Chapter 68 - Zylie

3K 57 7
                                    

(Zylie's POV)

Nagising ako na wala si Silver sa tabi ko. Biglang pumasok sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ng kanyang Lolo. Mamaya ay maghaharap harap kaming lahat sa hapag kainan. Hindi ko alam kung kailangan ako dun o yung pakiramdam na ako ay saling pusa. Napabuntong hininga ako. Alam kong may mas malala o mas grabe pa na pwedeng mangyari mamaya.

Tumayo ako at napansin ang isang white rose sa bedside table at may nakasabit na card sa tangkay nito na nakapatong sa isang malaking box.

"I love you. Please wear the dress inside the box. I'll get you at 12 noon." ~ Silver

Napangiti ako. Isang simpleng surprise lang niya ay nagpapawala na ng kalungkutan ko. Bihira kasi sa aming dalawa ang mga enggrandeng surprises, dates or celebration. Sa totoo lang, iyon naman talaga ang gusto ko. Simple lang kaming dalawa. Tumagal kami ng limang taon na walang pagsasawa sa isa't isa.

Kinuha ko ang box at nakita ang isang white midrib at isang kulay itim na mesh skirt. Kasama nito sa loob ang isang simpleng studded na sandals.

What can I say? Marunong at may taste din si Silver pagdating sa fashion. Tumingin ako sa aking relo, alas diyes pa lang ng umaga. Pababa na sana ako sa hagdan ng makita ko ang kambal kasama ang Mommy ni Silver.

"Ateeeeeeeeeee!!!!!" Sigaw ni Orange.

Agad itong tumakbo sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nakakatuwang makita ang pamilya ni Silver dito. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at nabungaran ko ang nakangiting mukha ng mommy nila. Niyakap niya din ako at nakita ko si Lemon na nakatayo sa sulok ng hagdan at suot niya ang kanyang reading glasses. Lumalaki silang maganda ni Orange habang lumilipas ang mga taon.

Ngumiti siya sa akin.

"Kamusta ka na iha? Tagal ka na naming hindi nakita." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Oo nga Ate. Namiss kita sobra, si Kuya masyado kang sinosolo." Sabay nguso ni Orange.

Pinisil ko ang pisngi niya.

"Pasensya na po Tita kung hindi kita natatawagan o natext man lang, medyo marami kasing mga pangyayari nitong nakaraang linggo." Sabi ko.

Reyna Ng Kamalasan by MakabagongBabae [Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon