin na din ako ng taong mahal ko. " Aniya.

" Yieee!! pumapag ibig ka na pala ah? Who's the lucky girl? siguradong dadagsa ang mga fans mo. hahahaha! " Asar ko sa kaniya, todo pa ang ngiti ko pero bigla iyong naglaho ng hindi man lang siya ngumiti ng sabihin ko yun.


" Uy! May problema ka? " seryosong tanong ko.

" Huh? Wala. " Sagot niya.


" Sino ba ng maswertenv babaeng bumihag sa puso ng pink princess? " biro ko sa kaniya.

Natawa naman siya. " Ikaw. " seryosong aniya dahilan ng pagkabigla ko.


" A-ako? " mautal utal kong tanong. Tumango naman siya. " Bakit ako? " naguguluhang tanong ko.


" Ang manhid mo talaga! " aniya na kinurot pa ang pisngi ko.

" Hindi mo lang kasi pinaparamdam. " Tinampal ko ang kamay niya na nasa pisngi ko pa din.



" Ikaw lang naman ang nag iisang nagpatibok sa puso ko. " Seryosong sabi niya. Hindi ko ba alam may part sakin na kinikilig pero wala pa din talaga nangingibabaw pa din si Jace.



" Ako talaga? As in si Shaira Antonio? " takang tanong ko.

" Yes. " sagot niya.



" Bakit hindi ko napansin? " tanong ko sa sarili ko pero narinig niya pala.

" Kasi hindi mo namab pinapansin. Ang buong atensyon mo na kay Jace pa din. Pero okay lang naman sa akin. Ang gusto ko lang masabi na sayo tong nararamdaman ko. Ang hirap kasi pigilan ng nararamdaman e.. " Mahabang paliwanag niya.


" Ahmm... Jin, Hindi pa ako handa e.. " Sabi ko sa kanya.


Ngumiti naman siya. Alam kong sincere yung ngiti niya.


" Alam ko. At ang gusto ko kapag handa ka ng tanggapin ako sa buhay mo hindi lang bilang kaibigan... Wala ng Jace diyan sa puso mo, Kung meron man, hindi na katulad ng dati, dahil ako na at hindi siya. " Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.



" Aalis na kasi kayo next week e...  Kaya gusto kong sabihin na sayo. Na sa loob ng limang buwan na paglalagi niyo dito sa korea at para makatrabaho kami. feeling ko ang tagal na nating magkakilala dahil ang gaan ng loob ko sayo. Salamat sa memories. " Yinakap niya ako.


" Ano ka ba?! Akala mo naman talaga hindi na tayo magkikita! " Sita ko sa kaniya. " Thank you din. " at ginantihan ko na din ang yakap niya



Hindi ko alam, Jin. Kung talagang magkakapuwang ka sa puso ko sa ibang paraan. pero... ngayon hanggang kaibigan na lang muna.

Salamat sa lahat, Jin. Hinding hindi kita makakalimutan.

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just One Day ( BTS FanFiction )Where stories live. Discover now