Chapter 21 - LayV

1 0 0
                                    

Taehyung's P. O. V.

Spell AWKWARD?

K. A. M. I.

Hinihintay namin ni Layza yung iba na makarating dito sa unit namin. Kaso halos mag iisang oras na simula ng makarating kami dito.. pero hanggang ngayon ay wala pa din kaming mapag usapan.

" Lay!/V! " Sabay pa naming bulalas ng makakuha ako ng lakas ng loob.

Kairita na to mga tol!!

" You go first!/Sige ikaw na mauna! " Ano ba talaga to? Coincidence?

" Sige ikaw na mauna! " paubaya ko.

" Ah... " pauna niya pero ilang segundo ang lumipas hindi pa din na dudugtungan...

" Eh? " bulalas ko kaya parehas kaming humagalpak ng tawa.

" Ih! " Sabik pa niyang ani.

" Oh! " Tatawa tawang dugtong ko.

" Uh! " Nakangusong dagdag niya kaya bahagya pa akong natigilan.

Ano bang nangyayari sa'yo, V?

" Hahahaha!! Ano? dugtungan na lang ba tayo dito? " Bahagya pa akong natawa sa sinabi ko.Nagpipigil ng kaba.

" Ay! Sorry! " paumanhin niya.

" You don't have to.. " sabat ko. " Ano pala yung sasabihin mo? " takang tanong ko.

" Ah.... yun? Tatanong ko sana kung bakit sa lahat ng miyembro ng grupo ko ay ako ang laging sinusungitan mo? " takang tanong niya at binigyang diin pa ang salitang ako sa sinabi niya.

" Ahh.... hehehe!! hindi ko din alam e... Siguro isa sa mga dahilan ko ay nahihiya ako sayo! " sinserong sagot ko.

" Bakit ka naman nahihiya sa akin? " Kunot noong tanong niya. batid ang pagtataka sa kanyang mukha.

" Hindi ko din alam... Hahaha!! basta gusto ko maging maayos ang pagtatrabaho natin kasi ayaw ko na mawalan ng saysay yung pagiging magkapareha natin. " Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mata niya pero agad din niya iyong iniwas.

Nahihiya siya! d^_^b

" Ahh... Akala ko kasi ay talagang ayaw mo sa akin. " nakayukong sagot niya kaya lalo akong napatingin sa kanya kaya batid kong nakanguso siya.

Napangiti ako sa inasal niya.

hinawakan ko ang baba niya at iniharap sa akin kaya halata sa mukha niya ang pagkabigla... Napangiti ako sa naging reaksyon niya.

" Naging ganon ako sayo kasi ayaw kong mapahiya sayo. Saka wag mong iisipin na ayaw ko sayo kasi simula pa lang hinahangaan na kita! " sinserong sagot ko sa kanya.

Bahagya naman siyang natigilan at sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi.

" Talaga bang hinahangaan mo ko? pero bakit? " takang tanong niya saka umayos ng upo dahilan para mawala sa baba niya ang kamay ko.

Napapahiyang ibinaba ko iyon na hindi naman niya napansin.

" Hindi ko din alam pero meron sa loob ko na humahanga sayo kasi may ugali ka na nakikita kong sayo lang mismo makikita. " Sinserong sagot ko.

bahagya naman siyang ngumiti sa akin kaya nginitian ko din siya.

Sana magtuloy tuloy na ito...

Nakakapanghinayang yung araw na magkasama kami pero hindi man lang kami nagkikibuan tapos madalas ko pa siyang sungitan...

Matagal ko na din siyang sinusundan ng palihim. lalo na nung mabangga ko siya sa malapit lang dito sa condo namin.

Nasungitan niya ako non pero wala man lang akong nasabi kaya umalis na lang ako sa lugar na yun.

Ako din yung nagbigay sa kanya ng rosas inutusan ko pa ang isang batang paslit para ibigay sa kanya.

Minsan din ng makita ko siyang nagmumuni muni sa park ay tinititigan ko siya.

Hindi ko alam.. basta merong nagsasabi sa akin na sulyapan ko lang siya.

at ngayon kasama ko na siya... Ang saya lang sa pakiramdam.

d^_^b

Athena's P. O. V.

" Bilisan mo naman sa pagmamaneho! " aligaga kong utos kay Rapmon.

Pasensya na siya at meron ako ngayon kaya nasusungitan ko siya!! BWAHAHAHA!!

" Gusto mo atang maaksidente tayo e... Kung gusto mong makarating don ng buhay ay wag kang magmadali!! " Pigil na inis na aniya.

" Basta bilisan mo ng onti. kawawa naman si Layza don! " sabi ko habang nakatingin sa bintana.

Hindi ko ba alam... masyado talaga akong nag aalala sa kapakanan ni Layza, Oo.. napakabait ni V pero hindi ko makita yung side na yun kapag kaharap niya na si Layza.



Hindi ko na din makita sa mukha ni Layza yung saya na halos mapunit na yung mukha niya sa kakangiti kahit makita niya lang si V sa mga pictures o kaya sa music videos. Typical Fan.



Ilang minuto lang din ay narating na namin ang condo namin. Naabutan naman namin na nandon na sila, kakarating lang din nila Ariela at Suga.




Dali-dali kaming umakyat papunta sa unit namin. Binati din kami ng mga staff dito sa condo pero takbo lang kami ng takbo hanggang sa makarating na kami sa unit.



Tumigil kami sa pintuan saka nagbilang si Rapmon.



" Isa, dalawa, tatlo! " bilang niya pa saka sabay sabay kaming pumasok sa unit nila.




dO_Ob





Anong meron?





***

Just One Day ( BTS FanFiction )Where stories live. Discover now