Chapter 25 - Silver

4.2K 62 2
                                    

(Silver's POV)

"Let's get married Zylie." Ulit ko. Blangko ang mukha niya. Sa pagkablangko ng mukha niya, lalo na namang bumibilog ang mga pisngi niya. May problema kaya?

"Bilog."

Nakayuko siya ngayon. God, I think I already know the answer. Hindi ko siya masisisi kung hi-hindi siya sa ngayon dahil parang hindi ko pinag-isipan ang bagay na ito. Lumalabas na ako ay nagmamadali.

Tumingala siya sakin at ngumiti ng pilit. Halatang may problema siya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Mahal na mahal kita Silver ko, pero hindi pa ito ang tamang panahon. May problema ba?" Tanong niya.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya at nerbyos sa pagsasalita niya.

Parang galaw lang ng isang nasa relasyon na may pagkakasala sa kapareha niya? Pero hindi ganun si Zylie. Alam ko yun dahil napatunayan ko ang katapatan niya sa akin sa nakalipas na limang taon.

"Wala naman Mahal. Pero, gusto ko lang makasigurado na hindi tayo mapaghihiwalay-

"May problema. Halata Silver. Sabihin mo sa akin." At humilig siya sa dibdib ko.

Bumuntong hininga ako. Niyakap ko siya at idiniin sa katawan ko. "Mom's acting strange lately, and I think it's because of Cleo. I don't know why."

Napaangat ang mukha niya at napalayo sa katawan ko.

"Bakit? Paano mo nasabi yun?" Nanlaki ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala.

Tumingin ako sa sahig at huminga ng malalim. Nakita ko ang isang kamay ni Zylie na hawak hawak ng mariin ngayon ang white rose na bigay ko.

"She was about to say something awhile ago. Pero wala na akong time pakinggan at patapos na lunch break ko-

Reyna Ng Kamalasan by MakabagongBabae [Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon