Kabanata 8

1K 58 11
                                    


Julie's POV

"Mimi, look po.. ginawan ako ni Tita Jea .." masayang wika ng anak ko at pinapakita ang porselas na puro beads na pink. Ngumiti at habang tinatalian ang anak ko.

"Anong ginawa niyo ni Dada?" Lunes na ngayon at bago na ang school na papasukan ng anak ko. Sana naman ay di siya manibago.

"Nag play po kami.. tapos po .. hmmmm.. sumali din po si Tita Jea sa bahay bahayan." Humagikgik pa ang anak ko. May namuong inis sa dibdib ko. Tarantadong Elmo 'yun , isasama pa anak ko.. di nalang sila nung Jea na 'yun ang mag landian. "Ouch.. Mimi, masakit.." shit.. niyakap ko ang anak ko ng mapadiin ang kapit ko sa buhok niya.


"I'm sorry.. okay lang ba na bago na ang school mo?" Lumaki ang ngisi ng anak ko at tumango ng sunod sunod.


"Wala na pong mang aaway sa akin Mimi.. tapos wala na pong mag sasabi ng badwords sayo. Sabi ni Dada , pag may nang away sa akin isumbong ko daw kay Tito Pogi ." Ngmiti nalang ako at inayos na ang tali niya.


May nag Doorbell kaya natatarantang bumaba ng kama ko si Ellie at lumabas ng kwarto. Umiling nalang ako at inayos ko na ang mga gamit na pang ipit n buhok ni Ellie bago ko sinundan ang anak ko.



"I love you too Dada.." sigaw ng anak ko at tumalon talon pa.


"Careful baby.. baka malaglag ka." Kumunot ang noo ko sa boses ng babae. At ng makita ko kung sino iyon ay sunod sunod ang pananakit ng dibdib ko. Tumingin ako kay Elmo na buhat na ang anak namin . Nakatitig siya sa akin at bahagyang umawang ang bibig niya.


"Hi.. I'm Janella.. Jea for short, di talaga dapat ako sasama kaso pinilit ako ni Moe.." mahinhin niyang sabi sa akin. Pero di ako nakakaramdam ng galit ang tanging nararamdaman ko ang selos.. damn .. OO NA.. SELOS NA SELOS NA AKO.. gusto ko 'yang isigaw pero di nalang ako sumagot at tumango.



Nakita ko ang bahagyang pag kurot ni Janella sa tagiliran ni Elmo na ikinabalik niya sa reyalidad. Umiwas nalang ako ng tingin at pumasok sa kusina. At inayos ang baon ng anak ko , di ko na sila aanyayahan pang mag almusal di ako mag papaka plastik na ayos na. Dahil nilalamon na ako ng inis ko.


Pwede naman ako yung kasama niya diba? Kasi ako yung nanay ni Ellie. Ano sinasanay na nila ang isa't- isa? Ano 'to bahay bahay pa rin? Si Ellie ang anak nila? Fuck no..

"ANAK, ito na yung baon mo.. be good oka--"


"Hello..? Really.. ohmygosh.. okay ontheway na ako.." tinaasan ko siya ng kilay pero ngumiti lamang siya. "Moe, I'm sorry di kita masasamahan.. sorry baby.. si Dada at Mimi mo nalang ang mag hahatid sayo.. aalis na si Tita Jea." Di na kami nakapag salita pa ng dire-diretso na siyang umalis.



"Mag ayos kana.. mahuhuli pa si Ellie.." inirapan ko lang siya at umakyat na sa kwarto ko at nag mamadaling maligo. Yung isang oras na ligo naging 15 minutes damn it..







--------^^^^****^^^^--------







Elmo's POV





Kanina ko pa gustong tumawa sa inis na muka ni Julie. Mukang totoong nga ang mga sinasabi ng baliw kong kababata nag seselos nga 'tong si Julie. Hinalikan ko ang anak namin na nag lalaro ng Everwing sa cellphone ko.


"Dada, bakit nakaganto yung face ni Mimi.." sumimangot ang anak ko pero maganda pa din mana sa Mimi niya.

"Kasi.."


"Tara na.." binitbit na niya ang lunchbox ni Ellie , kinuha ko naman ang bag ng anak ko at sumunod na sa Mag ina ko.

Pasulyap sulyap ako kay Julie na kandong si Ellie na daldal ng daldal habang si Julie ay nakasulyap lamang sa labas ng bintana. Nang makataring na kami sa International School ay agad akong pumarada at bumaba na sila Julie.


Dito ko pinasok ang anak ko kasi alam kong walang mang aaway sa kanya dito. Kung sakali man tatanggalin ko ang 50% share ko dito . Binuhat ko si Ellie na ang laki agad ng ngiti. Ngumiti naman ang guardya sa amin.



Nakatingin lamang kami kay Ellie na naka hanap na ng upuan niya. Kumaway pa siya sa amin at ngumiti ako, ganoon din si Julie at nag okay sign pa ito kay Ellie.



"Julie, lunch muna tayo.." tumango naman siya at nauna na siya. Pinagbuksan ko siya pero inirapan niya lang ako. Napailing nalang ako at ngumiti ng bahagya.




"Iuwi mo na ako at baka magalit pa yung girlfriend mo." Puno ng pait na sabi niya. Gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko ang sarili ko.




"Okay lang naman sa kanya, tsaka naiintindihan naman niya iyon. Kaya walang problema" lalong lumukot ang muka ni Julie at humarap siya sa labas ng bintana.




"Kung gusto mo nang mag asawa wag mo nang ipa alam kay Ellie. Ako nang bahala sa anak ko, ayoko naman na parang namamalimos ng atensyon yung anak ko pag nag kaanak kana." Tinignan ko siya ng ihinto ko sa gilid ang sasakyan ko. "Ayokong nakikihati ang anak ko.. kaya kung mag aasawa kana.. sabihin mo sa akin ako na ang kakausap sa anak ko." Suminghot niya pa siya.






"Mahal na mahal ko si Ellie , Julie.. kahit kelan di siya mamamalimos ng pag mamahal kasi ibibigay ko lahat ng pag mamahal ko sa kanya.. sa inyo.. mahal na mahal ko kayong dalawa Julie.." dikit ko ang aking noo sa kanya at tinitigan ko ang namumula niyang mata. "I want you back Julie.. kayo ni Ellie.. please.. please.. bigyan mo ako ng isa pag pag kakataon.. pangako di ko na sasayangin pa.."  hinalikan ko ng marahan ang labi niya. At mariin lamang siyang pumikit habang pinapatakan ko ng halik ang namumula niya labi.




"Please.. " bulong ko sa pagitan ng pag halik ko sa kanya.






"Last chance .. Elmo.." wika niya na sapat lamang para mading ko. At hinalikan niya ako at walang pag aalinlangan ko itong tinugon.





Mahal na mahal ko sila.. bubuoin ko ang pamilya ko. Ibibigay ko ang lahat para maging masaya ang pamilya ko. At wala nang makakapag hiwalay pa sa amin.










--------^*^*^*^---------









AN: ENJOY READING LOVE YOU ALL!!!!!

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT ;!!!

Hi kbibas penge akong ice cream HAHAHA XD




I Want you BackWhere stories live. Discover now