Chapter 6: Licoma's Forest

682 53 11
                                    

Andrea's POV

"Tara na" sagot naman nya na para bang walang narinig.

Napa-irap na lang si Ella.

Dahan-dahan kaming naglakad ng team papunta sa main gate na para bang mamamasok kami ng isang bahay at magnanakaw.

Nakasandal kami sa bakod na pader ng X.O.S Academy samantalang yung dalawang guard palakad-lakad ng back and forth. Nung nakatalikod na sila samin ngayon kaya sinamantala namin yun para makalabas. Tagumpay naman kaming nakaalis dun ng hindi napapansin ng mga guard.

We walked in the forest for about 20 minutes before we arrived to the lake that containing the crystal water. James get a small empty bottle from his pocket then get some water from the lake.

Afterwards, lumingon lingon si James sa paligid na para bang may hinahanap. Napokus ang paningin niya sa isang puno kaya napatingin din kami dun. Napakaraming alitaptap na nakapaligid sa puno na iyon. Dinaig pa yata nito ang napakaraming christmas light sa ganda nito. It's almost 6:30 kaya naman kitang kita ang kumukutikutitap na mga alitaptap.

"Sinong may alam na power spell na pwedeng kumuha ng kahit isang alitaptap doon?" tanong ni James habang itinuturo ang puno na may maraming alitaptap.

"Ako." sambit ni Rose.

"Pwede ka bang kumuha ng isang alitaptap?" tanong ni James.

"Ofcourse"

Inilabas ni Rose ang kaniyang power wand.

"Geteoumas" sambit ni Rose.

Bigla namang may lumabas na kulay puting liwanag mula sa power wand nya at unti unting tumutungo sa direksyon ng puno. Ilang pulgada na lamang ang layo nito ngunit bigla itong naglaho.

"Let me try that." sambit naman ni Ella sabay labas ng power wand nya.

Iniikot nya ang power wand nya ng pacounter clockwise at itinapat sa direksyon ng puno na puro alitaptap at sinambit ang spell na binigkas ni Rose kanina.

Tulad ng nangyari kanina, lumabas doon ang puting liwanag at tumungo sa direksyon nung puno. Kinulong ng puti liwanag ang isang alitaptap. Dahan-dahan namang ginagalaw ni Ella ang power wand nya at itinatapat sa bote.

"Buksan mo nyo yung bote." utos ni Ella.

Binuksan naman agad ni James ang bote kasabay nito ang pagpasok ng puting liwanag at ang alitaptap, ngunit imbis na mamatay ang ilaw mula sa alitaptap at ang liwanag dahil sa crystal water, nanatili lang ito. Tinakipan ni James ang bote, hindi pa rin iniaalis ni Ella ang power wand nya sa pagkakatapat sa bote na para bang kinokontrol ito.

"Ilagay mo ang bote sa puno na pinanggalingan ng alitaptap." utos ni James.

Inilagay nga ni Ella ang bote sa puno at ngayon ang liwanag mula doon ay sya nang nangingibabaw.

"Kailangan nating maghintay dito nang ilang oras, ang ginawa natin ay makakatawag pansin sa isang phoenix at sa oras na madampi ang kahit na anong parte nito sa bote ay agad na magagaya ng bote ang anyo nito at tuluyan ng magiging isang tunay na phoenix. At sa oras na mangyari agad na aalis ang mas orihinal na maalamat na ibon." mahabang paliwanag ni James.

Lumipas ang mahabang oras at may dumating na isang phoenix. Nangyari nga ang sinasabi ni James. Agad namang kinuha ni Rose ang phoenix gamit ang power wand nya.

Aalis na sana kami ng may mapansin akong tila isang buwaya pero ang ulo nito hanggang sa kalahating parte ng katawan ay parang sa butiki at ang kalahati naman ay parang buntot ng isang ahas. Dadalawa lang ang paa nito. Napakalaki na halos mas malaki pa sa isang buwaya. Pababa ito mula sa isang malaking puno. Nanginginig ang buo kong katawan at halos hindi makapagsalita ngunit nagawa ko pa rin itong ituro sa team.

"Lizarakegon, kailangan nating magmadali, hindi natin matatalo ang ganyang uri ng creature." halos pabulong na sambit ni Rose.

Ngumanga ang Lizarakegon at unti-unting may namumuong blue fire ball sa bunganga nito. Bumubulosok na ito ngayon papunta sa direksyon namin. Agad akong napayuko

at gumulong sa lupa at gayun din naman sila.

Tumama ang fire ball sa isang malaking puno at natumba papunta sa direksyon namin. Agad kaming tumayo upang maiwasan ang pagtama ng puno sa amin.

"Kailangan na talaga nating magmadali." sigaw ni Rose.

Tumakbo kaming apat na para bang wala nang bukas ngunit hinahabol kami nung Lizarakegon.

"Invistas"

"Gumawa ako ng invisibility shield para hindi tayo makita, kailangan nating tumakbo ng mas mabilis ng sa ganon hindi na tayo masundan ng halimaw na yan." hinihingal na sambit ni Ella.

Tumakbo kami ng mas mabilis hanggang sa di namin nakita yung Lizarakegon.

Huminto kami at napaupo sa lupa.

"Muntik na tayo dun." sambit ni James.

"Mabuti nalang nakaligtas tayo dun at hindi nawala itong phoenix." sambit naman ni Rose.

Matagal pa kaming nagpahinga. Maya-maya naramdaman kong huhumahakbang ang aking mga paa kahit na hindi ko naman ito inihahakbang.

"Andrea, saan ka pupunpunta?" tanong ni Rose.

Gustong kong magsalita pero walang lumalabas na boses mula sa aking bibig.

Huminto ang aking mga paa. Nasa harap ko ang isang babae na may suot ng mahabang kulay itim na damit na halos hindi na sya makita dahil medyo madilim na, kulubot na ang balat at may parang nunal sa dulo ng kaniyang ilong.

"Mukhang gutom ka na hija, mayroon akong mansanas dito." may kinuha siyang isang prutas sa kaniyang dalang basket ngunit kulay violet ang mansanas na ito. Iniabot niya yon sa akin. Gumalaw ang kamay ko at kinuha ang mansanas.

"Kainin mo yan." sambit nito.

"Goneoumas" may tumamang enerhiya sa aking katawan at unti-unting nawawala ang mabigat na pakiramdam na kanina ko pa nararamdaman. Naigagalaw ko na rin ang aking kamay ng ayon sa gusto ko.

"Huwag na huwag mong kakainin yan kung ayaw mong maparalisa." narinig kong sigaw ni James mula sa aking likuran.

Binitawan ko ang mansanas.

"Sino ka?" tanong ni Ella sa matandang babae, ang matandang babae na parang nakita ko na noon pa.

Wala akong narinig na tugon mula sa matandang babae. Biglang nawala ang matanda pagkatapos may naramdaman akong humawak sa wrist ko.

Tuluyang dumilim ang paligid at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Where stories live. Discover now