Kabanata 4

1.1K 50 10
                                    

"Julie.. we need to talk.." mahinahon pero mariing sabi ni Elmo sa akin. Oo kailagan naming mag usap di ko siya kayang iwasan habang buhay lalo na't kilala na niya si Ellie at kilala na siya ni Ellie.

Sumunod ako sa kanya hanggang veranda. Tanaw namin ang anak namin na masayang lumalangoy habang kasama ang Mommy ni Elmo. Tawa ng tawa ang anak ko habang nag tatampisaw at meron din siya floaters sa mag kabilang braso.

"Bakit.?" Iyon ang unang lumabas sa bibig ni Elmo. Di ko na kailangan na tanungin kung anong ibig sabihin niya.

"Sinaktan mo ako Elmo.. winasak mo ako nung araw na sasabihin kong magiging Ama kana. Bakit di ko pinilit ang sarili ko sayo? Kasi ayokong mauulit yung dati Elmo.. yung pinilit ko yung sarili ko sayo nawala ang una nating anak. Di ko kakayanin pag nawala pa siya."

"S-Sana.. sinabi mo pa din.. may karapatan ako Julie.." puno ng sakit na wika niya.

"Nung araw na din na yun Elmo.. sinabi mo sa akin na I'm still your Unwanted wife.. na katawan ko lang ang habol mo.. sa tingin mo.. may karapatan ka pa? Alam mo bang gusto kong itago si Ellie sayo.. pero nag kita na kayo.. matagal ka na niyang inaantay.. kahit masakit sa akin na harapin ka at iharap sayo ang anak natin wala akong magagawa, mas masakit na makita mong nakatanaw yung anak mo sa nakikita niya na mag tatay na masaya." Pinahid ko ang luha ko . Sabi ko matapang na ako pero di ko parin kaya. Lalo na at bumabalik ang masasakit na ala ala.

"I have my reason Julie.." umiling ako at ngumiti.

"No need Elmo, wasak na 'to..." turo ko sa bandang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. "Kahit ano pang rason mo sarado na tenga , isip at puso ko.. kaya ko ginagawa 'to para sa anak ko." Tinignan ko siya derekta sa mata at tama ba ang nakikita ko puno ng sakit at pag susumamo ang mata niya.

"Julie.." pilit niyang hinahawakan ang kamay ko pero pilit ko din itong iniiwas. Pero sadyang malakas si Elmo at nang mahawakan niya ang kamay ko agad niya akong kinabig papalapit sa kanya. "Julie.. please.. mag simula tayo.. kung gusto mo ligawan kita .. gagawin ko.. gusto kong bigyan ng buong pamilya si Ellie.. Julie.."

Umiling ako at pilit kong inaalis ang kamay niyang nakayakap sa bewang ko pero di ko mahiwalay. Sadyang malakas siya at hinigpitan niya pa lalo ang yakap niya.

"Elmo, wag mo nang ipilit.. tapos na ang second chance.. ayoko nang bigyan ka pa ng isa pang baril para patayin ako kasi dalawang beses kanang pumalya.. paraang awa mo na.. limang taon na pero durog na durog parin ako.." di ko na kinaya pa. Nanghina na ako at puro pag iyak nalang ang nagagawa ko.

"I'm sorry.."


------------*^*^^*^*^*^^^***-----------



"Sa akin po ng weekdays si Ellie.. sa inyo po siya ng weekends.. ihahatid ko po siya dito ng friday pag kagaling niya ng school." Tumingin sa akin si Elmo pati ang Mommy niya.

Tumango nalang ang Ina ni Elmo habang si Elmo ay tahimik lang at nakayakap sa anak namin na nag lalambing na.

"Dada .. diba you love me? Come with me please!! Dada.." nakayakap ito sa leeg ni Elmo kaya tumingin ako kay Elmo na nakatingin lang din kay Ellie.

"Baby.. dadalaw si Dada sa house niyo ni Mimi.." mahinahong pag aalo ni Elmo kay Ellie.

"Diba Dada kita tapos Mimi ko si Mimi? Dapat sa isang house lang tayo nakatira.. kasi yung Mimi tsaka Dada ni Kim same house lang nakatira.." nakangusong pag iinarte ng anak nila.

"Baby.. babalik ka dito kay Dada mo.." nakangusong bumitaw ang anak ko sa Ama niya. "Halika na.."


"Hatid ko na kayo.." Tumingin ako kay Elmo na nag aayos ng damit niya. "Halika dito kay Dada.." agad tumakbo ang anak ko kay Elmo kaya wala na akong nagawa kundi ang sumakay na din sa sasakyan.


"Wow.. Dada ang ganda ng Car mo.." manghang sabi ng anak ko naka kandong siya kay Elmo na ngayon ay binubuhay ang sasakyan. "Dada.. Drive din Ellie.. please.." pag papacute nito kay Elmo na bahagayang natawa kay Ellie.

"Anak, halika dito.. di makaka pag drive si Dada mo pag andyan ka.. ang bigat mo pa naman.." sabi ko at hinahawakan ang kamay ng anak ko.

"Dada.. mabigat si Ellie? Diba hindi.. seksi ako diba Dada?" Ngumiti si Elmo at hinalikan ang noo ni Ellie.

"Yes.. seksi ka.. mas seksi ka pa sa Mimi .. inggit lang si Mimi kasi gusto niya siya ang kandong ni Dada." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang hampasin pero ayokong makita ng anak ko.


Habang nasa biyahe ay naka sandal lamang si Ellie sa dibdib ni Elmo habang bahagya na siyang pumipikit. Hinaplos ko ang buhok niya at doon na siya tuluyang pumikit at nakatulog.


"Na miss ko yun Julie.." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Elmo.
"Na miss ko yung hinahaplos mo yung buhok ko.. na miss ko Julie.. namiss kita.." para akong binuhusan ng yelo sa sinabi niya. " Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo.. kung nasaktan kita ng paulit ulit.. sorry.. kung walang ibang lumalabas sa bibig ko kundi sorry.."


"Nanagyari na Elmo.. ang magagawa nalang natin ang kalimutan ang lahat. Ginagawa ko lang 'to para kay Ellie. At pag nasa tamang edad na siya , siya na ang mag dedisisyon kung kanino siya sasama." Tumingin ako kay Elmo at tanging pag higpit lamang ng hawak sa manibela ang reaksyon niya.



"Di na ako mag hahanap ng iba Julie.. kayo lang ni Ellie ang pamilya ko .. mag aantay ako Julie. Alam ko sarado pa ang puso mo , sarado pa ang isip mo pero tandaan mo di ako susuko hangga't di ko nabibigay kay Ellie ang masayang pamilya na gusto niya. Mahal na mahal kita Julie.. mahal na mahal kita.. alam kong walang kapatawaran yung ginawa ko . Kung bibigyan ko lang ako ng pag kakataon na mag paliwanag."






"Di na kita Mahal Elmo."






-------^*^*^*^*^*^*^-------

AN: Ito lang nakayanan ko.. HAHAHAXD

ENJOY READING LOVE YOU ALL

PLEASE VOTE AND COMMENT :**

I Want you BackWhere stories live. Discover now