Chapter 8: The Controller

598 38 9
                                    

Ella's P.O.V

Supposedly, dapat mag-aaral lang ako sa library

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Supposedly, dapat mag-aaral lang ako sa library. Pagkarating ko dun napakaraming estudyante ang nagkukumpulan sa may pintuan. Nakisingit ako, nang makita ko kung ano ang pinagkakaguluhan nila, I got shocked.

Tumambad sa aking paningin ang walang buhay na katawan ng librarian. Wala man lang kagagalos galos sa katawan nito ngunit napakaitim ng mukha nito at puro kulubot malayo sa dati nyang itsura na napakaputi at napakaganda ngunit medyo may kasungitan. Nasisigurado kung ginamitan sya ng Forbidden Spell, ang killing spell. Nabasa ko sa isang libro ang tungkol sa Forbidden Spell pero hindi nun nasasakop ang mismong mga salita. Kasama rin sa nabasa ko ang mga sign na makikita sa mga ginamitan ng killing spell at tumutugma ito sa itsura ang librarian.

Agad nagsitabihan ang lahat ng dumating ang mga professor.

"Anong nangyari dito sa kanya?" tanong ni professor Climbdow ng makita ang nakahilatay na katawan librarian.

"May mga freshmen students po na nakakita dyan kanina." sagot ng isang estudyante.

"Sino naman kaya ang may kagagawan nito?" pabulong na tanong ni professor Climbdow.

"Principal, nakita ko po si Andrea na pumasok dito sa library kahapon nung papalubog na ang araw. Siguro siya ang pumatay sa librarian" singit ni Leila. the bitch. Napatakip naman ako ng ilong pati narin ang ibang mga estudyante at maging si Principal Climbdow. Sakto naman dumating si Rose at Andrea, narinig nila ang mga sinabi ni Leila.

"Hind--- Ako nga ang pumatay sa kanya hahaha. Bakit ano bang pakialam mo gurang? Gusto mo bang isunod kita sa kanya?" sambit ni Andrea na tila nagbago ang boses.

Hindi ako pakapaniwala sa mga sinambit nya, alam kong mabuti syang tao at hindi nya magagawa ang bagay na iyon.

May nararamdaman akong kakaiba, lumingon ako sa likuran ng library, sa isang malaki at mataas na puno malapit sa malagubat na lugar sa likod ng kastilyo ng X.O.S Academy nakita ko Patrick Collin. Siya yung kaklase namin, yung isang pang leader ng team Arclyd, remember?

May kung anong binubulong ang lalaki na yun. Hindi kaya kinokontrol nya ang isip ni Andrea para sabihing si Andrea ang pumatay sa librarian. He's a mind controller afterall. Ano namang kinalaman nya sa pagkamatay ng librarian?

Lumakad ako papalapit sa kanya pero ng ilang hakbang na lang ang lapit ko sa kanya bigla syang naglaho.

Pupunta na sana ako sa kaliwang parte ng gubat at nagbabakasaling doon pumunta si Patrick pero may narinig akong tila ipit na sigar sa kanang parte ng gubat.

"HHHULLLUMMM"

Humahangos akong pumunta sa direksyon ng pinanggagalingan ng ingay. Then I was shocked. I saw Patrick, his body was tied to a tree.

May nakatakip din sa bibig nya. Agad kong tinanggal ang tape sa bibig n'ya.

"Anong nangyari? Diba ikaw yung nakatayong lalaki na nakita ko kanina?" tanong ko.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora