Chapter 5

14 1 0
                                    

"Hello, Xen. Salamat sa pagsagot. Okay lang ba talaga?" Bungad agad ni Xavier sa kanya.

"Oo. Pero saglit lang ne? Kasi magrereview pa ako e." Sagot ng dalaga.

"Wag nalang kaya? Nakakaistorbo ata ako baka hindi kapa makapagreview nang dahil sa akin. Mukhang napipilitan ka lang naman e." Malungkot na tugon ni Xav.

"Arte ha. Gwapo ka? Hindi. Okay lang." Sagot naman ni Xen.

"Baka kasi magustuhan mo tapos magrequest kapa." Tumatawang sabi ni Xav.

"Grabihan tayo kuya! Kung sanang kumanta kana, edi narinig ko na." Pabebeng sabi ni Xen.

"Okay sige. Ready kana?" Tanong ni Xav sakanya.

Xendra POV:

Grabe. Kakantahan nya 'ko. Harana ang peg mga bessy. Iba 'to!

"🎶Minamasdan lang kita, hindi ko mapigilang mapatitig sayo. Nadarama mo ba, ang pintig ng puso ko? Minamasdan kita, mapapansin mo kaya ako. Kung ako sayo ay lalapit at aamin na. Na mahal kita, oo mahal kita. Naririnig mo ba?🎶"

Nakikinig lamang si Xendra habang kumakanta sa phone si Xavier.

Xendra POV:

Magaling pala syang mag gitara. Hanep. Ang ganda ng boses. Ang lamig. Parang natatae nanaman ako ah. Hahaha.

Nang biglang nagsalita na si Xav. "Uy, Xen. Nandyan ka pa ba?"

"Oo, baliw. Syempre, makikinig ako. Ala namang kumakanta ka, magsasalita ako. Bastusan?"

Natawa lamang si Xav sa kanya. Halatang nag-eenjoy sya sa ugaling meron si Xendra. Nang bigla nanaman syang nagsalita.

"Xendra, maganda ba? Chorus palang yun e."

"Galing mo pala gumitara ne? Oo naman. Okay na. Para kanino yan at hugot na hugot?" Tanong ni Xen sakanya.

"Hmmmm. Kasi......"

Toot* toot* toot* toot* toot*

Biglang naputol ang pag-uusap ng dalawa.

Xavier POV:

Ay wala na akong pantawag. Text ko nga baka akala nya pinatayan ko sya.

------------

Hi Xen. Wala na akong pantawag. Pasensya na. Sige na, review kana. Ipasa mo ha. Ingat ka. :)

(Message Sent)

---------
Text message from Xavier :)

Natanggap nga nya ang text ni Xav at nireplyan nya ito.

--------
Oo, galing mo ne. O sige Xav. Review muna ako ha. Good night. :)

--------
Good night, Xen. :)

Nang biglang nagtext si Noree.

Text message from Noree kapree :)

Oy, bolta! Miss na kita. :(

------
Maya na kapre. Busy ako.

-------
Kanino?

--------
Peace and harmony! Quiz natin bukas, alam mo?

-------
Ay oo. Sh*t! Pakopya ne?

-------
Sus. Piece of cake lang sayo yun. Baka ako pa pakopyahin mo mokong ka!

Attachment 101Where stories live. Discover now