Chapter 22 - The Past

0 0 0
                                    

Layza's P. O. V.

" Tawang tawa talaga ako sayo non!! " Asar niya pa. Kanina pa namin binabalikan ang nakaraan.

Sabi nga nila... minsan kailangan nating balikan ang nakaraan para pahalagahan ang kasalukuyan.

" Pano ba naman kasi... Lumagpak sa lupa yung expectations ko non nung sinungitan mo ako! " Complain ko pa.

" Sorry na. Ano ba ine-expect mo nun? " tanong niya.


Bahagya naman akong natawa ng maalala yung araw na yun.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nagmumuni-muni at kung ano anong iniisip.

Hindi ko alam kung paano ko ba ito mai-express. Masyadong masarap sa pakiramdam ang lahat ng natatamasa namin ngayon.

Nae-excite din akong makita si V!! For sure magkakasundo kami!! Yieee!! d♥_♥b

" Ine-expect ko kasing magiging mag kaibigan agad tayo. Yung tipo na magkakasundo tayo kasi parehas tayong jolly, minsan din ay seryoso. Nasa isip isip ko non na... bawat araw ay masaya, pero lahat ng expectation ko salungat sa reyalidad na kinagisnan ko simula ng makarating kami dito sa Korea. " Natawa pa ako ng konti. " Siguro masyado lang akong nag expect! Kasalanan ko din iyon! " Sabi ko pa saka ako tumingin sa kanya at ngumiti.


" Nasira ko pa ang expectation mo! Pasensya ka na ah? Nahiya talaga ako sayo. Wag kang mag alala, simula sa araw na ito, puro masasayang alaala na lang ang bubuohin natin sa isip natin. Pangako!?" Inilahad naman niya yung kamay niya para mag pinky swear kami sa isa't isa.


Ngumiti muna ako sa kanya bago ko abutin ang kamay niya at nakipag pinky swear.

" Pangako! " Sagot ko.


Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.


dO_Ob


Ang lapit na namin sa isa't isa, At ang puso ko ngayon para nang hinahabol ng kabayo sa bilis ng tibok nito.


Sana naman ay hindi niya marinig ang tibok nito kasi talagang nakakahiya.


Naramdaman ko na lang na hinahagod na niya ang buhok ko at hanggang ngayon ay magkayakap pa din kami.


Napapigil naman ako ng hinga at maging ang ngiti ay aking tinatago. Ano bang nangyari sa lalaking ito at biglang bumait? pero... mas okay na to!  AYIEEEEEE!!!! (\^°^/)

BLAGG!!

Nagulat na lang ako ng pabagsak na bumukas yung pinto at nakita ko ang kasamahan ko at ang ibang miyembro ng BTS na hingal na hingal na parang sumali sila sa isang marathon.



" Anong meron? " takang tanong namin ni V sa kanila pero ni isa sa kanila walang sumagot sa tanong ko.


Taka naman akong napatingin sa kanila at ngayon halata sa mukha nila ang pagtataka.

Sabay sabay silang napatingin sa kung saan ng sundan ko ang tingin nila ay saka ko lamang napagtantong naka pinky swear pa rin pala kami at ang lapit namin sa isa't isa na parang isang lingong sabay lang naming dalawa ay maari na naming mahalikan ang isa't isa. Kyaaahh~

Napansin din pala iyon ni V saka sabay kaming bumitaw at lumayo ng kaunti sa isa't isa. Hindi na ako makatingin sa kanila kasi talagang nahihiya ako. Pakiramdam ko yung dugo ko ay umakyat sa mukha ko dahilan ng pagka pula non.


" YIEEEEE!! " Gulat akong napatingin sa kanila ng sabay sabay nilang banggitin yon na animoy kinikilig.


" Grabe ka bro, Dumadamoves ka na din? " Asar ni Jin kay V.

" Nakanang! Binata na siya!! " Banat pa ni JHope.

" Yieee!! si Layza nag ba-blush!! " Asar pa nila Ariela at Athena sa akin dahilan upang mas lalo akong mamula.

" Bagay kayo! " Sabat naman ni Jimin. Nakangiti siya ngayon sa amin.

Inasar naman kami lalo ng sabihin niya yun. Hays! Kailan kaya sila titigil?

" Alam ko bro! " Sabat pa ni V.
Agad naman akong napatingin sa kanya.

" Ayieeeeee!! " banat pa ng mga babae. Ayoko na!! Hiyang hiya na ako!! Haysss!! kung alam ko lang na ganito kasaya sa kabila ng sakit nung una hindi na sana ako nawalan ng pag-asa.


" Kwento ka mamaya! " bulong sa kin ni Shaira. Natawa naman ako sa sinabi niyang yon saka ako tumango.

Ang saya nila panoorin! Lahat sila nagtatawanan. Parang walang problema! San ganito lagi!! :)


***

Just One Day ( BTS FanFiction )Where stories live. Discover now