Prinsesa ko,Anong nangyari sa ating dalawa? Ewan ko lang talaga ang gagawin ko kasi nga nahihibang na ako kakaisip na maybe hindi ako ang tunay mong mahal, K may problema ba tayo? May hindi ba ako alam? May dapat ba akong malaman? Okey pa naman tayo noong una diba? please wag mong gagawin sa akin yun, Prinsesa ang cold mo na sa akin. Alam kong umiiyak ka, ramdam ko tuwing tinatawagan kita, tuwing nagvi video call tayo alam kong malungkot ka, ano bang mali sa akin? Ano bang kulang?! Kaya kong ibigay sayo lahat! Prinsesa ko nanlalamig ka at sobra akong naalarma, ayusin naman natin 'to! Please! Please! Nagmamakaawa ako! Please! Please! Kung hindi man magwo work, kung hindi man magiging matibay, kung hindi man magla last ang relasyon natin gusto kong hindi ako ang bibitaw kundi ikaw, kasi Prinsesa ko kahit anong gawin ko kahit pilitin ko mang kumawala hindi ko makakayang bumitaw, ganun kita kamahal. Hindi ko gugustuhing sabihin na I was the one who let you go kasi nakakagago yun, nakakawala ng dignidad bilang isang lalaki, dapat iginagalang kayo, dapat minamahal, dapat nirerespeto at pinuprutektahan, thank you pala dahil naglakas loob kang ipaalam sa akin ang account mo pati fb, wattpad, messenger, gmail, youtube at ig, hindi ko naman talaga kailangan ang mga yun sapat na alam kong ako lang but I don't wan't to say na dapat ako lang ang dapat mong minahal kasi hindi ko naman kayang diktahan ang puso mo, shit nakakabakla itong ginagawa ko! Umiiyak ako na para bang timang! Mga gwapong katulad ko dapat hindi umiiyak, pero alam mo ikaw lang ang iniyakan ko, please wag na wag mo ng sasabihin na pangit ka ahh! Ang ganda ganda kaya ng Prinsesa ko! Kausapin mo ako, malapit na ang Valentines na hindi man lang kita nalilibre, dadaan ang B-day ko ng hindi man kang kita nailalabas upang ipakilala sa mga magulang ko, dadaan ang pinakamasayang araw para sa akin ng hindi man lang nasisilayan ang mga ngiti mo, ngiting namimiss ko na talaga! Sige sobrang haba na ehh, sobrang nakakabakla na! Hinahabol ako ng mga puso Prinsesa ko. Prinsesa, pagdating ng araw maipaglalaban natin ang isa't isa sa mga magulang natin, balang araw maipaglalaban rin natin sa buong mundo ang pag iibigan nating dalawa at maisisigaw ko na mahal kita, pero kung sabihin mong tama na, marinig mula sa iyong mga labi nasusuko ka na, Prinsesa ko game over na para sa akin, hindi ako magaalinlangang sumuko sa kung anong merong 'tayo' masakit man at double kill sa akin ay okey lang kung ikaliligaya mo naman, ganun kasi kita kamahal! Oo alam kong gago ako, pero tong gagong to nagbago dahil sa isang author na katulad mo. Sorry kung nagsulat ako sa isa sa mga stories mo, naisip ko lang na maybe nakakatamad basahin sa messenger sana wag kang magagalit Prinsesa ko, letter ko to para sayo! January 22, 2018
Gago mong bf

YOU ARE READING
Letters ❤️
Teen FictionEwan ko, pero naging inspirasyon ko si Kuya Sic sa gagawin kong katangahan, yup! Katangahan! What do the odds, parehas ang title hindi ko po ginaya! Actually his name starts with J kay bigla ko siyang na alala! Medyo matagal tagal ko na itong tinat...