Kabanata 3

1.1K 57 14
                                    



"Wow.. Mimi.. ang laki ng House.." manghang sabi ni Ellie. Napalingon ako sa kanya na nanlalaki din ang mata. Bumaba na kami ng taxi. Nasira kasi yung sasakyan ko kaya no choice.

Nag doorbell na ako at agad naman kaming nilapitan ng guard. Bahagya ding nanlaki ang mata niya ng makita niya ako. "Ma'am Julie.. kayo po pala.. pasok po.." ngumiti ako at hinawakan ang kamay ng anak ko.

"Mimi look.. pool!!" Tili pa ni Ellie na nakaagaw ng atensyon ng katulong na nag lilinis ng mga halaman pati ang nag lilinis ng pool. "Mimi.. where's my swimsuit? Lets swim.. " hinihila siya ni Ellie pero d siya nag papadala kaya lumingon ang bata.

"Baby, behave remember?" Ngumuso siya sa akin kaya natawa ako. "Okay.. but kaninong house 'to Mimi.. " walang nakakaalam na pupunta kami dito. Naalala ko lang na nag iwan si Tita ng address ng bahay nila.

"Pasok nalang kayo Ma'am.. " Ngumiti ako at kumaway naman ang anak ko biglang pag papa alam.


Huminga muna ako ng malalim pero ang anak ko ang laki ng ngiti parang kiti kiti na di mapakali panay ang lingon niya. "Mimi, ang laki.." manghang sabi pa ng anak ko.



"Anak, dito nakatira si Wowa.." nanlaki ang mata niya at ngumiti din ng malaki.


"Wow.. Mamang's House don't have pool.. and not that big but.. its beautiful.. "  natawa ako sa sinabi niya. Totoo di ganto kalaki ang bahay nila Mama kasi mas gusto daw nilang simple pero puno ng pag mamahal ang bahay.


"Julie.." napatingin kami sa matandang katulong nila Tita.


"Manang Lusing.." niyakap niya ako at niyakap ko din siya habang nakatingin ang anak ko sa matandang yumakap sa akin.


"Siya ba? Jusko po kamukang kamuka ng tatay.. kay gandang bata.. halika dito anak.. payakap si Lola.." ngumiti ako sa anak ko na nakatingin at humihingi ng pirmiso. Tumango ako at tumakbo siya papunta kay Manang at niyakap ng mahigpit. "Naku po.. parehas sa tatay.. malambing.. halika at kumakain sila." Di na ako nakapalag ng hilahin niya ang anak ko na sumama sa kanya. Sumunod na ako.





Pag dating namin sa hapag kainan ay agad na binalot ng lamig ang tyan ko. Dapat pala nag paalam ako na pupunta ako. Shit.. lahat sila napatingin sa akin tapos kay Ellie na tumakbo sa akin at yumakap sa binti ko.



"Baby.." masayang sabi ni Tita. Nawala ang asim ng muka nito ng makita kami ni Ellie. " Ohmygosh.. namiss ko ang baby ko.." kinarga ni Tita si Ellie at hinalik halikan ang pisngi ni Ellie. "Namiss mo si Wowa?" Sila lamang ang maingay samantalang inuugat na ako dito.


"J-Julie.." lalong nanlamig ang sistema ko tapos ay kumabog ng napakalas ang puso ko. Shit mas sakit yata ako sa puso sa lakas ng kabog. "It's really you.." nakatayo na siya sa gilid ko ngunit di ko siya malingon. Fuck it..


"Dada.." lalong naubos ang lakas ko ng banggitin iyon ng anak ko. "Dada...." tumili pa si Ellie at pumiglas kay Tita nakita ko ang panunubig ng mata ni Elmo at napaluhod siya para salubungin ang anak ko ... I mean namin..


"Excuse me.. Hi baby.." kumulo ang dugo ko sa landi ng boses niya. Fudge.. Tumingin ang anak ko at iniwas ang braso niya na hinaplos ng babaeng ito. "Ay suplada.." maarteng sabi pa nito.


"So what kung suplada ang apo ko? Isa lang ibig sabihin niyan.. ayaw niya sa malandi.." pabulong na sabi ni tita pero dinig ko. Kumindat pa siya sa akin. Kaya ngumiti ako. Sumimangot naman ang haliparot.


"Mom--"



"Don't you dare na ituloy ang sasabihin mo.." galit na sabi ni tita agad akong napatingin sa anak ko na humihikbi dahil may nakita siyang galit.




"No.. No.. No.." lumapit na ako kila Elmo dahil hindi niya rin maamo ang anak namin. "Hindi galit si Wowa.. Don't cry.." hinaplos ko ang pisngi niya at sumadal siya sa dibdib ni Elmo.


"Pwede ba.. wag kayong mag sigawan sa harap ng anak ko." Mariing sabi ni Elmo kaya natigilan kami. " Jane.. umalis kana.." sumimangot siya at kinuha ang bag niya bago ako banggain pagdaan niya sa pagitan namin ni Elmo.




"Sorry na baby.. di galit si Wowa.." ngumiti si Tita na agad naman hinalikan ang anak ko at bumalik sa bangko niya. "Halika na Julie.. kumain kana.. Ising padagdag ng plato.." utos niya pa. "Wala ngayon ang Wowo mo baby.. pero pauwi na yun.."



Tumingin ako kila Elmo at sa anak ko nag tititigan . Ngumiti ang anak ko at ngumiti din si Elmo. May lumandas na luha pero agad niyang pinunasan ito. Hinalik halikan niya pa ang anak ko.

"Anak nga kita.." bulong ni Elmo pero rinig namin. Nakayakap lamang si Elmo kay Ellie na kumakain ng nuggets na hinanda para sa kanya.


"Dada.."


"Yes baby.." hinalikan niyang muli ang pisngi ni Ellie.


"I want ice cream.. " ngumuso pa ito na parang nag papa awa.


"Ellie.." may pag babanta ang boses ko. Panigurado uubuhin nanaman 'to.


"Dada.." jusko po humanap pa ng kakampi.



"Anak.. baka ubuhin ka nanaman.. nag ice cream kana last week diba?.." pakiusap ko pero sadyang sutil ang anak ko at yumakap pa sa Ama niya na ikinatuwan ni Elmo.

Sa loob ng ilang minuto ganyan na sila mag lambingan. Paniguradong diniligan na ni Kuya ang utak ng anak ko tungkol sa tatay nito.



"Halika kuha tayo.." nanlaki ang mata ko. Mukang lalong magiging brat at spoiled ng anak namin. Kila Mommy at kuya palang spoiled na pati dito? Tututol sana ako ng hawakan ni tita ang kamay ko at ngumiti. Umalis na ang mag ama.



"Maraming salamat Julie.. ngayon ko nalang ulit nakita ang ngiti ni Elmo... simula.. sorry alam kong ayaw mong pag usapan ang nakaraan.. sorry.. pero thank you talaga at pinakilala mo na si Ellie kay Elmo."



"Sorry din po kung tinago ko si Ellie kay Elmo.. natatakot lang po talaga ako na masaktan ang anak ko.. pasensya na po." Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.








---------^^^^^*****^^^^^---------









Nakatingin lamang ako kay Ellie at Elmo na nag susubuan ng ice cream. Nakakatampo lang kasi mukang nakalimutan na ako ng anak ko dahil sa atensyon na binibigay ng Ama niya sa kanya.


Napapangiti nalamang ako pag naririnig ko ang hagikgik ng anak ko pag kinikiliti siya ni Elmo. Siguro iba talaga mag mahal ang Tatay kesa sa Nanay. Kasi pag nag lalaro kami masaya naman siy pero iba yung saya niya ngayon kay Elmo.


Sana lang Elmo di mo saktan ang anak mo katulad ng sakit na naranasan ko. Kasi kung sakaling saktan mo siya di mo na talaga siya makikita.

Sana hindi pansamantalang kaligayahan lang ang ibigay mo sa kanya. Kahit na bumuo ka ng sarili mong pamilya sana wag mong pag kaiitan ng atensyon si Ellie.




Tumingin si Elmo sa akin at nawala ang saya sa mata niya at gumuhit ang sakit sa mga ito. Tama ba ang nakikita ko Elmo?

Bakit.?






---------♥♥♥♥♥----------








AN: Kyahhh kyahhhh penge barya HAHAHAXD
SORRY NA AYAN LANG UPDATE
MASAMA KASI PAKIRAMDAM KO PROMISE.. BWISET KASI NA SIPON TSAKA UBO NA 'TO SUMASAKIT ULO KO..
BY THE WAY..
ENJOY READING LOVE YAH ALL (KISSES) PARA MAHAWA KAYO HAHAHAHA XD LELSJK

I Want you BackWhere stories live. Discover now