September 24 2017J,
Oo alam kong hindi ako maganda, masungit, transformer, isip bata, at pikunin kaya pwede ba? Ahaha lol!
Ikaw ang tipo ng lalake na sweet... sweet sa lahat ng babae sa classroom, tss, swerte lang nila kung hindi nila binigyan ng malisya ang mga galawan mo! Yung tipong sasabihan mo kami ng "sorry na! Mahal naman kita ehh!" With matching pakikig effect face pa iyon at ang "sorry na! Last year pa iyon." Tsk, mga galawan mo ehh! Tuloy na fall ako!
Wait... Bakit ba kailangan mo pang ma fall in love sa isang tao kung ang ibig sabihin ng pag fall ehh may risk na baka masira ka, at papano na lang pag nasira ka? Paano pag madala ka o mamanhid ka! Going back...
Matalino ka sa Math, tsk! Galing mo talaga gumawa ng sariling formula no? Ahaha! Lol minsan naiinis na lang ako kasi nga halos wala na akong maintindihan pag ikaw na ang nakikipag usap kay Sir Math ehh! Ang gulo niyo dalawa! Promise! Napapa "Hay buhay." Na lang kami ng mga kaklase natin ehh. O "sino ba kasi ang nag imbento ng mathematics? Mamaya talaga iyon sa akin sa gate." Epal ka! Pero matalino naman!
Cute ka lalo na pagsumasayaw, may ginagawa, tamad, seryoso, at nagdra drawing! Ang cute mo po! Sarap mong itapon sa bangin kasi paasa ka! Paasa ka! Manhid, insensitive at walang pake sa nararamdaman ng ibang tao!
Hindi ikaw yung tipo ng lalake na malakas ang dating sa mga babae, gwapo? Pogi? Ma appeal? Hmmm ewan?! maybe nabulag lang ako ng katangahan at kamangyanan sa kaibigan at ng may pumansin sa akin ehh para akong timang na huh! Crush ko na siya! Crush na daw kita! Dati! Lol! Hindi ngayon, katulad ng sabi ko este sabi mo, "wala nga kasing tayo." Asa kang maniwala pa ako sa tayo!
Ikaw ang tipo ng lalake na mabilis mainis, daig mo pa ang babaeng meron pag nagalit ka! Kunga ako transformer? Eeh ikaw! Ano ka na lang? Lol!
Ikaw ang tipo ng lalake na mahilig mamigay ng pagkain sa iba, pati nga mag pang subo ehh, ps. Nanduon ako! Wag naman masyadong PDA kasi nga merong bitter sa zone ha! Masakit po! Naka move on ako kahit walang tayo kaya please lang! Wag mo akong lituhin kung bakit medyo masakit pa rin pag nakikita kong sweet kayo! Bawal ang SPG nakakamatay! Promise!
Ikaw ang tipo ng lalake na allergic sa suka, mayo at ketchup, ahaha! Tuwing mag kaaway tayong dalawa iyon ang panakot ko sa iyo dahil takot ka sa mga iyon ehh! Muntik ka na nga daw mamatay dahil doon, pero joke lang talaga ehh! Ahahaha. Pero seryoso! Lagi akong concerned tuwing papakainin tayo ng mga pagkain na may suka, mayo o ketchup para sa grades! Baka mamatay ka! May mamahalin ka pa uy! Hindi lang nga ako pero at least.
Ikaw yung tipo ng lalake na ang kulit! Ang sarap mo pong itapon sa kabilang bayan, lawa, palayan, o ibang bansa! Biruin mo dati binato mo ako ng papel na naka bilog ehh wala naman akong ginagawa sa iyo nun! -_- gago ka talaga! Napikon ako sa iyo noon at naghabulan tayong dalawa, ewan ko kung bakit pero sa iyo lang ako hindi napipikon kapag may ginagawang kang kababalaghan katulad ng mangulit o mamilisopo habang ako ay seryoso. Nalaman ko din na ponagtripan mo ako dahil nga nakita mo akong seryoso masyado. Uulitin ko lang para hidni mo malimutan! Gago ka talagang hayop ka!
Ikaw yung tipo na lalake na madali mong makilala dahil may pagka madaldal! Tsk, sht! Katahimikan naman ohh?! Pag ako daw ang katabi mo dati hidni ka daw maingay ehh! Tabi ulit tayo, para hindi ka na maingay noh? Ahaha joke! Asa! Naalala ko pa ang time na mag kuwento ka about sa simbahan niyo at tungkol sa mama at ate mo! Gago ka ahh! Pati mama at ate mo ehh hisni mo sinasanto! Pasaway ka daw sa kanila! Katulad ng sabi mo, gala, laging nasa computeran at laman ng office.
Ikaw ang tipo ng lalake na pag nakipag suntukan ehh ang angas! Ano mala Jeydon ang peg? Ahahaha! Lol! Tsk, pagsuntukan ang pinag uusapan hindi papa awat ehh! Easy lang! Baka makasuntok ka ulit ng babae! Ingat ingat din pag may time! Okii?! One time, Monday morning nun biniro ka nga konti ni B. mukhang bad trip ka nun ehh lumapit ka kay B. at sinabing "Trip mo ako hay?!" Hindi ko kayo pinansin kasi nga hindi pa ako nakakagawa ng assignment sa math ehh! Mamaya na kasi ang pasahan ng bigla mong sapakin si B. Tsk, angas mo! Salamat na lang talaga at hidni ka pinatulan ni B. kung hindi, paktay na!
Ikaw ang tipo ng lalake na ang pinipiling songs ay pambata! Naalala mo ba yung time na sasayaw para sa dance exercise! Ang cute! Sila ehem napasayaw mo! Idol! Ahaha! Barney pa ang kanta! Lol! Kembot dito kembot duon! Ehehe! Ang cute mo po! Pero hindi sapat ang cuteness mo para bumalik ang pagka adik este ang pagkakaruon ko sayo ng crush. Hahaha lol!
Hanga talaga ako sa iyo pag sumayaw... Go! J. Go! J. Ehehehe! Wag masyadong papahalata ha! Kasi nga feeling ko ehh malapit ka na! Ehem.. alam na dis!
Ikaw ang tipo ng lalake na kinaiinisan ko kasi medyo malandi ka! O ako lang talaga ang nagbibigay ng malisya? Kaya ako nasasaktan! Tsk! You make me crazy! At ayoko nun! Konting lapit mo lang sa akin o tabi tuwing math subject it gives me butterflies at ayaw ko nun! May time nga na lagi mong pinapansin si ms. Transferee, handa ka rin magbigay ng answer sakanya para lang hidni siya bumagsak, masyado kang pahalata! Wag ganun!
Ahaha lol! Yun lang! Pero next time pag kaya ko na! Usap tayo as friends! Not as strangers ha! Iyon na kasi ang itinuturing ko sa iyo kasi nga natatakot ako na kapag nakipag friends ako sa iyo ehh lahat ng katangahan ko ay bumalik! Easy lang! Wag i rush! Mahirap masaktan sa sobrang pag mamadali ehh!
Sam......

YOU ARE READING
Letters ❤️
Teen FictionEwan ko, pero naging inspirasyon ko si Kuya Sic sa gagawin kong katangahan, yup! Katangahan! What do the odds, parehas ang title hindi ko po ginaya! Actually his name starts with J kay bigla ko siyang na alala! Medyo matagal tagal ko na itong tinat...