Chapter 7 ( I think I love you)

1.4K 33 1
                                    

Thanks po sa pagbabasa.:-):-)

**

Katatapos lang ng meeting nina Shin. At naiinis pa siya dahil nireject yung proposal niya.Para din naman yun sa ikabubuti ng company nila. Lately kasi marami na silang natatanggap na reklamo sa mga products nila. Beauty products ang negosyo ng company nila. At kanina lang sa meeting nagpasa siya ng proposal para sa ikaka unlad ng company. Pero yung lintik na si Kholin hinarangan ang proposal niya.

nakakainis na talaga siya! lagi na lang niyang ginagawa saken to! inis na binagsak niya ang dalang folder.

"Easy lang friend,alam kong sasabog ka na dyan,pero may tama din naman si boss,naunang nagpasa si Kholin at on time pa," sabi ni Levet .

"But her presentation is not enough..pano nasatisfied si Sir dun? okay,lets face the truth,pwedeng malugi ang company kapag inaprobahan ng mga board yung presentation niya.Malaking pera ang mawawala sa company."

Sobrang inis talaga niya dahil ang meeting ay tungkol sa ipapalabas nilang bagong beauty product. At tinanggap nito ang proposal ni Kholin na kailangan nilang kumuha ng model,okay lang sana kung simpleng model,pero hindi eh. Ang gusto kasi ni Kholin ay kumuha ng sikat na modelo.

"saka Shin,pareho lang naman kayo ng proposal ni Kholin eh,kaya hayaan mo na."

"pero iba naman yung saken eh,hindi naman kailangan sa ibang bansa pa tayo kumuha ng model,madami pwedeng kunin sa bansa natin,mas kapanipaniwala kapag Filipino model ang kukunin natin."

"wala na tayong magagawa,mas gusto ni Boss si Kholin,we all know that."

"yun na nga eh,sayang lang ang effort ko!"

"saka siguro sinadya ni Kholin na matalo ka niya,pano ba naman,alam naman nating matagal na siyang may gusto kay Miggy."

Napabuntong hininga na lang siya.Kanina sa meeting, lagi niyang nahuhuling nakatingin sa kaniya si Miggy at panay naman ang sama ng tingin ni Kholin sa kaniya.

"nakakainis!magsama silang dalawa!!".

Pakiramdam niya kahit kailan hindi maappreciate ng boss niya lahat ng effort niya sa company. Nang minsang may nagreklamo sa product nila at nagkaron ng skin defect yung client nila,siya ang naghandle para hindi na ito lumala at makarating pa sa demandahan. Sa pag launch ng ibang product nila siya ang nag oorganize para lang maging successful ang launching. Siguro kaya ganito ang effort niya kasi napamahal na rin sa kaniya ang kaniyang trabaho. Ito kasi ang kauna unahang trabaho niya simula nung tumakas siya sa lugar nila. Inihinto niya saglit ang kaniyang iniisip. Ayaw na muna niyang isipin yun. Saka na lang muna niya haharapin ang lahat kapag handa na siya.

"friend,tara lunch na muna tayo?" aya ni Levet.

"sige,nagugutom na din ako eh." biglang tumunog ang phone niya.

1 message from Ayen.

lunch na. kumain ka na?kaen na wag papagutom.

At biglang naglaho lahat ng inis na nararamdaman niya. Isang ngiti ang pumalit sa init ng ulo niya kanina.

"uy?bakit parang kinikilig ka dyan sa binabasa mo? boyfriend mo yan no?asus!kaya pala ayaw mo kay Miggy kasi may boyfriend ka na." ang daldal talaga ni Levet.

"Anong boyfriend?"

"sus! chikka mo naman yan!"

"wala to,tara na gutom lang yan.." hinila na niya si Levet bago pa kung anong sabihin nito.

Simula nun,palagi na silang magkatext ni Ayen.Feeling niya mas close pa sila ngayon. Mabait si Ayen,akala niya nung una,masungit ito. Hindi kasi siya nito pinapansin. Oopz..wala pala siyang paki kay Ayen dati. Para sa kaniya hindi ito nag eexist.Pero bakit ngayon?iba na ang nararamdaman niya para dito. Para bang..nahuhulog na ang loob niya dito. Tuwing tumutunog ang phone niya,excited syang macheck kung si Ayen ang nagtext. Pero kapag sina Philip o Miggy naman agad niyang binubura. Minsan inaabot na ng madaling araw,hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Saka magkatext pa sila ni Ayen. Kapag nasa office naman siya nagkakaron pa rin siya ng time na replayan ito. Hindi na ata mabubuo ang araw niya kapag wala siyang natatanggap na text mula kay Ayen. Hanggang umabot na sa puntong..hindi na niya kaya pang itago yung nararamdaman niya. Oo. Inlove na siya kay Ayen. At ayaw niyang malaman ni Ayen yung nararamdaman niya dahil baka iwasan siya nito,baka masira yung nasimulan nilang friendship.

"hoy!" binato siya ni Jane ng unan at tumama naman ito sa mukha niya.

"Jane! ano ka ba?"

"ano ako? eh di tao. teka ano bang problema mo te?" nilapitan siya nito at naupo sa tabi niya. "kanina lang ang saya mo,tas ngayon ang lungkot lungkutan lang ampeg?"

Napabuntong hininga siya." Jane..feeling ko inlove ako eh.."

"wow!himala?really?as in?"

"grabe lang maka reak?"

"hehe,syempre..ganun talaga. Akalain mong hindi pala bato yang puso mo. Marunong ka din palang ma inlove? so,tell me. Who's the lucky man?"

"l-lucky man?"

"oo,ano?si Philip ba?"

"si Philip?"

"Tss..ano to?paulit ulit lang?sino nga?" medyo naiinis na ito.

"hindi ko pa pwedeng ipaalam sayo eh..pero hindi si Philip."

"ano ba yan,si Miggy?"

Umiling siya. "hindi..sa iba..isang kakilala..pero hindi ko masabi sa kaniya yung feelings ko kasi..alam mo yun..lately lang kami naging close..tapos hindi naman kami madalas nagkikita."

"I see..eh,bakit hindi mo sabihin sa kaniya na gusto mo siya ?"

"kasi..kasi..ahm..natatakot akong magmahal Jane..Ayokong masaktan uli..at saka umpisa pa lang mali na ang mahalin siya eh.." parang naiiyak si Shin habang sinasabi niya ito kay Jane.

"bakit mali?alam mo..kasama talaga ang masaktan,kasi hindi mo malalaman na nagmamahal ka kung hindi ka nasasaktan.."

hindi lang naman yun ang problema ko..hindi ko sya pwedeng mahalin..kasi..babae sya! at mali..mali tong nararamdaman ko...bakit ako?bakit ko to nararamdaman??
mali ito...pero bakit sa tuwing katext ko siya ang saya saya ko?at itong nararamdaman ko..ni minsan..hindi naging ganito ang naramdaman ko kay Kevin.....pakiramdam ko..mahal ko na siya!

Heartbeats (Ayen and Shin's Story) *girlxgirl*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon