Kabanata 5

1.1K 62 16
                                    



Elmo's POV




"Dadaaaaaa.." sinalubong ko ng ngiti ang anak ko habang tumatakbo siya patungo sa gawi ko. Dalawang linggo na simula nung pag uusap namin ni Julie sa kotse ko hanggang ngayon kumikirot parin ang puso ko tuwing naalala ko ang mga salitang binitawan niya.


"Di na kita Mahal.."  apat na salita na dumurog ng pag katao ko pero alam kong wala pa sa kalahati ang sakit na nararamdaman ko sa naramdam ni Julie.



"Dada, look meron akong five stars.. kasi verygood ako sabi ni Teacher Lani.." nabaling sa kanya ang atensyon ko habang ipinapakita niya ang braso niyang may mga tatak na stars.


"Wow.. ang talino naman ng baby ko.. Manang mana sa Dada.." sabi ko pa habang hinahalik halikan ang pisngi niya. Humagikgik naman ang anak ko sa halik ko.


Biyernes ngayon at sa akin na pinasundo ni Julie si Ellie dahil marami siyang inaasikaso sa opisina na. Tumingin ako sa anak ko na ang laki ng ngiti habang tinitignan ang mga batang tinatawag siya.



"Jenny.. Jenny.. oh diba sabi sayo may Dada ako eh.. di niya ako iniwan.. " pag mamalaki ng anak ko sa batang naka pink na headband. "Siya ang Dada ko.."


"Baka naman boyfriend lang 'yan ng Mimi mo.. kasi sabi ng Mommy ko .. bitch ang Mimi mo.." nanlaki ang mata ko at nag pantig ang tenga ko. Nanubig naman ang mata ng anak ko. Agad ko siyang niyakap.


"Nasan ang Nanay mo?" Galit na sabi ko. Ayoko siyang sigawan pero... "Bakit ganyan ka mag salita?" Wala na pumutok na galit ko.

"Bad ka.. Bad ka Jenny.." iyak pa ng anak ko. Tumingin ako sa bata na paiyak a din.

"Anong nangyayari dito?" Dumating ang matandang babae at hinawakan si Jenny.

"Kung ano ano ang tinuturo mo sa anak mo.. bakit ganya  'yan mag salita?" Gigil na sabi ko habang hinahaplos ang likod ng anak ko. "Sinabi niya na bitch ang nanay ng anak ko! Bakit ganyang ang tinuturo mo?"

"Bakit di ba totoo?" Taas kilay naman na sabi niya sa akin .

"Kahit kelan hindi magiging totoo..." sigaw ko dun lang siya natauhan at natakot sa sigaw ko. Agad kong nilagpasan sila dahil baka mag dilim ang paningin ko.



Inupo ko na sa passenger seat si Ellie na subo ang daliri habang humihikbi pa. Hinalikan ko ang ulo niya at nginitian ko siya. "You want Ice cream?" Nag liwanag ang muka ng anak ko at sunod sunod ang pag tango.


"Dada, I want pa..yung caramel naman.." umiling ako at pinunasan ang bibig niya.


"Enough na Princess baka ubuhin ka pagalitan ako ni Mimi.." ngumuso pa siya at kinurot ko nalang ang pisngi niya. "Halika na uwi na tayo.."








-----------*^*^*^*^*-----------







"Wowo.. cookies.." tili ng anak ko ng dumating si Daddy na may dalang isang box na cookies. "Thank youuuu.." masayang sabi ng anak ko habang hinahalikan pa ang pisngi ni Daddy na tuwang tuwa naman .

"Anak, two cookies lang okay?" Tumango naman siya at ngumiti.
Naka pink na sleepwear na siya habang tumatakbo patungo sa sala kung saan siya nanonood ng Moana.

Nakatingin lamang ako kay Ellie ng tumabi si Daddy sa akin at tinapik ang balikat ko . Bahagya ko siyang tinignan at muli kong binalik ang tingin sa anak ko na seryoso sa panonood.

"Nasabi mo na?" Huminga ak ng malalim at umiling nalang kay Daddy. "Anak, bigyan mo naman ng buong pamilya si Ellie. She deserved it.. kung kailangan pikutin.. pikutin mo anak para makuha o siya. Wag mong sukuan.."

I Want you BackWhere stories live. Discover now