Kabanata 10

1.1K 60 11
                                    



Julie's POV




Nakahawak si Elmo sa bewang ko pero nakikipag usap at nakikipag tawanan siya kay Janella. Di ako naiinis kay Janella pero kay Elmo ako naiinis.

"Mimi, ang bad mo.." napatingin ako kay Ellie na nakasimangot sa akin. "Sabi mo bad ang mag play ng food pero ikaw nag p-play ng food mo.." doon ako napatingin sa pag kain ko na gutay gutay na.

"I'm sorry anak.." binalibag ko ang kamay ni Elmo na nakapirmi sa bewang ko. "Mag C-CR lang si Mimi .." di na ako kay Elm nag paalam nakakahiya naman baka maka istorbo pa ako diba.."

Tumayo na ako nang di nililingon ang dalawa. Naiinis ako lalo na kay Elmo , gusto ko siyang sampalin tapos .. ughhh.. nag hugas na ako ng kamay bago tuluyang lumabas.

Biglang may matigas na bagay na biglang sumulpot sa harap ko. Ready na akong masaktan kung sakaling babagsak ako. Pero may pumulupot na braso sa bewang ko at umalalay sa akin para di ako bumagsak. Dinilat ko ang mata ko para sigawan sana pero nanlaki ang mata ko.

"Marlo..?"




-------*****------





Elmo's POV



"Mukang tagumpay ang aah.. nakita mo halos patayin kana sa titig ni Julie? Grabe.. nakakatakot mag selos si Julie aah.." umiling nalang ako, ramdam ko ang selos ni Julie. Gusto ko na siyang amuhin pero gusto kong siya mismo mag sabi na nag seselos na siya.

"Susundan ko lang .. baka kung ano nang mangyari doon.." tumayo ako at hinalikan ko ang noo ng anak ko bago sundan si Julie. Biglang nag dilim ang muka ko sa eksenang nasaksihan ko.

May nakahawak sa bewang ni Julie . Agad akong sumugod at hinablot ko si Julie mula sa pag kakayapos ng lalaking 'to. Kumulo ang dugo ko sa gigil , tangna.. mukang ako ang mamamatay sa selos dito.

"Elmo.." gulat na wika ni Julie , inilapit ko pa siya katawan ko. Tinignan ko ang lalaking ito sa mata at kita ko ang pag ngisi niya sa akin.

"Elmo.. The Husband.." pag papakilala ko. Lalong lumaki ang ngisi ng gung gong na 'to..

"Marlo.. I'm Ellie's Pedia.. so... your the Husband... kelan pa?" Parang nag pantig ang tenga ko sa sinabi niya. Hinaplos ni Julie ang kamao ko na handa nang sumuntok.

"M-Marlo.." sabay kaming napatingin sa likod at si Janella iyon hawak ang anak namin ni Julie. Namumutla ang muka ni Janella kaya kumunot ang noo ko.

"J-Jea.." wika nung Marlo.

"Mauuna na ako.. Elmo.. Julie.." inabot niya si Ellie kay Julie at dire-diretsong umalis .

"Janella Salvador Mortel.." sigaw nung Marlo kaya nanlaki ang mata namin. Hinabol niya si Janella na lumabas.

Tinignan ko si Julie na umirap lang sa akin at umalis na din. Naabutan ko nalang sila sa sasakyan ko pinindot ko agad ang alarm at binuksan niya na para makapasok na sila. Huminga ako ng malalim at pumasok na din.



"I'm sorry Julie.." umirap lang siya sa akin at pinanood si Ellie na nag lalaro sa cellphone ko. "Look.. tinitignan ko lang kung mag seselos ka.. at tinutulugan ako ni Janella. Sorry na.."

"Oo na.. nag seselos na ako.. kasi naman diba family day natin tapos may sabit.. naiinis ako sayo.. nakuha mo pang makipag tawanan .." iritang wika niya sa akin.

"Sorry na.. may pupuntahan tayo ngayon.." napatingin si sa akin at ngumisi lang ako. "Pambawi ko sa inyo.. kayo lang Julie.. lagi mong tatandaan na kayo lang ni Ellie ang meron ako na di makukuha ng iba.."


I Want you BackWhere stories live. Discover now