Chapter 13 - Friends?

1 0 0
                                    

Ho Seok's Point of View.

Mababaliw na ata ako! Yung puso ko kasi masyadong malandi! haha!! Whaaa!!  Ayoko nung nararamdaman ko...

" Gwapo ko no? " biro ko sa kanya at nginitian ko siya. God! Anong nangyare? Sabi ko sa inyo e... Mahuhulog siya sa akin!

Nakita ko namang namula yung mukha niya... Yieee!! nag ba blush siya! Cute!

" Gwapo your face! " sabi niya sabay tayo saka lumabas na nang condo unit nila...

Ang ganda niya talaga! Ang cute nang mukha niya kapag naaasar na siya... Kanina naman nung ginigising ko siya... Grabe tulog mantika! Pero ang amo ng mukha niya! Sarap i ki-- Ay grabe ma tong iniisip ko!

Sinundan ko siya....

San na ba yun?

Nag hood ako... Para hindi ako makilala ng iba.

Nakita ko siya sa may playground naka upo sa swing... Ang cute niya talaga! nag mukha tuloy siyang bata...

Teka!

May kausap siyang lalaki?

Grabe ang bait niya naman dun sa lalaki tapos sa akin sinusungitan ako?

Wow as in Wow!

Lalapitan ko na sana siya para mailayo dun sa lalaki baka kasi kung anong mangyari sa kanya... Hindi na safe sa mundo..

Pero....

Yung lalaki niyakap niya si Clara!

Aww ang sakit!

Ako nga hindi ko siya mayakap e.... tapos itong estranghero na to! Aba ang tigas naman ata nang bungo niya....

pero..

" Whaaa!! Sean!! Bakla! " What? Bakla? Grabe naman!  Bakla pala yun.

lumapit ako ng onti sa kanila para naman makita ko pa yung other side ni Clara... yung pagka kwela niya!

Grabe! Ang kulit pala ni Clara... Ang saya niya tignan.

May dumating pa na isang babae at nagyakapan sila ni Clara. Sana ako yun!  T^T Ay ano ba tong pinagsasabi ko.

Masaya silang nag uusap ngayon pero...

" Clara! " Sabi nang isang lalaki..

" K-Kiel? " Natataranta na si Clara.. Sino ba tong lalaking to?

" Can we talk? " Tanong ni Clara... Aba'y pa english english pa! Kaya ko rin yun no?

" S-Sure. " Naiilang na sagot ni Clara. Lumapit sila sa.... akin?

Pero hindi nila alam na nandito ako.. Kahit masama man tong gagawin ko.. pero.. gagawin ko pa din.

[A/N: Korean pa din yung salita nila dito kaya maiintindihan pa din ni Ho Seok ang pag uusapan nila Clara at Kiel]

" Ano na naman yun? " bungad na tanong ni Clara dun sa Kiel

" Kasi ano... ahm..." Naiilang pa ata tong si Kiel e...

" Kasi ano? " nag susungit tuloy si Clara ko!

KO?  inangkin talaga?

" Pwede ba akong makipagbalikan sayo? " nagkamot pa to sa batok niya. Edi.... Ex boyfriend to ni Clara?

Ano kayang nangyare?

" What? *Pilit na tawa* Seryoso ka niyan? Ay mali! mali! Wala pala sa bokabularyo mo ang salitang seryoso. " patawa tawang sabi ni Clara.

" Jane! " Bigkas nung kiel saka tumungo

Jane? May other name pa si Clara?

" Don't call me that way! Wala ka ng karapatan! Masaya ka na ba? ha? Masaya ka na kasi nasaktan mo na kami? " Umiiyak na si Clara.

Pero bakit ganun? dama ko yung sakit na pinapasan niya? Ang sakit pala makita na nasasaktan din siya...

" H-hindi ko sinasadya! " Umiiyak na din pala tong mokong na to.

" Mahal pa din kita Clara! Hindi ko sinasadya na pagsabayin kayo! Inakit niya ako! " Sabi nung Kiel

" Wow ha? Hindi mo sinasadya? Pero nagawa mo na! inakit ka niya pero nagpaakit ka naman? Its been years kiel! Kaya please lanv tumigil ka na! Nakapag move on na ako kaya sana ganun ka din! Hindi naman ako tanga para makipag balikan pa ako sa isang tulad mo! " Nakikita ko ang sakit na nararamdaman ni Clara. Nakikita ko sa mata niya...

" Im sorry! Sorry sa lahat Clara! Mahal pa din kita! please give me a second chance! " Sabi nung tarantadong lalaking nagpapaiyak na dun sa babaeng gusto ko... Oo gusto ko siya... Gusto lang naman kaya umayos kayo!

" Sorry? Sorry mo mukha mo! Ganun ganun na lang ang lahat? ha? Kapal din naman pala nang mukha mo! You dont deserve my forgiveness... Once is enough twice is too much! " Sabi ni Clara.. Pero sadyang makulit tong lalaking to e niyakap pa niya si Clara... Hindi ko na napigil ang sarili ko kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko.

Inihiwalay ko yung kiel sa pagkakayakap niya kay Clara saka ito sinuntok.

" Siya ba yun, Babe? " Tanong ko... Halata namang nagulat ito ...pinanlakihan ko siya ng mata at sinabi sa kanya na maki ayon na lang siya...

buti naman at hindi slow si Clara kasi tumango ito

" Sino ka ba? " Tanong ni kiel.

" Hindi mo ba nakikita? " tanong ko sabay pakita ko kay kiel yung kamay naming magkahawak.. Tinanggal ko yung hood ko.. buti na lang talaga walang tao sa lugar na to kaya walang makikilala sa akin..

" Can you please stay away! " pagbabanta ko sa kanya.

" Layuan mo na ang GIRLFRIEND KO! " sabi ko sa kanya at hinila na si Clara palayo sa lalaking kumag na yun.

" Shhh... Don't cry! " pagpapatahan ko sa kanya...

Hinawakan ko ang mukha niya gamit ang dalawa kong kamay... pinunasan ko ang luha na nasa pisngi niya.

" Wag ka ng umiyak kasi nasasaktan din ako! Jebal! " Sabi ko saka siya niyakap. [Jebal=Please]

" Gahm-sah-hahm-ni-da! " Sabi niya. " Chon-mahn-eh-yo! " Sagot ko naman. [Gahm-sah-hahm-ni-da=Thank you/Chon-mahn-eh-yo=you're welcome]

***

Nandito pa din kami sa may playground.

" Tara! Uwi na tayo! " Aya ko sa kanya. Maggagabi na din kasi kaya mas mabuti nang umuwi na kami... Pumayag naman siya. Buti na lang talaga at humupa na yung pag iyak niya.


" Good night, Clara! " Paalam ko sa kanya. Papasok na sana ako kasi iniincode niya na yung password niya pero pinigilan niya ako.

" Ahmm... Ho Seok! " Wow!  Ngayon lang niya ako tinawag sa pangalan. Nginitian ko siya.

" Thank you pala ha? " Sabi niya na bahagyang napayuko

" Ano ka ba? Kanina mo pa yan sinasabi at paulit ulit kong sasagutin na walang anuman! " biro ko sa kanya para hindi na siya mailang sa akin..

nag smile naman siya. " pero salamat talaga! kasi kahit sinusungitan at tinatarayan kita pinagtanggol mo pa din ako dun sa epal na kiel na yun! Sorry talaga! Hindi ko alam kung paano kita mababayaran pero gagawin ko na talaga ang lahat! " napangiti naman ako sa speech niya.

" talaga? kahit na ano? " paniniguro ko.

tumango naman siya.

" So... friends? " tanong ko at inilahad ko ang kamay ko..

" Okay! Friends! " Iniabot naman niya ang kamay ko na naghihintay sa kaniya...

Whaaaa!!  Friends na kami ni Crush!!  Friends lang kami!  FRIENDS LANG!  pero okay na din.... * blush *

***

Just One Day ( BTS FanFiction )Where stories live. Discover now