Chapter 1

92 1 0
                                    

Xendra POV:

June 2011

Iba na 'to! Ibang level na nang life ko. Hindi nako maglalaro ng Chinese garter, magpipiko. Nandito nako sa stage na kailangan ko nang magpakamature ng kaunti lang naman. Goodbye High School eklabu. Hello College life. Napapakanta tuloy ako, "Nasasabik sa unang araw ng eskwela, taas kamay with confidence, let's do the first day high!" Ganito talaga ako. Naeexcite kapag may bago. Bagong gamit, bagong kaklase, bagong...... "Aray naman! Kung makabangga naman para naman akong pader."  Nang biglang nagpasorry ang isang lalaki. Hindi ko na pinansin. Ang gara kase e! Oo nga pala, muntikan ko ng makalimutan. I'm Xendra Montano Heinen. From Pampanga Technical High School. I'm 16 years old. Oo, napaaga ako mag-aral e. Wala naman sa edad yan. Nasa kakayahan yan! Diba bes? Hahaha. I'm now entering Pampanga State University. Taking Bachelor of Secondary Education, major in English. Taray ne? Oo, hindi ka nagkakamali. Kapampangan ako pero my father is half swiss. Taga Switzerland ang papa ko na hanggang ngayon, hindi ko pa nakikilala pero ayus lang yan. Tuloy lang ang buhay.

Xavier POV:

Oh Shit! I need some focus. Kailangan ko mapanatili yung rank ko. I need to prove na kaya ko pa kahit nasa college nako. Promise, magiging top notcher ako soon! Hi, I'm Xavier Aquino from St. Joseph Academy. Valedictorian, President of Student Council, Choir leader at tumutugtog minsan sa banda. Yes, I can balance my time pero isa lang sigurado, no time for serious relationship. Ipasa past time nalang natin. Habulin e. Tall, dark and handsome at ang secret weapon natin dre? Magaling sa bola. Not typically, bolahan. Pero I can play basketball kase e. Many girls talaga ay malalaglag panty. Yun ang sabi. Lol.



Habang nasa hallway ng school si Xendra napapaisip sya ng mga bagay na hindi nya akalaing maiisip nya. Imagine, 16 years old palang nga pero college na. "What if try ko nang pumasok sa relasyon? Tutal college nako. Pero pumasok ako sa university na 'to para mag-aral hindi para lumandi. Hay nako Xendra! Ano nanaman iniisip mo. Aral aral! Para sa ekonomiya!"


May pagkabuwang lang talaga si Xendra. Siya yung tipo ng babae na palatawa, pala joke, pala balasa sa barkada pero sa kaloob looban nya, maramdamin pala sya. Don't worry hindi naman nya ipinapakita. Sabi nga. What's on your mind, keep it behind. Lol. Siya yung tipo ng babae na cowboy. Yung wa pake sa sarili. Yung sense of humor, malakas. Hindi naman ganoon kagandahan pero sabog ang kaappealan. Yun ang sabi. Maiinlove ka kasi sa lakas ng personalidad nya. Hindi rin sya sexy, chubibi sya bes pero wag ka, mabait yan.

"San na ba room ko dito? BSEd Sec. A pa naman ako. Totoo ba 'to? Kasama ko matatalino. Mapapasabak yata ako bes."

"Xen, dito ka din pala." Nang biglang may tumapik sa akin. "Ay, Noree ikaw pala yan. Akala ko ba sa UP ka mag-aaral? Bat dito ka napadpad?"

Si Noree nga pala. Short for Jendee Norman Agustin. Hanep nga ang name e. Noree, kung tatawagin mo parang bakla. Hahaha. Pero wag ka bes, kung iidedescribe ko saiyo yang kababata kong yan, mapapa Oooooh ka. Simpli lang naman si Noree, masipag mag-aral, 5'7" ang height, hindi naman ganon kaputi. Fair lang. Maganda katawan, mala James Reid. Matangos ang ilong, naka brace, at ang gusto ko sa kanya yung labi nya. Ang pink besh. Pero uy, hindi ko pinagnanasaan yang childhood friendship ko na yan. Pihikan kasi. Kahit magkagusto ka, sigurado tatawanan ka lang. Ang taas ng standard e. Halos chix, magaganda. Sino nga ba akong hamak na chubibi lang. Pero kung papatusin ko 'to. Swerte ko! Matalino na, hmmm. Pwede na! Nyeaaam! Lol.

"Ano palang course mo, Xen?" Tanong nya.

"BSEd, English Major dre." Nang napapatitig sya sa akin sabay hawak sa mukha ko. Peace and Harmony! hahalikan yata ako nito. "Xen! Pareho tayo. Wag mong sabihing Sec. A ka, hahalikan na talaga kita!" Nang nilalapit nya talaga ang labi nya sa labi ko. Nang.....

"Ay, sorry. Susunod kung maglalandian kayo. Wag dito. Educs panaman yata kayo!"

Wait! Si Shanty yun ah? Short for Shane Theity Mendrado. High School sweet heart ng kababata kong si Noree, the paasa boy!

"Kita mo 'yun dre? Bitter padin hanggang ngayon. Teka nga, kikiss pa kita e." Lalapit nanaman sana sya nang sinapak ko sya sabay sabi ng, "Ano ba Noree! Ganyan ka ng ganyan. Wag mo syotahin ang bestfriend mo!" By Kim Chiu. "Sira! Sinyota mo bestfriend mo yun! Pero wag kang mag-alala, hindi kita type dre. Gising!"

Ay grabe 'to. Buwang. Ang assuming, ang feeling. "Hoy, Jendee Norman Agustin! Wag kang feeling. Hindi ka gwapo! Biseeeet!"

"Oooh, nahurt ka? Sige na nga, gusto mo tayo na?"

"Ang kapal talaga ng budhi mo. Kasing kapal ng labi mo!"

"Oo na! Makapal na 'to. Pero alam ko naman ang nasa isip mo. Ang mahalikan ang mga labi na 'to. Tara, try natin?" Sabay tawa ng sira ulong si Noree.

"Aba bes! Bet ko yan. Gusto mo para naman matikman mo din 'tong mala birhen kong labi?"

"Nagbago na pala isip ko. Baka mafall ka na naman e. Alam kita. Iiyak ka tapos, dre. Si ganito, si ganire. Sinaktan ako. Eh, ang tanong naging kayo?" Tawang tawa naman to. Uy, hindi nako ganoon. Dati yun. Hayy. Kung sana ikaw. Ikaw. Ikaw!

Elementary palang kasi kami ni Noree, magkasama na kami. Grade 3 ako nun nung nag transfer sya dito sa Pampanga from Manila. Kase dito narin nadestino yung daddy nya sa work kaya ayun, sumama narin yung family nya.

"Akalain mo 'yun. Hanggang ngayon. Kaklasi kita. Kala ko hindi na. Hahaha." Tawang tawang sabi ni Noree.

"Alam mong kapri ka! Kung ako ang tatanungin. Pati narin sana sa pagtanda, ikaw narin." Sagot ni Xen.

"Sus! Gusto mo ba? Tapos joke nanaman Xendrabolt!"

"Naniwala kana naman? Sabi na e. Ako talaga gusto mo since grade 3."

Kumindat nalamang si Noree at binatukan nanaman siya ni Xendra.

"Nakakailang batok kana ha? Binibilang ko yan. Babawiin ko yan ng halik tae ka!"

"Sige, ilista mo. Maiba ako dre. Nagsusulat kapa ba ng tula?"

"Oo. Bakit may pagbibigyan ka? Gawa kita? Gusto mo ngayon na? Sa bawat hangin na dumadampi, sa bawat matatamis mong ngiti. Ang tanging minimithi, ang mahalikan ang masarap mong labi."

Binatukan na naman ni Xendra si Noree sabay sabing, "Ikaw ne! Napakamanyak mo talaga! Ayan na room natin."

Nang sabay na silang pumasok upang makilala ang kanilang mga bagong kaklase at bagong teachers.

Attachment 101Where stories live. Discover now