Chapter 2

33 1 0
                                    


Inside the classroom, iba- iba na talaga yung faces na makikita mo lalo na kung freshies ka. Nakapasok na sina Xendra at Noree sa room and as usual. Sila muna ang magkausap. Nasa stage pa ng getting to know each other ang peg nang magkakaklase. May iba ibang klase ng ugali. Tahimik, madaldal, weird, mayabang, matalino at ayun! Gwapo. Aside from Noree naman madami pang gwapo sa mga blockmates ko.  Pero parang pamilyar yung isa na nakaupo dun sa dulo at may hawak na book. Eh! Parang pang FHM yata. Grabe 'to! Gwapo nga, laswa naman.

"Oh, kapreee! Tignan mo 'yun. Gwapo nga kaso iba hawak."

"Anong hawak nya sira? FHM? Filipino Horror Movies yun. Iba nanaman nasa isip mo e. Iba ka Xendra!"

Ang gara naman. Iba na ba mundo ngayon? Sa bagay. Tao nga nagbabago, mga nasa paligid pa kaya nito? Sana lang may isang magbago. Ang nararamdaman nitong katabi ko. Hahaha. Ang lande!

"Sorry naman Noree, the kapri no? Kayo kasing mga lalaki alam ko na taktika nyo e. Kainis e. Qiqil nyo si acoeh e."

"Ganyan ka lang talaga. Mapanghusga. Ako nga sinasabihan mo ng chickboy, sa bait kong 'to. Grabihan tayo!"

"Sa kakapalan, ikaw ang dapat lumaban. Tungunung kayabangan, ikaw ang kumikinang!"  Pamakatang sabi ni Xen kay Noree. Nang dumating na ang teacher nila at isa-isa ng nagpakilala. Nang magpakilala na ang panghuli.

"Good day classmates! I'm Xavier  Aquino. From St. Joseph Academy. In leadership, maasahan nyo 'ko. Sa basketball, magkakasundo tayo at sa kantahan. Pwede tayong mag jamming. Pwede naman basta may time. Thanks."

Tinititigan ko lang sya bessy. Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinikilabutan yata ako. Siguro, natatae lang ako. Hahaha.

"Hoy! Nakakita ka nanaman ng gwapo. Hindi mo nako pinapansin. Ganyanan lang? Agad papalitan moko?"  Biglang sabi ni Noree kay Xen.

Nang biglang may kumatok at nag excuse sa klase.

"Good morning guys. Hi ma'am, I'm sorry. Nalate po kasi ako kasi may inasikaso lang po."

Natahimik ang klase. Sino ba namang hindi tatahimik kung makakakita ka nang mala anghel na mukha. Kutis porselana at balingkinitan na katawan.

"Okay, sige na. Introduce yourself." Sabi ng teacher sa babaeng dumating.

"Hi guys. I'm Shane Theity Mendrado. But you can call me Shanty for short. Nice meeting you guys."

Nang nagtinginan nang masama si Xen at Noree.

"Oy kapre! Tignan mo nga naman. Ang liit ng mundo nyo ne? Sinundan ka ba nyan o pinasunod mo?"  Pabulong na tanong ni Xen kay Noree.

"Hoy babaeng pinagpala sa lahat! Hindi ko pinasunod yan nu. Edi sagabal pa sya sa atin kung ganoon. Sira ba ko? Baka ikaw."

"Iba ka dre! Habulin! God bless sayo!" Natatawang sambit ni Xen.

"Paka gagu mo naman Xen. Good luck sa atin. Sigurado, magseselos yan. Pagseselosan ka tas aawayin ka tas papahamak ka tas papahiya ka tas....."

"Heeeep!" Paudlot na sabi ni Xen sabay takip sa bibig ni Noree. "Pwede ba kapre, wag kang OA? Kagwapo mo naman para maging desperada si Shanty. Ang ganda ganda nya oh! Ang daming gwapo dito. Wag ka ngang feeling!" Tuloy pa nito.

Nang magbell na at nagsilabasan na lahat sa klase. Magkasabay narin lumabas si Xen at Noree nang lumapit si Shanty sa kanilang dalawa.

"Hi Noree! How are you? I can't even imagine na magiging classmates pa tayo. By the way, pinag-usapan nyo bang dalawa na itake ang course na 'to? Ako kasi, dati pa alam mo na na gusto ko talagang mag teacher, right?"

Attachment 101Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang