Chapter 4

26 0 0
                                    

Sa room kung saan unang naglinis si Xendra.

Pagod na ang utak nito. Pero kailangan nyang malinis ito para magamit bukas. Nang may isang lalaking pumasok at kinuha ang isa pang walis.

"Working student ka pala ha?"

"Uy, Xavier. Nagulat ako kala ko sino. Oh buti at napadpad ka dito? Tabi ka, maalikabok." Sagot ng dalaga habang pawis na pawis na nagwawalis.

"Sipag mo naman. Wala yata yung boyfriend mo?"

"Huh?" Nagtatakang sagot ni Xen habang kinukuskos nya ang lamesa.

"Yung lalaking lagi mong kasama."
Sagot ni Xavier nang may nag ring na phone. (Despacito🎶)

"Dre, hindi muna kita matutulungan. Nagtext si Shanty sa akin. She needs me daw. Ewan ko napano. Sorry no. Sunduin nalang kita bukas." Bungad  ni Noree sa cellphone nang sagutin ni Xendra ito.

"Ay oo sige. Ayos lang. Kailangan ka talaga nya siguro. Okay lang ako." Sagot ni Xen.

Nang binaba nya na ang kanyang phone at sinabi kay Xavier na si Noree nga ang tumawag.

"Yung boyfriend mo yun diba?" Tanong nito sa kanya.

"Natawa naman ako sayo. Hindi ha. Kababata ko lang yun."

"Super close kasi kayo e."

"Ganoon lang talaga kami. Medyo clingy kasi yun e."

"I see."

Tinulungan nga nya si Xen na maglinis at pagkalipas ng isang oras.

"Kapagod pala yang ginagawa mo. Grabe." Pagod na sinabi ni Xavier kay Xen.

"Pagod nga pero kailangan e. Para makatapos." Nakangiting sagot nito.

"Bait naman. Dahil dyan. May jacket ka!"

"Sira. Tara na, oras na. May quiz pa tayo bukas."  Yaya ng dalaga dito sabay kuha sa bag nito.

"Ako na magdadala ng bag mo, Xen." Alok ni Xavier sakanya at kinuha na nya ang bag ni Xen.

"Alam mo, hindi ko expect na ganyan ka. Akala ko puro ka lang yabang. Hindi naman pala."  Namumulang sabi ni Xen kay Xavier.
Habang naglalakad na sila palabas ng school.

"Sanay nako, ganyan naman lagi sinasabi sa akin. And I don't need to explain myself kung sino ako. I'm just letting them to judge me. Hindi naman ako pinapakain ng mga yan e."  Pagpapaliwanag nito sa dalaga.

"Ay! Ang bitter ni kuya. Sugar, gusto mo? Drama! Oh paano, doon nako sa may sakayan ha?" Pagpapalam ni Xen nang biglang hinablot siya ni Xavier at hindi sadyang napahiga silang dalawa sa may putikan. Nang aksidenteng napasubsob si Xen sa dibdib ni Xavier.

"Ano ba naman yan!" Iritang sabi ng dalaga.

"Sorry, Xendra. Yayayain lang sana kitang sumakay sa sasakyan ko para hindi kana gumastos sa pamasahe." Pagpapaliwanag nito habang kumukuha ng panyo sa kanyang bulsa para punasan ang putik sa damit nila.

"Okay lang 'to. Lalabhan ko nalang. Sige ba! Hindi naman ako aayaw e. Sinabi mo nalang sana agad." Sabay tawa nito habang nakatingin sa mukha ni Xavier.

"Bakit ka tumatawa? May dumi ba ako sa mukha?"

Nang nilalapit ni Xendra ang mukha nya kay Xavier.

Attachment 101حيث تعيش القصص. اكتشف الآن