Chapter 61 - Silver

3.9K 65 12
                                    

Warning: SPG!

(Silver's POV)

Hindi muna kami uuwi. Tutal sa susunod na Lunes pa ulit ang pasok ko as intern sa hospital namin. Si Bilog ay may schedule na lakad bukas para i-meet ang mga models para sa show next month pero inatasan niyang si Yannie na lang gumawa noon. Hindi ko alam kung gusto niyang iwasan si Cleo o si Nico? Pero sabi ko nga sa second chance na ibinigay sa aming dalawa, hindi na kami dapat pangunahan ng pagdududa lalo na sa parte ko.

Masuyo kong niyakap si Bilog habang nasa balcony siya at pinagmamasdan ang magandang view ng Taal Lake mula dito sa Taal Vista Hotel. Dito namin napili ni Bilog mag-stay hanggang bukas. Gusto muna namin makaiwas sa mga bagay na pwedeng makasakit sa aming dalawa. Alam kong maaayos din ang lahat.

"Hmmm." Si Bilog. Kasalukuyan siyang nakasuot ng manipis na robe habang nakalugay ang buhok niyang lagpas balikat na.

Kakatapos tapos ko lang maligo. Pinauna ko siyang maligo dahil alam kong malagkit na pakiramdam niya at buong maghapon ata siyang pinagpawisan dala na rin ng pag-iyak at matinding pag-iisip.

"It's too cold here, you should wear something thick." I said. Then I slowly caress her waist.

Naramdaman ko ang pagpitlag niya sa isang hawak ko pa lang. Mukhang kinakabahan siya. At naramdaman ko ang pag-angat ng isang kamay ko at masuyo niya itong hinagkan.

After all the time, after you

Had you seen me with someone new?

Hanging so high for your return

But the stillness is a burn

"Coldness is not existing if your warmth is here with me." Sabi niya na ikinagulat ko.

Had I seen it in your eyes

There'd have been no try after try

Your leaving had no goodbye

Had I just seen one in your eyes

Iniharap ko siya sa akin at hinawakan ang pang-ibabang labi niya. Medyo mamasa masa pa ito at kaaya ayang tingnan sa paningin ko. Hindi na ako nakapagpigil hanggang sa inumpisahan kong halikan ang tuktok ng ilong niya. Ipinikit ko ang mga mata niya at marahan itong binigyan ng mga halik habang ang mga kamay ko ay sumusuporta sa likod niya.

Reyna Ng Kamalasan by MakabagongBabae [Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon