Chapter 65

3.3K 57 5
                                    

A/N: Hindi ko alam o matantya kung ilang chapters na lang bago ang wakas nitong RNK Fan Fic. Sabi ko last 25 chapters pero I lost count of them. Haha!! Waaaa!!! Pero again, thank you sa mga nagbabasa, bumoboto at yung mga talagang nagbibigay ng comment every now and then. Thank you all!! Especially sa mga kakilala ko ng personal, sa pagpa-plug nung story sa Facebook niyo. Kakatuwa. So the next two chapters won't be a POV of anyone with the characters, narration lang ang mangyayari. Salamat!! :)

------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi naging madali ang mga pag-uusap sa pagitan ni Patrick at Cleo dahil matigas pa din ang puso ng nahuli pagdating sa mga bagay bagay na magpapaalala sakanya ng nakaraan nila. Pero hindi basta susuko si Patrick lalo pa at sa nalaman niyang may bunga ang naging pagmamahalan nila sa America. Saglit silang tumuloy sa bahay nila Patrick di kalayuan sa Tagaytay. Nagulat na lang si Cleo ng maabutan niya ang buong angkan ni Patrick dun.

 

 

Sinalubong siya ng mga ito ng may kasamang yakap at ngiti. Dahil sa may pinag-aralan siyang tao, nakitungo siya ng maayos sa mga taong bumabati sakanya. Hanggang sa nakita niya ang anak niya buhat buhat ni Patrick.

 

 

Sandaling napatigil ang mundo niya dahil hindi niya inaasahan ang kakaibang pakiramdam habang tinitingnan si Patrick na papalapit sakanya. Gusto niyang mapangiti dahil kitang kita ang pagkagiliw ng anak nilang si Alexa sa ama niya.

 

 

 

Nang makita siya ng bata ay dali dali itong tumakbo sakanya at kumandong. Tuwang tuwa ang bata dahil sa wakas ay nakilala na niya ang ama nito. Di niya mapigilan ang sarili na yakapin ito ng mahigpit dahil sobra sobra na niya itong namimiss dahil naging busy siya sa Fashion Show. Nakita niyang nakatitig sakanya si Patrick habang nakaupo ito ngayon sa harap niya. Andito sila sa isang mesang pabilog kasama ang pamilya nito.

 

 

 

Makikita mo ang pagkagiliw ng mga kapatid at magulang ni Patrick kay Alexa lalo pa't kapag nagsasalita ito ay mababakas ang accent nito dahil sa ipinanganak at lumaki ito sa London. Mahaba at kulot kulot ang buhok ng anak ni Cleo. Mamula mula ang pisngi nito dala marahil ng kaputian.

 

 

 

Bilog ang mga nito at kulay brown ang mga mata. Kung titingnan mabuti mas kahawig ito ni Patrick kaya hindi mo maipagkakaila na siya ang ama ng bata.

 

 

 

Bumitaw ang bata kay Cleo at tumakbo kay Patrick para yakapin ito. Tinawag ito ni Alexa ng Daddy na siyang ikinalingon ni Cleo. Masaya siyang makita ang mga kinang sa mata ng anak niya. Masaya ito dahil buo na ang akala niyang pamilya nila. Wala ng mas hahalaga pa sa kaligayahan ng anak niya kaya unti unti na siyang lumalambot para bitawan ang mga plano na sirain si Silver at Zylie.

Reyna Ng Kamalasan by MakabagongBabae [Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon