Chapter 25 (fall all over again ll)

854 16 0
                                    

Pagkababa ng hagdan ni Shin,nakita nyang nag aalmusal ang kaniyang kuya Iniaki at kaniyang mama. Simula kasi ng iwan sila ng kanilang ama,3 years na ang nakalipas nang mamatay ang kaniyang ama sa isang malubhang sakit. Nagkapatawaran na ang kaniyang kuya at papa,kaya naman ngayon ay sa bahay na nila ito nakatira kasama ang asawa nitong si Alena,at ang anak nilang si Daniel.

"goodmorning" bati niya sa mga ito at kumuha ng tasa para magtimpla ng kape.

"mag almusal ka muna Shin" sabi ng kaniyang mama.

Naupo sya. " kumusta ang business mo kuya?" Ang kaniyang kuya na kasi ang namamahala ng Domingo Heaven Scent. Mga perfume na inaangkat nila sa ibang bansa at ibinibenta dito sa pilipinas.

"okay naman,sa ngayon I have this rival,hindi ko sya gusto dahil masyadong mayabang"

"ganun talaga ang business Kuya,kaya dapat lagi kang alisto,kasi hindi mo alam kung sino ang totoo at kung sino ang manlalaglag sayo."

"well,don't worry kaya ko naman to,isa pa..laos na kasi ang company nila kaya siguro desperado na si Mr.Chua para bilhin lahat ng product ni Adriana Burhem sa paris."

Napatigil sya," Chua? tell me kuya,anong company ba tong kalaban mo?"

"ahh,sikat naman sya dati,Shining Scented Company"

"SSC? really? let me tell you a secret,hindi nagpapatalo yang mga Chua kaya naman goodluck sayo."

Hindi pa nakakapasok ng office si Shin,sinalubong na sya agad ni Denise.

"ma'am,nadeliver na po lahat yung mga tela and na training na po ng maayos ang mga newbie designers natin,dumating na din po yung mga models ni Ms.Dee,pinasukatan ko na po silang lahat"

Inilipag ni Shin ang folder na dala niya sa table.

"ah,Denise,napadala mo na ba ang wedding gown ng kapatid ni Laira?bukas na ang kasal nun."

"yes ma'am,kanina po tumawag si.Ms.Dee para iremind sa inyo yung invitation niya."

"pakireturn call na lang,pakikuha na din yung details ng wedding and tell her na pupunta ako okay?"

"okay ma'am"

Hindi pa lumalabas si Denise kaya alam niyang may sasabihin pa ito.

"may kailangan ka pa?"

"ah ma'am,kanina pa po kasi tumatawag dito yung friend niyo,sabi ko wala pa kayo"

"sinong friend ba yun?"

"Kevin Montilva po,ayaw pong magpa set ng appointment,pupunta daw po sya dito para makausap kayo.''

"sige,pwede ka ng bumalik sa trabaho mo." lumabas na si Denise.

Nabalitaan niya nga nakauwi na ito ng Pilipinas. Wala syang balak makipagkita dito. Masaya na sya sa buhay niya ngayon.

Isang intercom ang nagpahinto sa kaniya sa kaniyang ginagawa. Binabasa niya ang isang tambak na mga proposal.

"yes?Denise bakit?"

"ma'am,dumating na po si.Mr.Montilva,papasukin ko po ba?"

"I'm busy,Denise alam mo naman na pinagbabawal kong tumanggap ng bisita lalo na pag walang appointment"

"pero ma'am-"

Biglang bumukas ang pinto,pumasok si Kevin kasunod nito si Denise.

"sorry ma'am,hindi ko po sya napigilan"

Seninyasan niya itong lumabas na at lumabas naman agad si Denise.

"don't you know how to knock Mr.Montilva?" itinabi niya ang mga folder na kanina lang ay binabasa niya.

Heartbeats (Ayen and Shin's Story) *girlxgirl*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon