Chapter 6

22 0 0
                                    

Xavier POV:

Ang ganda ng panahon. Mahangin, ang sarap titigan ng mga dahon pumapagaspas dahil sa napakalamig na simoy ng hangin. Buti nalang wala ng estudyante, makakapag muni muni muna ako kahit papaano.

Naupo na lamang sa may garden ng school si Xavier at nagsuot ito ng headset at nagplay ng song.

🎶dahan dahan mong bitawan, puso kong di makalaban. Dahil minsan mong iniwan labis na nahihirapan🎶

Ang ganda ng beat ng song na 'to. Lalo na rinevive pa ni Jireh Lim. Sarap sa tenga. Para naman akong heartbroken. Hahaha.

Natawa na lamang sya sa kanyang mga iniisip.

Sa kabilang dako ay magkasabay na umuwi sina Noree at Xen habang nakaangkas ito sa kanya nang biglang magsalita si Xen.

"Dre? Gusto ko matutong mag motor."

"Sira. Pangit sa babae nagmomotor." Tumatawang sagot ni Noree.

"Hindi naman ako babae e."

"Gusto mo gawin kitang babae?"

Nag-uusap sila habang nagbibiyahe kaya habang sila ay nagsasalita kailangan munang itutok ni Xen ang bibig nya sa tenga ni Noree habang kailangan naman bumaling ni Noree para marinig sya ni Xen kaya nagkakalapit ang mga mukha nila.

"Sira ulo ka Kapree ka ha! Paano ba yan? Turuan mo ko mag motor."
Pagpupumilit ni Xen.

"Mapapagalitan ako kay tita baka kasi ayaw nya." Tanggi ni Noree.

"Edi wag!" Inis na sabi ni Xen.

"Gusto mo ba talaga?" Tanong ng binata dito.

"Oo nga!"

"Sabagay makakascore nga ako sayo. Gusto mo yan e."

"Bakit naman?"

"Syempre ako naman yayakap sayo. Ikaw mag dadrive, isa pa kailangan kong yumakap sayo para maalalayan kita." At hininto na nga ni Noree ang single nito.

Xendra POV:

Oo nga no? Kung papaturo ako sa kanya makaka hokage moves tong mokong na 'to. Di bale, best friends walang malisya. Ano ka ba Xendraa! Go.

"Oh ano na? Tinigil ko na. Umaatras ka na ba? Natatawang sabi ni Noree. "Init na init nako dre." Tuloy pa nito.

"Pakagagu mo no? Ang manyak mo talaga! Wala naman malisya ne. Gusto ko lang talagang matuto. Period!" Inis na sagot ni Xen.

"Oo na. Dito kana. Wag kang mag inarte pag napapayakap ako sayo ha. Baka akala mo."

"Oo na!"

At sumakay na nga sila sa single at si Xendra ang nagdrive habang umangkas naman si Noree at ginagabayan niya ito. Tinuturuan nya ito kung paano magstart at tumantsa ng bilis at bagal. As what we expected, magkahawak kamay sa manubela habang nakalapat ang dibdib nito sa likod ni Xendra. JENDEE NORMAN AGUSTIN, 3 POINTS! 😜

"Pag mag dadagdag ka. Dito mo apakan, pipreno ka dito. Huuu! Bango mo bes. Pakiss!" Ninakawan ng halik ni Noree si Xen sa pisngi nang biglang nawalan ng pokus si Xen at muntikan na silang nabaligtad buti nalang at nacontrol ito agad ni Noree.

"Dre naman! Gusto ko pa buhay ko. Babangga mo?" Tanong ni Noree kay Xen habang pinipigilan ang tawa nito.

Bumaba sa single si Xen at sinapak si Noree.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Attachment 101Where stories live. Discover now