Chapter 26: How to Celebrate Christmas?

307 19 5
                                    

Andrea's POV

One week.

Isang linggo na akong nagpapahinga dito sa clinic.

Bakit ba parang tinuturing nila akong espesyal, okay naman na ako.

Siguro dahil sa pagiging itinakda ko. Kaso lang may gumugulong katanungan sa akin tungkol sa bagay na yo'n. Kaya ko ba talagang iligtas ang mundong ito laban sa masasamang Vestarian?

Sa tingin ko hindi ko kaya, napakahina ko pa.

Nasabi na nga pala sa akin ni principal Climbdow kung bakit gusto akong patayin ni Gilbert Roosflix, ang pinuno ng masasamang Vestarian. Dahil daw alam ng Gilbert na yo'n na ako ang itinakda, alam n'yang ako ang nakatakdang pumatay sa kan'ya dahil sa mga masasama niyang balak, gusto niya akong patayin para hindi matupad ang propesiya na yo'n. Sa makatuwid gusto n'ya akong mamatay at mawala sa mundong ito.

Hindi ko alam kong matutulungan ko ang aking sarili para mapigilan s'ya.

Bukas, makakalabas na ako dito sa clinic, pasko na rin bukas. Gusto ko sanang pumunta sa ordinaryong mundo para makasama ko man lang si mama pero hindi ako pinayagan ni principal Climbdow dahil na rin sa utos ng X.O.S council.

Masyado daw delikado para sa akin.

I wonder kung may itinatago sa akin ang principal. Noong tinanong ko kasi s'ya kung pwede akong umuwi sa amin, parang hindi agad s'ya makasagot at nag-iisip pa ng sasabihin.

Hindi ko alam.

Siguro nag-iingat lang sila dahil baka may mangyaring masama sa akin.

S'ya nga pala, naka-alis na sila Rose at Ella. Magcecelebrate sila ng Christmas sa mundo ng mga mortal. Gusto pa nga nilang 'wag ng umalis dahil sa akin pero ako na ang pumilit sa kanila, kailangan nilang makapag-enjoy dahil puro stress ang inabot nila nitong mga nakaraang buwan.

Lahat din ng estudyante dito ay nakaalis na at lahat ay isa-isang inihatid ng mga guard dahil nakakalat ang mga Vestarian sa bawat sulok ng mundong ito. Maging ang mga nasa bayan ng Certania at iba pang bayan ay pumunta na rin pansamantala sa mundo ng mga mortal.

Hindi ko alam kung may ginagawa bang aksyon ang X.O.S council o wala.

Nalaman ko na rin ang tungkol kay James at sa bathalang nakakulong sa kaniyang katawan. Nag-aalala lang ako sa kanya dahil hindi s'ya nakita ng mga guard. Sana naman walang nangyaring masama sa kanya dahil kung meron at dahil iyon sa mga Vestarian hinding hindi ko sila mapapatawad.

Pero dapat gumawa din ako ng aksyon, gusto ko s'yang makita, mailigtas kung saka-sakali. Gusto kong makabawi man lang sa kanya.

Tama, kailangan kong gumawa ng aksyon, pero paano?

Hindi ko basta-basta matatakasan ang mga Professor at guard.

Haysss... ano na bang gagawin ko? Pasko na bukas pero hindi ko alam kung makapagcecelebrate pa ako no'n.

Kailangan kong makaalis dito bukas, hahanapin ko si James.

Kapag nahanap ko s'ya siguro magiging masaya ang pasko ko kahit papaano.

Tumingin ako sa orasan.

Alas 10 na pala ng gabi.

Konting oras na lang James, pangako hahanapin kita.

Gagawa at gagawa ako ng paraan.

- - - - - -

Nagising ako ng maagap.

Alas 4 pa lang ng madaling araw.

Tulog pa siguro si principal Climbdow dahil wala pa s'ya dito.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora