Chapter 4 ( Stay away from me)

1.9K 33 0
                                    

Katatapos lang magsubmit ni Shin ng report kaya naman wala na sya gaanong ginagawa sa kanyang table.

"Shin?may gagawin ka ba mamaya?" napatingin si Shin kay Miggy.

"Wala naman,bakit?"

"Pwede ka bang sumama sa amin mamaya,birthday ni Ashley" tukoy nito sa katrabaho nila na nasa dulo ang cubicle nito.

"Ha?kayo na lang..gusto kong umuwi ng maaga para makapagpahinga. Medyo masakit kasi yung ulo ko. Alam mo na...nahihilo talaga ako pag mga numbers ang kaharap ko."

"Gusto mo ba ng gamot?meroon ako sa table ko,ikukuha kita"

"wag na Miggy. Okay lang ako"

"are you sure?"isang tango lang ang sagot niya dito."okay..sige,maiwan na kita"bumalik na ito sa sariling mesa.

"girl,ang manhid mo talaga no?" sabi naman ni Levet na katabi lang ng cubicle niya."hindi mo ba nahahalata? dead na dead sayo yung tao?"

"Levet,baka marinig ka nun"

"Eh,bakit ba ayaw mo sa kaniya?man hater ka ba?"

Naisip ni Shin ang nakaraan. Niloko sya ng taong minahal niya ng sobra. Tinuruan sya nito kung paano magmahal at kung kelan mahal na mahal na niya ito,saka niya nalaman na hindi siya ang babaeng mahal nito.

"no answer? baka naman babae ang type mo? lesbi ka nuh?"

Muntik ng masamid si Shin sa sinabi nito."W-what??Levet naman,nakakainis ka!"

"eh hindi ka kasi nagre-reak dyan eh."

"Okay,para matigil ka na dyan. Sasabihin ko na sayo. Hindi ko sya gusto. Saka wala akong panahon makipagrelasyon. Sakit lang sila sa ulo.Don't worry pag may nagustuhan ako,ipapakilala ko sya sayo nang matigil ka na dyan"

"hmp! ang sungit mo nuh?ewan kung ano ang nakita sayo ni Miggy eh,lamang naman ako sayo ng ilang paligo"

Tinawanan na lang niya si Levet. Bigla niyang naisip ang tanong nito.Inis na pinunit nya ang hawak na bondpaper. Hindi sya lesbi at kung may nararamdaman man sya para kay Ayen.Paghanga lang yun.Sigurado sya,paghanga lang yun!

Nakatingin lang si Janice sa kaniya habang na-iempake sya. Nakahanap na kasi sya ng malilipatan at dun na sya titira.Malapit lang kasi yun sa trabaho niya.

"Alagaan mo yung sarili mo dun ha? dapat hindi ka makalat at matuto kang makisama." bilin nito.

Nginitian niya ito. "ate hindi ka ba nagsasawa ? kanina mo pa sinasabi saken yan eh."

"para hindi mo makalimutan."

"alam ko naman yun eh.saka dadalawin ko naman kayo tuwing weekend"

"dapat lang. Sige na baka abutin ka pa ng gabi."

Maganda naman ang nilipatan niya. Madami syang kaboardmate puro babae. Sa umpisa medyo hindi pa sya sanay,pero nang tumagal naging at ease na sya. Naging busy sya sa kanyang trabaho at lumalabas din sya kasama ang mga bagong kaibigan.Ginawa niya ang lahat para mabura ang natitirang paghanga kay Ayen. At para tuluyan na niya itong makalimutan.Hindi na muna sya pumupunta kina Janice.

"Shin,ma-mahal kita!"

Napatingin si Shin kay Miggy.Nakikita niya sa mga mata nito na nagsasabi ito ng totoo sa kaniya.

"Miggy,..salamat sa paghatid pero kailangan ko ng magpahinga-"

"Sandali lang....bakit ayaw mong maniwala? please Shin..."

"Miggy..."

"Mahal kita..kahit anong sabihin mo susundin kahit imposible gagawin ko para sayo...sabihin mo lang..."

"Miggy...I'm sorry...hindi kita..m-mahal..sana maintindihan mo..hindi ako deserving sa pagmamahal mo.Alam kong may mas higit pa saken na darating..yung kayang suklian ang pagmamahal mo."

"Pero hindi naman sya ang mahal ko..bakit kailangang hintayin ko sya..nandito ka na..ikaw ang babaeng gusto ko."

Umiling sya." Hindi ako yun."

"Shin please..?"

"Miggy iba na lang...please?wag ako..kasi..hindi tayo magiging masaya...mahal mo nga ako pero hindi naman kita mahal...ayokong masaktan ka...I'm really sorry.."

Alam niyang nasaktan si Miggy. Kitang kita niya ang sakit sa mga mata nito.Kung natuturuan lang ang puso...ito ang taong mamahalin niya.Pero hindi. Hindi natuturuan ang puso.Hindi ito napipilit!

"Si Miggy ba yung naghatid sayo?" tanong ni Jane nang makapasok siya sa kanilang kwarto.Roommate nya.

"Sya nga."

"Busted na naman? well,ano pa nga ba ang bago??palagi mo naman binabusted lahat ng nagkakagusto sayo. Haba ng hair mo friend,Si Philip boyfriend material na yun pero bagsak agad sayo."

"Hindi ko sya gusto"

"Kaya nga pinauwi ko na kasi kanina pa sya nandito.Alam ko na..baka yung friend ko magustuhan mo sya,gwapo yun for sure maiinlove ka dun"

"Imposible yan Jane"

"Sabi mo lang yan..alam mo paminsan minsan kailangan mo ma appreciate ang mga gwapong lalaki sa mundo,saka hindi naman lahat ng lalaki ay manloloko katulad ng ex mo"

Naikwento na niya dito ang tungkol sa ex niya.

"Hindi ko naman nilalahat ah. Alam ko naman na may matino pa dyan kahit papaano"

"Korek! kaya magbihis ka na dyan at may pupuntahan tayo."

"Saan?"

"Isasama tayo ni Krissa sa Cowboy grill,sabi ko sasama lang ako kapag kasama ka"

"Yan,may time kang sumama sa mga ganyang bagay pero pag tinatawagan ka ng pinsan mo ayaw mong pumunta sa kanila"

"Shin my dear,,kaya nga ako lumipat sa boardinghouse na ito ay para makaiwas sa pinsan kong yun,masyadong madrama kasi ang buhay nun,tatawagan ako para sabihin lang iniwan na sya ng asawa niya,hindi niya kayang mawala yung babaero niyang asawa. Ewan ko ba dun kung bakit nagpapakatanga,sinabi ko naman sa kaniya na hiwalayan na niya. Ayaw naman makinig!"

Sa lahat ng mga karoom mate niya si Jane ang pinaka close niya. Nuong una nahirapan syang pakisamahan ito dahil tahimik at palaging nag-iisa. Sa tuwing dumadating sya sa bahay naabutan niyang palagi itong nagbabasa ng mga pocketbooks kaya nahihiya syang kausapin ito. Mataray si Jane,napatunayan na niya ito ng minsang pag-uwi niya ng bahay ay naabutan niyang nakikipagsagutan ito sa isa nilang karoom mate. Kapag alam kasi ni Jane na nasa tama siya ipinaglalaban niya yun. Pareho lang silang bago sa bahay. Naging magkaibigan lang sila nung niyaya sya nitong kumain sa labas at dun niya nalaman na hindi pala ito ganun kasama,sadyang may sariling mundo lang talaga ito.

"Anong oras ba tayo aalis?" tanong niya dito."

"sabi niya itetext niya na lang ako,wait lang," kinuha nito ang phone. "gosh! nagtext na pala sya eh! tara na!"

"ha??wait lang naman,mag-aayos lang ako."

"bilisan mo..ahm wait..pahiram naman ng phone mo itetext ko lang sya"

"bakit?eh diba may load ka naman?"

"hindi ko dadalhin ang phone ko,mamaya tawagan pa ako ng pinsan ko,alam mo namang hindi ko matitiis yun kapag nagdrama."

Binigay niya dito ang kanyang phone. Pagkatapos mag-ayos sabay na silang lumabas ng bahay.

Heartbeats (Ayen and Shin's Story) *girlxgirl*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon