Chapter 26 ( fall over again lll)

809 19 0
                                    

"Shin,meet my cousin pala,Ayen Alvaro. She's a photographer,nag aral sya sa states,she's here to captured my wedding" pakilala ni Kiana Dee na ngayon ay Kiana Lim na dahil napangasawa na nito si Joshua Lim. Isang mayamang negosyanteng chinese.

Isang matipid na ngiti ang pinakawalan ni Shin.

"nice to meet you" sabi niya sabay lahat ng kamay.

matagal bago tanggapin ni Ayen ang pakikipagkamay niya." same here"

Matapos silang kunan ng picture nagpaalam na si Shin sa mga ito.

"I'm sorry talaga if I can't stay longer,may emergency call kasi ako,I need to be there in a minute"

"it's alright,take care,I'll call you for the follow ups okay?" sabi naman ni Laira.

"yes please.Thanks!"

nagmamadali syang umalis para hindi na niya makita pa si Ayen.Yes its been a long time,and how she wish na maging ganun na lang palagi. Kaya lang sa malas nakita pa rin sya nito at nahabol.

"Shin,wait!" humarang ito sa daan niya.

Hindi na niya natuloy ang balak na kunin ang susi ng kotse sa kanyang bag.At dahil sanay na sya sa mga formal conversation hinarap naman niya ito.

"oh,hi Ms.Alvaro,may kailangan ka ba?" pilit ang ngiting sabi niya dito.

"kumusta ka na? ang tagal nating di nagkita..."

kunwaring nagtatakang napatingin sya dito.

"what do you mean? "

"Shin,alam kong galit ka saken pero sana pakinggan mo naman ako-"

"look,I don't know you,at hindi ko rin alam ang mga pinagsasabi mo,hindi porket pinsan ka ng mga Dee ay may karapatan ka ng kausapin ako," lumapit sya sa kaniyang kotse at binuksan iyon.

"Alam kong nagkamali ako Shin,pero nangangako ako sayo,gagawin ko ang lahat para mapatawaad mo" narinig niyang sabi ni Ayen bago sya tuluyang sumakay sa kotse at pinaandar na iyun.

"what was that for Ayen?" tanong ni Laira na nasa likuran na pala niya." you know her?"

"ikaw pala Laira,kanina ka pa ba dyan?"

"ah,hmm sapat na para marinig ko yung sinabi mo kanina,so tell me?may nakaraan ba kayo ni Shin Domingo?I doubt that she's you're friend,I mean..hindi ko kasi ma imagine na makikipag kaibigan ang isang Shin Domingo sa mga butch like you,no offense couz."

Ngumiti si Ayen."I know..saka sino ba naman ako para mapansin ng isang Shin Domingo diba?"

"hey,don't look down yourself.Kahit ganyan ka,tanggap ka ng family natin,like the elders says,kung san ka masaya susuportahan ka namin. Saka malayo na din naman narating mo,you're a great photographer in demand ka nga sa states di ba?"

"sa states lang yun..ewan ko lang dito"

"tss! kilala ka na kaya madali kang makakapag adjust dito,anyway kumusta yung nabili mong townhouse?"

"maganda yung nabili ko,nakakuha na rin ako ng magdedesign sa bahay,baka two days before mapaayos na sya."

"back to Shin,don't you know she's not only a dress designer?she's a great interior designer."

"kilala ko sya,in fact sya nga ang kinuha kong magdedesign sa bahay." at chance ko na yun para makabawi sa lahat ng kasalanan ko sa kanya.

Tsinek muna ni Shin ang schedule niya bago niya pinuntahan ang nasabing townhouse ng bago niyang client. Pagkababa niya ng sasakyan,na amaze sya sa ganda ng view,may garden sa harapan,at maraming hanging plants at bonzai sa paligid. Mahilig sya sa mga flowers at lalo na sa mga orchids.

"ito na ba yung lugar Ms.Perri?"tanong niya sa secretary ng client niya.

"ito na nga po yun Ma'am,actually,wala pa nga po sa ayos yung garden,ahh..tara na po sa loob ng bahay,mamaya din po ay paparating na yung boss ko."

"sige,susunod na lang ako,gusto ko muna makita yung garden."

"sige po kayo po ang bahala."

Nagmasid masid muna sya sa palagid,talagang humahanga sya sa daming ibat ibang klaseng bulaklak na nakatanim,may zinnia,azalea,shooting star,carnation ,roses at mga iba pa na sa mga books lang niya nakikita.

"nagustuhan mo ba?"

Alam niyang kahit hindi niya lingunin ang nasa likuran niya kilalang kilala niya ang boses na yun. At kahit sabihin niyang nakalimutan na niya ang lahat,alam niyang hindi yun totoo kasi,boses pa lang niya..muli na namang lumakas ang heartbeat niya.

Pormal na hinarap niya ito.

"I guess you're my client,aren't you?"

Tumango ito.

"well,to tell you frankly,sobrang nagustuhan ko yung mga bulaklak sa garden mo. Ah,pwede na tayong mag start ,pwede ko na bang makita yung bahay?"

"yah,sure."

Inikot nila ang buong bahay. Isa syang designer at alam niya,na ang bahay na tinitingnan niya ngayon ay isang dream house,yung tipong masasabi mong gusto kong dito yan,dito yun,dapat ganyan,dapat ganito.

"so,ano ba ang gusto mo mangyari sa bahay mo? well,if you're asking me,gusto ko sanang ilipat sa corner na yun yung bed mo para mas malapit sya sa window maganda kasi yung view sa labas which is the garden."

"ikaw na ang bahala,I love your ideas..may tiwala naman ako sayo..kaya nga ikaw ang pinili ko dahil alam kong hindi mo ako bibiguin."

"well kung ganun,thank you for trusting me..bukas babalik ako dito dala yung plan ko,but I need to go now"

"sandali-"

"yes?"

"ihahatid na kita"

"hindi na..may dala naman akong kotse"

"ahh..ganun ba..."

"sige," paalis na sya.

"Shin..?"

"h-huh?" nilingon niya ito uli. Paglingon niya bigla siya nitong niyakap.

"i miss you..." bulong ni Ayen.

Hindi makapag reak si Shin. Ang totoo na miss din naman niya ito. Pero nananatili pa rin sa puso niya ang galit. Tinulak niya palayo si Ayen.

"enough.." yun lang at tuluyan na syang umalis.

Sa kaniyang kotse,dun niya nilabas ang mga luha na kanina pa gustong lumabas pero pinipigilan lang niya. Si Ayen lang ang nakakgawa sa kaniya ng ganito. Simula ng muli itong nagbalik,nagbalik din lahat ng alaala niya dito. Ang ang yakap na matagal na niyang kinalimutan. Muli na naman niyang nadama.

»»hanggang dito na lang muna..medyo magiging busy uli ako pero mag a UD pa din naman ako.

»»ohhhmiii...nakita niyo ba

si Kitchya Kaesuwa ?? a.k.a. Be ^_^ kanina lang katabi koo_Oo_O tapos biglang nawala nung kinausap ako ng aking Kim ssi hart<3 hart<3:-):-)

»»paki evaluate na lang po yung story:-):-)

Be ssi hart<3hart<3

kim ssi hart<3hart<3

Heartbeats (Ayen and Shin's Story) *girlxgirl*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon