Chapter 12: Unforgettable Revenge

401 17 1
                                    

Leila's POV

Hi there! Watch out 'cause I'm gonna give my unforgettabale revenge to those three ugly ladies.

Akala yata nila palalampasin ko yung ginawa nila sa akin noong isang araw. Heck, no!

I'll gonna make them suffer!

"Hay, grabe talaga! Nakakapagod yung mga training natin!"

Arghh... that voice of Rose. That's really irritating like her ugly face.

"Those trainings are just the basics and that's more easier than the trainings in the higher year so don't make any complaint for now. You can complain when we're in the higher year, okay?"

That's the most irritable voice I've ever heard. Ella's voice.

Hindi lang boses n'ya ang nakakairita pati yung pagmumukha n'ya!

Ang kapal ng mukha n'yang sabihin sa akin na hindi ako maganda. Hello, noong ipinanganak ako saka lang naimbento ang salitang maganda.

Masunog nawa ang kaluluwa ng komantra.

"Oo nga naman Rose, tama si Ella. At tsaka buti nga kayo nakakapagtraining na eh ako? Nganga."

Another irritable voice.

The criminal's voice, Andrea's voice.

Kailangan ko nang magtago. Papalapit na sila dito.

"Invistas."

"Sa cafeteria pa ba talaga tayo maghahapunan? Ayaw n'yo bang matikman ang specialty ko? Nilagang hotdog." sambit ni Rose.

"Ah eh... sa cafeteria na lang para hindi ka na rin mapagod magluto."

sagot naman ni Andrea.

"Okay lang na mapagod ako, basta matikman lang ni Ella yung specialty ko! Teka, ayaw mo na bang matikman ulit yung specialty ko? Hindi mo ba gusto yung lasa? Masarap kaya yun."

"Hindi ah... Gustong-gusto ko nga yung lasa n'on, ang sarap kasi."

"Sa sobrang sarap nasuka ako." pabulong na dugtong ni Andrea.

"Ano yun? Hindi ko naintindihan, paki-ulit."

"Ha? Wala ,sabi ko sa susunod ka na lang ulit magluto."

"Ah, okay."

Naglakad na sila papunta do'n sa cafeteria at papalapit dito sa red line sa may madilim na hallway.

Haha papalapit na sila sa trap na ginawa ko, sa trap na mag-aalis sa kanila dito sa Academy, sa trap na magdadala sa kanila sa unforgettable revenge ko.

Five more steps and they will unexpectedly leave this Academy.

"Anong kakainin natin?" - Rose.

Four more steps.

"Bacon at fried rice sakin, kayo, anong gusto n'yo?" - Andrea

Three more steps.

"Same as yours na lang din yung sakin, add na lang ako ng fried chicken, hehe." - Rose

Two more steps.

"Ikaw Ella, anong gusto mo?" - Andrea.

One more step.

"Kung sa dorm n'yo na lang tayo kumain, ako na lang ang magluluto ng mga gusto n'yo, okay lang ba yun?" - Ella.

"Talaga? Okay, go ako d'yan para mas tipid." - Rose.

"Okay, tara balik na tayo." - Andrea.

Shit! Bullshit ka Ella! Bullshit kayong tatlo!

Kung pwede ko lang talagang patayin na lang kayong tatlo lalong lalo ka nang Ella ka. Pasalamat kayo mas maganda yung unforgettable revenge ko.

Tumalikod na sila at akmang hahakbang pabalik sa kanilang dorm pero...

-------

Andrea's POV

Napagkasunduan naming sa dorm na lang kumain dahil si Ella naman ang magluluto.

Kung si Rose kasi ang magluluto mas pipiliin ko na wag na lang kumain kesa kainin yung niluto n'ya.

Pabalik na sana kami sa dorm pero biglang may kung anong enerhiya ang tumama sa akin na naging dahilan ng pagbagsak ko pero imbis na makaramdan ng sakit dahil inaasahan kong mababarog yung ulo ko dun sa sahig, ay tanging pagkahilo ang naramdaman ko.

Parang nalalaglag ako sa walang katapusang bangin. Hindi ko alam kung paano yun nangyari dahil wala namang bangin dun sa hallway.

Umikot-ikot ako ngayon sa ere at feeling ko mamatay na ako.

Napasigaw na lang ako dahil sa hindi ko alam ang dapat gawin at dahil na rin sa takot.

Bumagsak ako sa isang lugar na napakadilim.

Halos wala akong makita at ang tanging nagbibigay ng kaunting liwanag ay yung pinanggalingan ko kanina.

Tumayo ako at may narinig akong sigaw.

"Ahhhhh..."

"Ahhhhh..."

Si Ella at si Rose yun ah.

Bumagsak rin sila kaya agad ko silang nilapitan.

Tinulungan ko silang makatayo.

"Nasaan tayo?" tanong agad ni Rose.

"Nanditotayo sa Uret..." hindi na naituloy ni Ella yung sasabihin n'ya dahilsumara na yung pinanggalingan namin at tuluyang ng dumilim dito. Kasabay dinno'n ay may narinig akong paghalakhak. Halakhak na pamilyar sa aking pandinig.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora