Chapter 1 (My neighbor)

3.3K 55 0
                                    

Binuksan ni Shin ang pinto upang makita kung gaano kalakas ang pagbuhos ng ulan. Kagabi pa kasi umuulan at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil. Nag-aalala sya na baka lumalim ang baha at hindi na sya makapasok pa sa trabaho. First job pa naman niya ito at ayaw niyang magkamali baka patalsikin agad sya at lalo na at mainit ang dugo ng boss niya sa kaniya.

Kung bakit naman kasi ngayon pa umulan?

Malayo pa naman ang tag-ulan.Pero kung titingnan halos signal number 2 na dahil sa baha sa daan. Talagang bahain sa ibang parte ng Manila,gustuhin man niyang lumipat ng ibang matitirhan,wala pa siyang sapat na perang pambayad. Kaya sa ngayon,magtitiis muna sya at makikitira sa kaniyang pinsan na si Janice.

Pinsang buo niya si Janice, at ito lamang ang kamag-anak na maari niyang lapitan,sigurado siyang walang manghihinala na dito siya naninirahan.Matanda ito sa kanya ng sampung taon,may asawa at tatlong anak na puro lalaki. Si Janice at ang asawa nito ang sumuporta sa kanya sa kanyang paghahanap ng trabaho kaya naman malaki ang utang na loob niya sa mga ito. At bilang pagtanaw ng utang na loob inaalagaan niya ang mga anak nito kapag may oras siya. Malapit sa mga bata si Shin,pinangarap niya nuon na kapag balang araw ay magkaron sya ng pamilya,gusto niyang maging lalaki ang una nyang magiging anak. At yun ay mananatiling pangarap na lamang niya.

  "Mukhang hindi na titigil ang ulan Shin. Mabuti pa,magkape ka muna dito" tawag ni Janice habang nagtitimpla ng kape.

  "Hindi na naman ako makakapasok.." pinagmamasdan pa rin ni Shin ang pagbuhos ng ulan.

  "Tumawag ka na lang o kaya magtext sa office niyo na hindi ka makakapasok,siguro naman maiintindihan nila yun,saka hindi ka makakatawid sa espanya,napanuod ko sa tv na mataas ang baha dun"

  Ang espanya,parte ng Manila ay kilala bilang mabahang lugar pagdating ng tag-ulan. Konting buhos lang ng ulan ay tiyak na babaha agad dito. Tanging bus lang ang makakadaan at minsan hindi na rin kinakaya ng bus.

  "sige,magtetext na lang ako,sana bukas hindi na umulan."

   "hayaan mo muna yang ulan,tara na dito at yung kape lalamig. Isara mo na rin yang pinto at pumapasok ung basa sa loob"

  Akmang isasara ni Shin ang pintuan ng bigla syang napatingin sa katapat nilang bahay,nakita niya si Ayen na binuksan nito ang pinto at inilabas ang kamay nito para mabasa ng ulan. Mukhang ramdam na ramdam nito ang lamig ng ulan sa kaniyang mga palad. Si Ayen ay kabilang sa mga tinatawag ngayong butch. A person who wears men's shirts and pants. A person who has a short hair and acting like men. Ang mga katulad ni Ayen ang kinamumuhian ni Shin. Para kay Shin walang puwang sa mundo ang mga katulad ni Ayen. Dahil sabi nga ng iba,sila ay mga salot sa lipunan. Siguro nga hindi nila ginusto na maging ganun sila. Pero napapaglabanan naman ito. Dahil kung ayaw mo talaga,gagawa ka ng paraan para hindi ito mangyari. Sa kaniyang malalim na pag-iisip,hindi niya namalayan na nakatingin na pala ito sa kanya. Binawi niya ang tingin dito at agad niyang isinara ang pinto.

Heartbeats (Ayen and Shin's Story) *girlxgirl*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon