Chapter 66 - Silver

3.5K 56 2
                                    

(Silver's POV)

Dumating kami sa Cagayan De Oro at walang inaksayang oras at agad kaming nagtungo ni Zylie sa Orchard and Farm Resort nila Cleo.

Ngayon pa lang hindi ko na maiwasan ang asar, dahil alam kong babalikan at ipagmamalaki ni Lolo ang mga alaala namin ni Cleo noong bata pa kami. Dito kami madalas magbakasyon kasama sila Mommy. Maganda kasi dito. Naalagaan at maayos ang pagkakagawa ng mga displays. Para itong resort kung tutuusin. Hindi ko matandaan kung ilang ektarya ito. 

Kailangan mo pang sumakay ng golf car para marating mo ang pinaka bahay ng di lalagpas sa sampung minuto.

Sumakay kami ng taxi papunta dito at pagkadating namin sa gate ay sinalubong agad ako ni Mang Manny, siya ang pinaka punong tagapamahala ng Resort. Dito na din siya naninirahan kasama ang kanyang pamilya. Dahil sa kanyang magaling na pangangalaga sa lugar ay napanatili nito ang magandang tanawin at mga lugar na pwede kang tumambay para magmuni muni.

Kinuha namin ang mga bagahe sa compartment at nagbayad ako sa taxi driver, binigyan ko na din ito ng tip.

"Silberyo!!" Medyo pasigaw niyang sabi.

Sinalubong niya ako ng ngiti at yakap. Napalingon ito kay Zylie pagkatapos akong yakapin.

 "Siya na ba pakakasalan mo ha?" Tudyo nito.

 "Opo." Sabi ko.

"Naku, siguradong magagalit Lolo mo. Pero wag kang mag-aalala nasa likod mo ako." Ngiti nito.

"Salamat po." Inakay ko si Zylie palapit sakanya. Ngumiti ang aking mahal sakanya.

"Kaygandang bata." Sabi ni Mang Manny.

As usual, namula agad ang mga bilog na pisngi ni Bilog.

 "Salamat po, ako po pala si Zylie." Sabay abot niya ng kamay dito.

"Nagsasabi lang ako ng totoo." Ngumiti siya sa amin. 

"Silberyo, ikaw na muna gumamit nung isang golf car, maya maya pa darating ang Lolo mo, medyo napaaga kayo. Mamasyal masyal muna kayo, ako ng bahalang magdala nito sa magiging kwarto niyo."

Tinapik ko siya sa balikat, "Salamat Manong."

Reyna Ng Kamalasan by MakabagongBabae [Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon