Kabanata 2

1.1K 46 6
                                    


"Ellie.. jusko pong bata ka saan kaba nag susuot? Mapapatay ako ng Nanay mo." Agad hinila ni Cams si Ellie ng mag kagulo ang tao sa loob ng cake shop. Kita niya ang pag aalala sa muka ni Ellie ang may inilabas sa loob ng cake shop. At ng makita ni Cams kung sino ito ay nanlaki ang mata niya.

"Dada.." mahinang sabi ni Ellie at nanunubig ang mata.

"Ellie.. anong sabi mo?" Lumuhod siya at pinunasan ang luha ni Ellie na tumulo na sa pisngi nito.


"Dada.."tumingin si Ellie  sa loob ng Cake shop. Niyakap ni Cams ang bata at hinila na paalis sa lugar na yun. Nakatingin lamang si Koko kay Ellie.


"Mama.. Is she okay?" Tanong ni Koko ng maisakay na ni Cams si Ellie at si Koko na ang isasakay niya. "Don't cry.." napangiti si Cams ng yakapin ni Koko si Ellie.






---------**********----------





"Juls.. nakita ni Ellie si Elmo.." di na nag paligoy ligoy pa si Cams. Agad niyang hinarap si Julie ng maipanik na ang mga bata sa Kwarto.

"A-Ano..? Pa..Paanong?" Namutla ang muka ni Julie sa sinabi ni Cams.

"Namasyal kami.. tapos nag aya sila sa comfort room.. nauna na si Ellie tapos iniwan ko muna siya kasi tutulungan ko si Koko.. tapos tinawag niya si Elmo na.. Dada.." wika nito.

"Paanong kilala niya si Elmo.."  pinabayo na ng kaba ang dibdib ni Julie.


"Mas mabuting kausapin mo si Ellie .. may karapatang siyang malaman kung sino ang Tatay niya Julie. Kasi alam mo ba na habang nakatingin si kay Elmo na inilalabas sa cake shop na walang malay . Gumuguhit yung sakit at pangungulila niya.."



"Sino ka.. para pag sabihan ako? Ako ang nanay ng bata at di ko siya ipapakilala sa tatay niya na walang ibang ginawa kundi ang saktan ako.. paano kung saktan niya anak ko... wala ka kasi sa kalagayan ko kaya kung makapag salita ka akala mo alam mo lahat.." sumabog ang galit ni Julie at nanlaki ang mata ni Cams.

"D..Di mo ba naiisip na .. kung lalo mong ilalayo si Elli lalo lang nasasaktan anak mo.. habang ipinag kakait mo yung anak mo sa tatay niya.. di mo ba alam na nasasaktan mo na din yung anak mo.."


"WALA KANG KARAPATANG SABIHAN AK-"


"JULIE.." napahinto si Julie ng marinig niya ang pag babanta sa boses ng Kuya niya. "Pinapayuhan ka ng Ate Cams mo.. bakit di mo tanggapin.. nagiging makasarili kana.."


"Masama bang protektahan ko yung anak ko? Makasarili ba yung nilalayo mo yung anak ko sa sakit na madudulot ng pinipilit niyo?" Bumagsak na ang luha ni Julie . At pumanik sa kwarto nilang mag ina.



Nang makita niya ang anak niya na mahimbing na natutulog. Niykap niya ito at hinalikan ang ulo nito. Bahagyang gumalaw ang bata at niyakap din siya. Dumilat ito kaya ngumiti si Julie.


"Mimi.." antok na sabi nito pero pinilit ni Ellie na mag salita kaya ngumiti ito. "I saw Dada.." kumabog ang dibdib ni Julie. "We have the eyes Mimi.. and Tito Axel said .. that Dada's name is Elmo.. not the muppet but Elmo Magalona.." ngumiti ng matamis si Ellie. Tumulo ang luha ni Julie ng makita niya ang kasiyahan sa muka ni Ellie.



"Paano mo nalaman na siya ang Dada mo.? Maraming Elmo ang pangalan sa mundo.." nakita niya ang lungkot pero napalitan ng saya ang mata nito.




"I just feel it Mimi.." ngumiti si Julie at kinurot ang pisngi ng anak.




"Tama na ang nood ng mga drama movie anak.." sumimangot ito at talaga naman lumabas kung sino ang kamuka ng anak niya.




"Mimi.. gusto ko pong makita si Dada.. diba sabi mo nasa work lang siya? Tapos gabi na umuuwi? Tapos... tapos maaga umaalis? Mimi please!! Tell Dada to stop working na.." Tama ang anak niya. Oo lagi niyang sinasabi na nasa trabaho lang ang tatay niya at gabi na umuuwi kaya di niya na naabutan.


One time naabutan nyang nag pipigil ng antok ang anak niya para lang maabutan nito ang Ama pero muli ay nag sinungaling si Julie sa anak at sinbing ng Over time ito.




"Please Mimi.. I want to see him.. Tito Axel said na we have the same hair and eyes ang nose and lips..bibigyan ko siya ng big hug.. tapos chicken kiss.. para di na siy mag work.. para di niya na tayo iwan.." sumikip ang dibdib ni Julie halata ang kasiyahan sa mata ng anak niya.



Di niy alam kung ano ang gagawin niya ayaw niyang masira ang kasiyhan nito. Hinalikan nalang niya ang noo ng anak at pinabalik na sa pag tulog. Hinaplos haplos niya ang buhok nito hanggang sa nakatulog na itong muli.





"I love you baby.. bigayan mo lang si Mimi ng time.. promise ipapakilala na kita sa Dada mo. Konting oras lang anak mag kikita din kayo.."





"Uhmm .. Dada.." lalong naiyak si Julie ng banggitin ng anak iyon. Niyakap niya nalang ito ng mahigpit at hinalikan ang pisngi ng anak.




"Akala ko papupunan ng pag mamahal ni Mimi yung pag mamahal ng tatay.. di ko pala kaya.. hahanap hanapin mo talaga iyon anak.. pasensya kana.. natatakot lang si Mimi .. hanggang ngayon natatakot pa din si Mimi na masaktan ka.. ayoko kasing maranasan mo yung sakit.. kasi mas doble yung sakit pag nasasaktan ka.. pasensya na anak.."  bulong ni Julie at patuloy ang pag agos ng luha ni Julie habang sinasabi iyon.








--------^^^^^*^^^^^--------







"Anak.." tumingin si Julie sa kanyang Ina at niyakap niya ito.. "Bakit? Julie.." umiyak siya ng umiyak. Dinala siya ng ina niya sa bangkuan na lagi nilang pinupwestuhan noong bata pa siya pag umiiyak siya dun lang sila uupong mag ina at hahaplusin lang ang buhok niya.




Apat na taon na din simula ng mag kausap silang pamilya at nagkapatawaran. Iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ni Julie.



"Tungkol ba 'to sa Tatay ni Ellie?" Tumango lang si Julie habang naka higa sa binti ng kanyang Ina. "Anak, may karapatan si Elmo kahit saang korte kayo mag laban.. Tatay parin ni Baby Ellie si Elmo.."




"Nag kita na sila Ma.." bahagyang nagulat ang Ina ni Julie. "Sa mall.. nakita na ni Ellie si Elmo.. Ma... paano kung kunin niya Ellie sa akin? Ma natatakot ako.."




"Di naman siguro gagawin yun ni Elmo.. anak lagi mong tatandaan kung saan sasaya ang anak mo dun ka.. wag mong ipag kait sa kanya yun.. mahal na mahal ka ng anak mo tandaan mo yun."









---------*****^^^^*****-----------










"Mimi.. san tayo pupunta.." tanong ni Ellie habang binibihisan ng pink dress ang anak.



"Secret muna.." masayang tumango ang anak niya. Kinuha na nito ang flat shoes niya. Nag ayos na si Julie ng kanyang sarili.



One week at naka pag desisyon na siya ..













--------^^^^^^^^^^*^^^^^^^^^^^-----------








AN: Enjoy reading !!
Don't forget to vote and comment!
Labyahh all :**

I Want you BackWhere stories live. Discover now