Chapter 41 - Silver

3.6K 47 18
                                    

A/N: One last update bago ang bonggang bakasyon ko. Haha! Thank you sa mga masipag mag-comments kahit iilan lang kayo, masaya na ako dun. Masaya at napapngiti niyo talaga ako sa mga brutal niyong comments kay Cleo. :D Don't worry, tatapusin ko na ito asap para naman matutok na ako sa isang story ko yung "Body For Hire" kasi matagal na ding naka-pending yun, atat na atat na akong maggawa ng story na matured at puro SPG scenes. Choss! 

Gusto ko lang magkwento ah? Sa totoo lang, medyo madrama mga kwento naiisip ko since elementary pa lang ako, pero kung makikilala niyo ako? Napakalayo nung personality ko sa mga sinusulat ko. I am a joker, mahilig ako magpatawa at masayahin akong tao. Ewan ko ba. Mababaw pa kaligayahan ko. Kaya pag nagtatype ako ng drama scenes, ang hirap. Kaya I need music (love songs) to motivate me sometimes, pero depende pa din sa mood ko talaga eh. But then lately, kahit wala naman akong lovelife, inspired akong magsulat. Ewan ko ba. Dahil yun sa inyo. :))

Oh siya, gang dito na lang, napahaba na eh. So mahaba din update na ito.

Eto na hinihintay nating POV ng pinakamamahal kong si Silverio. :)

I dedicate this chapter to you Miss kathreena_21! Thank you po sa mga papuri. :* ♥

*********************************************************************************************************************************************

(Silver's POV)

Nakatulog pala ako. Pagmulat ko ng mata ko, naramdaman ko ang ngalay sa kanang braso ko. Nakita ko si Cleo na nakaunan dito. Napabuntong hininga ako. Akala ko si Bilog.

Oo nakipagbreak ako sa kanya, pero para sa akin hindi pa tapos ang lahat sa amin, kailangan lang namin siguro ng space kasi medyo magulo lahat ngayon. Ngayon ko na agad naramdaman ang lungkot na wala siya sa buhay ko. Parang ang hirap.

Napatingin ako kay Cleo. Sinubukan kong tantyahin kung mayron pa ba akong damdamin para sa kanya. Pero talagang wala na. Nagkamali ata ako ng desisyon. Mas lalo ko pa atang pinagulo o paguguluhin ang kabanata ng buhay namin ni Bilog.

Bahagya akong gumalaw para di magising si Cleo. Tumayo ako at lumapit sa sliding door para makalabas sa balcony. Pagtingin ko sa relo ko, alas sais na pala ng hapon. Ramdam ko ang lamig sa lugar na ito. Bigla ko tuloy naisip at naalala ang mga yakap sa akin ni Bilog.

Damn! Ano bang nangyayari sa akin?

Oo namimiss ko na siya pero hindi ko kayang tanggapin ang ginawa niya.

Masaya kami bago ako pumunta dito. Pero ang makatanggap ka ng video na hinalikan ni Zylie si Nico ay sobrang nagbigay sa akin ng sakit. Kakayanin ko pa kung si Nico ang unang humalik kay Zylie, pero sa 15 seconds na video na natanggap ko, kitang kita ko ang paghawak ni Zylie sa mukha ni Nico para halikan siya. Ang sakit sobra! Nangyari na ang kinatatakutan ko na posibleng mahulog si Zylie kay Nico dahil isang magandang halimbawa si Nico ng "ideal man". Pero sa limang taon namin ni Bilog, ngayon lang siya gumawa ng ganitong bagay.

Reyna Ng Kamalasan by MakabagongBabae [Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon