Chapter 40: The Show

174 9 2
                                    

Andrea's POV

"Maghanda kayo." utos ko sa kanila nang makita ko ang kwebang iyon.

Lubha talagang nakakapagtaka ang lahat.

May mga bagay na nangyayari o nauulit na mula sa panaginip ko.

Hindi ako sigurado pero parang may nais ipahiwatig ang panaginip na yon.

"Andrea, tara na," saad ni Rose.

Naglalakad na pala sila papalapit sa kweba.

Masyado na palang nape-pre-occupied ang isipan ko.

Sumunod na lang ako sa kanila.

"Pumasok na tayo." saad ko ng tuluyan na kaming makalapit sa kweba.

"Sandali, parang may mali." saad naman ni Ella.

"Walang mga Vestariang sumusugod sa atin at parang walang ni isa man lang na nilalang dito." dugtong niya.

"Kung maghiwalay-hiwalay kaya tayo para madali nating makita si Mrs Raffit." suhestyon ni Glein.

"Hindi pwede, tama si Ella. May mali dito. Mas kailangan nating magsama-sama upang walang mapahamak." paliwanag ko.

"Andrea is right. Let's all get in together and look for her mother." saad ni James.

Sumang-ayon naman na sila.

Nauna na akong pumasok sa kweba.

Madilim ang paligid. Katulad na katulad ng nasa panaginip ko.

Itinaas ko ang power wand ko at nagcast ng spell.

"Fierra Carlltei."

May lumabas na bilog na liwanag sa power wand ko at lumutang ito sa ere. Nagbigay ito ng katamtamang liwanag sa bawat dinadaanan namin.

Marami na akong alam na spell pero sa tingin ko hindi pa yoon gano'n kasapat para maprotektahan ko ang sarili ko at iligtas ang mundong ito gaya ng nakasaad sa propesiya.

Alam kong delikado ang pagpunta namin dito pero kailangan kong iligtas si mama.

Kailangan ko ding bigyang linaw ang ilang mga bagay na nasa panaginip ko at alam kong si mama lang ang makakasagot no'n.

"Ands, ito na ang dulo ng kweba." saad ni Rose.

Narating na pala namin ang pinakadulo ng kweba ng hindi ko namamalayan.

"Hindi n'yo ba nakita si mama?" tanong ko.

"I think she's not here." saad ni James.

"Wala na bang ibang parte ang kweba na'to?" tanong ko.

"Ssshhh." saad ni Ella at itinapat ang hintuturo n'ya sa kaniyang labi.

Nakinig ko naman ang tunog ng mga yabag na papalapit dito sa kinaroroonan namin.

"Wala na." tinig mula sa aming likuran.

"Leila?" saad ko nang makaharap ako sa kaniya. May limang Vestarian sa likuran n'ya.

"Ako nga." sagot ni Leila.

"Nasa'n si mama?" seryosong tanong ko.

"Hmmm... sasabihin ko ba o hindi." sambit n'ya habang nakagesture pa na parang nag-iisip.

"Nasa'n si mama!" sigaw ko.

"Oops... ikaw naman high blood ka agad. Kalma ka lang okay." nang-aasar na sambit n'ya.

Naglabas ako ng fire ball sa kamay ko dahil sa inis.

"Sasabihin mo kung nasaan si mama o susunugin kita ng buhay." seryosong saad ko.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon