For J:Takot na ako J.

128 8 5
                                        



September 25, 2017

J,

Takot na ako na baka hindi na ako makapagmahal pa ng iba, tho hindi ko na kayo jina judge natatakot pa rin ako, natatakot ako na masaktan na naman ako! Nag paka tanga sa iyo, kinikilig ako kahit na natural lang naman sa iyo na sabihing "crush kita" kasi ako it means a lot ehh!

Napapasaya mo ang araw ko makita lang kita, dati. Pero ngayon I never thought na thinking na magkakaruon ulit ako ng crush sa isang tao is terrifying. Tinatawanan ko lang ang mga pangungutya nila sa akin, kesyo dati crush kita or Mrs. President.

Maraming times na inisip ko paano kaya kung mag isa na lang ako sa buhay? Paano ako makakatulog mag isa eh matatakutin ako? Kaunting kaluskos na marinig ko ehh para na akong timang na sigaw ng sigaw. Mahilig pa naman ako sa mga nakakatakot na movies pero takot na pag mag isa na ako.

Papaano na lang paghindi ko matutunan na i value ang sarili ko? Kasi nga sabi mo panget ako, mataba at kung ano ano pa.. Hindi mo lang ako sinaktan sa pag papaasa mo sa akin, pati na rin sa words mo na sa tingin mo ay joke joke lang ehh nasasaktan din ako. Ayy oo nga pala hindi ikaw ang may kasalanan na nagkagusto ako sa iyo, malay mo ba? Ako lang naman ang nagbigay ng maling malisya ehh!

Naaalala ko pa yung time na sinabihan mo ako ng pangit ako! Pangit ako kasi walang nanliligaw sa akin, okey fine na po! Tanggap ko na! Okey? Ano masaya ka na ba? Wala akong boyfriend since birth at proud ako. Hmm staying strong ako mag isa kasi nga bata pa ako tho ako ang pinaka matanda sa mga babae, haha!

"Love is in the air..." wtf?! Ill just wear a mask, thank you very much! Walang ganun! Walang poreber! Sabi ko kasi nga bitter ako! Pake mo ba? Ayaw ko sa mga love love na iyan! Anong gagawin ko diyan? Makakain ba yun? -_- mapapakinabangan ba yun? Bakit ba kasi ng love sa buhay mo ehh! Its just a waste of time, energy, money, effort and tears.

Marami akong tinanong, "Why do we even bother in loving someone? If it NEVER last?" Simple lang ang sagot nila sa akin. "Kasi nga kakambal ng word na love ang sakit, sacrifice, fear, tears, and falling." The heck? Bakit?! Malaking bakit? Kasali naman ako sa top! Hindi naman ako bobo ehh! Marunong akong umuntindi! Hindi rin ako pabaya sa school at madali akong maka pag memorize pag nag review pero simpleng love lang na kayang idefine ng mga kaklase kong pa easy easy lang ehh parang ang hirap i define sa isang sentence lang.

Ayoko ng masaktan! Alam mo ba iyon? Sa sobrang broken ko ehh hisni na ako nag kagusto pa sa isang totoong tao, mga artista yes pero as in mga ilang days or hours lang ang itinatagal ng aking pag kakagusto sa kanila! Fictional character na lang ang aking minamahal, omo si Jeydon my loves! At iba pang character na gawa gawa lang, nakaka lungkot na ang dating Sam na pala kwento sa kaniyang mga best friend tungkol sa iyo ehh mukhang hindi na babalik pa! Bye na sayo Sam!

Kinakatakutan ko rin na papaano kapag hindi sapat ang ganda ko este ang pagmumukha ko sa aking dapat na makatuluyan? -_- Maybe I was just born to be a potato and nothing else. Mukha akong pig... Pangit ako, maybe maghihintay na lang talaga ako pero kung hindi o walang dumating, sige na nga keri na lang ang pagiging wattpader at businesswoman. -_- hindi, okey lang ako! Wag kang mag alala! As if naman ehh!

"Pareparehas lang kayong mga lalake kayo, mga man loloko at paasa." Yan ang sabi ng iba, totoo ba iyon? Lagi ko kasing nabababasa sa facebook ehh, na kesyo sasaktan ka lang niya, walang poreber, iiwan ka lang niya at papaasahin ka lang! Hay.... buhay, parang life no?!

"We are never ever ever! Getting back together, like ever."-Taylor "You're the for the teardrops in my guitar."-Taylor " 'cause he was just a d*ck and I knew it."-Little Mix "okey lang yan smile ka naman dyan, wag umiyak di pa katapusan..."-Donnalyn. Ang dami daming song na pwede ako maka relate kahit wala namang naging tayo, karamihan sa atin ay mga teens na sadyang ang daming alam.

Paano pag naging ganyan ako? Ang daming alam na hugot sa buhay? Marami ang nabibigla sa akin kasi nga ng tinanong sa test kung sino ang pipiliin mo? "MAHAL ko o MAHAL ako?" Putcha ang dami kong naisagot, ako yata ang pinaka may mahabang sagot ehh, loko loko ang mga pinagsasagot ko may "bumalik ka na sa akin, hindi na ako galit. Lol" hahaha! I actually had fun answering it pero sa una nag cringe ako kasi nga Im still young, hahaha! Pabebe ang puta!

Hay paano pag hindi ako naka get over o naka move on sa puntong ikaw na lang ang naiisip ko, gusto nga kasi kita.......

Gusto kitang batukan, murahin, patayin at sermonan hanggang sa magsawa ka! Ahaha. Patay ka sa akin kapag ako ang naging nanay mo! Palo dito at palo doon ka sa akin! Paktay kang bata ka! Ang gamit ko ay sinturon, tsinelas at bagay na mahagilap ko. Ahahaha! Kawawa ang pwet mo sa akin!

Tulungan mo naman ako J. oh?! Mahirap ba akong tulungan? Ay wait na alala ko nga pala ayaw mo sa tanga mas gugustuhin mo ang bobo kasi sabi mo matuturuan pa ang bobo pero ang tanga hindi na! So papaano na lang ako? Forever na lang akong tanga? Kasi naman ehh walang tumutulong sa akin. 

Im a fraid of bring taken for granted, being left alone in this world. Wala na yatang magmamahal sa akin ehh, pero na realize ko! Pake ko ba kung wala ng magmahal sa akin nandiyan naman si God ehh! Pawer!!!

I don't need a boy nor man! Luh?! Wala na yata akong faith sa mga katulad mo! Kasi naman ehh! Why did it had to be you?! Hindi ko lang ma gets kasi nga hindi ka ganun ka gwapo, basagulare pa, bulol sa s, lagi mo na lang akong iniinis pero bakit ikaw pa ang nagustuhan ko?! -_-

Tsk, bahala na nga si Batman sa kung anong mangyayari, magiging manhid na lang ba ako o matututunan ko pa rin ang magkagusto sa iba?!

Sam....

Letters ❤️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora