Chapter 3 ( Strange feeling)

1.9K 45 0
                                    

Simula nuon, palagi ng nakikita ni Shin si Ayen sa bahay. Na dati ay hindi naman nito ginagawa dahil palagi itong wala sa kanilang bahay. Pero ngayon,makikita mong nagpipirmi na ito sa kanila.

"Shin, alam mo bang yang si Ayen ay na-broken hearted na?" Biglang sabi ni Janice. Araw ng sabado, wala siyang pasok at kasalukuyan silang nanunuod ng movie . Hindi interesado si Shin sa sasabihin ni Janice kaya naman tutok na tutok pa rin sya sa panunuod. "Shin?Hoy! nakikinig ka ba?"

Inis na nilingon ni Shin si Janice." Ate? ano ka ba naman? nanunuod ako eh, saka....hindi ko naman kilala yung sinasabi mo eh" pagsisinungaling niya.

"Si Ayen? yung kapitbahay natin dyan sa tapat? yung minsan nagbabantay kina Ken?"

"oo na..anong meron sa kanya?"

"sabi ko yung ex niya dati sobrang iniyakan niya."

"bakit? kagandahan ba yung ex niya?"

"ahm..hindi naman sa nanlalait ako...maputi lang sya, saka compare sayo mas maganda ka pa dun"

Napangiti si Shin. "talaga?" Pinsan niya nga talaga ito."tapos?" mukhang interesado na tuloy syang malaman ang sinasabi nito.

"tapos ayun,babaero kasi ..kaya iniwan ng babae."

"ahh..ganun?eh,dapat lang pala syang mabroken heart eh.Feeling gwapo eh..pasalamat nga dapat sya at may nagmamahal pa ng totoo sa kanya " May bahid na inis na sabi niya.

"Ang alam ko sobrang mahal niya yung girl na yun kaya lang may iba na sya"

"ganun talaga, kapag wala na sayo saka mo lang malalaman na mahalaga sya sayo."

"oh?kanina pa ba kayo nanunuod ng movie?" tanong ni Rico, asawa ni Janice. Kararating lang nito galing sa trabaho.

"Hindi kasisimula pa lang." sagot naman ni Janice.

"Bili kaya ako ng makakain habang nanunuod kayo dyan." sabi nito saka naupo sa tabi nila.

"Ako na ang bibili ate."

Lumabas si Shin at naghanap ng mabibilhang tindahan.

"Shin!" narinig niyang may tumawag sa kaniya pero hindi nya ito pinansin. "Shin!" tawag nito uli. Napahinto sya sa paglalakad ng Makita niyang nilalapitan sya ni Ayen.

"Bakit?" tanong niya dito.

"Saan ka pupunta?" tanong nito at sinabayan siya sa paglalakad.

"Ahm..maghahanap ng bakery,bibili ng tinapay."

"samahan na kita,alam ko kung saan bumibili si ate Janice."

Nginitian niya ito. " sige."

Habang sila ay naglalakad, hindi alam ni Shin kung paano ito pakikitunguhan. Naiilang din syang makasabay ito. Duon lang napansin ni Shin na masaya din pala itong kasama.Madaldal at makulet.

"salamat sa pagsama" sabi niya dito.

"wala yun" nginitian sya nito. Isang ngiting nagpabilis ng tibok ng kaniyang puso. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. Para bang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo at sila lang ang nanduon. "Shin?" biglang nahimasmasan si Shin sa nararamdaman niya.

"Ano yung sabi mo?"

"Sabi ko..if okay lang sayo...pwede ko bang makuha yung number mo?"

"ahh..sorry...hindi ko kabisado yung number ko eh..sige,next time na lang uli." nagmamadaling iniwan niya si Ayen na nakatanaw lang sa pag-alis niya.

"grabe,ang tagal mo naman Shin."reklamo ni Janice."natapos na lang yung movie oh.."

Inilapag ni Shin ang tinapay sa mesa. "traffic eh" biro niya."magtitimpla muna ako ng juice."

Habang natitimpla sya,ang isip naman niya ay naglalakbay.Iniisip niya pa rin yung kakaibang pakiramdam na naramdaman niya kanina habang nag-uusap sila ni Ayen.Hindi pa rin sya makapaniwala na napakalakas ng heartbeat niya. Yung tipong naririnig nya ang pagtibok nito.Imposible. Imposibleng magkagusto sya sa katulad ni Ayen.Mali at talagang malaking pagkakamali. Pero bakit? bakit ganun na lang ang kaba na naramdaman niya kanina?Posible kayang nagugustuhan na niya ito?Pero paano nangyari iyon???

Heartbeats (Ayen and Shin's Story) *girlxgirl*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon