Chapter 3

23 0 0
                                    

Kapag sinuswerte ka nga naman oh. Pauwi ka nalang, uulan pa. Wala pa akong dalang payong. Peace and harmony, Xendraaaa! Plus one na kamalasan pa. Kasama ko pa 'tong mayabang na 'to. Ang hambog!

"Owww, it's raining cats and dogs. Paano nyan? May payong ka ba?" Tanong ni Xavier kay Xen.

Tumingin lang ang dalaga sa kanya at sabay sabing, "Wala e. Hintayin ko nalang tumila. Sanay naman na ako maghintay."

"Hahaha. Ang corny mo. Ano pala name mo kase ulit? Xandrey? Xentre? Xenia?" Tanong ni Xavier sa kanya.

"Dami mong alam ha? Xendra. Binrutal mo naman pangalan ko."

"Pasensya na medyo hindi lang malinaw sa akin kanina."

"Ayos lang." Sabay ngiti nito.

Ano ba naman 'to. Lumalakas ang ulan. Nilalamig nako. I want to go home.

"May payong ako dito. If you don't mind, share nalang tayo para makauwi kana din. Kesa iiwan pa kita dito. Konsensya ko pa diba?" Alok ni Xavier kay Xen.

Hindi man lang taos sa puso. Anong klaseng lalaki ito? Tanaydana bap!

"Salamat sa concern ne? Hindi ko tatanggihan yan pero hintayin muna natin humina yung ulan baka pareho tayong mabasa ne?"

"Sige. Maupo muna tayo dito. Malakas ang hangin banda dyan. Nababasa ka." Yaya ng lalaki kay Xen.

Naupo sila dun sa may bandang Science room. Malakas pa kasi ang ulan. Hindi nila masusugod ito. Nang biglang nagsalita si Xavier.

"Xendra, what a nice name. Pareho pala tayong X. Meant to be ba?" Ngumingiting sambit nya.

"Grabehan! Hindi ba pwedeng pareho lang? Tapos."

"Joke lang. Ang seryoso mo kase e."

"Ikaw nga dyan e. Wala ka bang kaibigan? Lagi ka kasing mag-isa."

"Bakit mo alam? Iniistalk mo 'ko?"

"Ay kapal! Hindi ne. Napapansin ko lang."

"As of now, wala pa talaga. Casual lang. Nagoobserve pa. Ganun kase ako e. Tignan mo after few days, marami ng hahabol sa akin. Busy pa kasi sa pagjoin ng mga club e."

Ang yabang naman neto. Pero sabagay iba ang yabang sa nagsasabi ng trulalu. Grabehan! Ang pogi nya pala talaga lalo na sa malapitan.

"Wow naman. Galing mo naman yata sa acads at extra curricular. Sabagay, in leadership, maasahan ka nga, diba sabi mo?" Sabi ni Xen.

"Oh pano? Tara na. Humina na. Saan ka ba? Hatid na kita."

"Wag na Xavier, nakakahiya naman. Ayos nako dun  sa may sakayan."

"No. Nandyan narin naman yung sundo ko e. Saan ka ba umuuwi?"

"Sa may Mountain View ako."

"Eh ayun pala e. May shortcut naman dun papunta sa amin. Don't reject my offer. Tara na?"

"Ay osige para dagdag baon nalang ako bukas." Sabay tawa ng malakas ni Xen.

Sumakay na sila pareho sa sasakyan.  Nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Parang kanina lang ay kinaiinisan ni Xendra ang lalaki.

May sense naman palang kausap 'to. Grabe. Hahaha. Napaka judgemental ko naman talaga yata.

Attachment 101Where stories live. Discover now