Chapter 1: New School [EDITED]

2.2K 64 13
                                    

Zophia's POV


"Hala, taga 3-H oh. Bago yata."


"Nako, oo nga. Ang ganda n'ya. Ang bait din siguro n'ya kaya kasama sya sa 3-H. Yiiiieee. Bagay sya doon."



"Shh, baka marinig tayo."


Halos 'yan ang bukang bibig ng mga tao sa paligid 'ko. Napa-iling nalang ako. Sanay na ako sa ganito.



Napansin 'kong iba ang uniform 'ko sa kanila kaya medyo nag tataka ako. Special section ba ang napasukan 'ko at mukhang ibang iba kami sa kanila?



Nang maka-rating ako sa 3-H ay pumasok agad ako at umupo sa upuan. Nakita 'ko rin naman ang teacher namin sa harap.




"All transferees, please introduce yourselves. Let's start with Ms. Collins." Sabi ni Ms. Hainy. Ang teacher namin.


Tumayo ako ang nag simula mag pakilala.




"Hi, I'm Zophia Andrea Collins. From Mary Leighn Academy." Sambit ko at umupo ulit.




Sumunod doon ay ang ibang transferees. Hindi 'ko na sila pinakinggan.




Bigla naman may kumulbit sa balikat 'ko kaya lumingon ako only to see a girl.



"Hi I'm Drea. The class president." Pag papakilala nya.



"Nice to meet you Drea. Drea is my nickname. Well, Drea, Andeng, Zophie is my nickname." Sambit 'ko at napa-tikom. Shemay ang daldal 'ko.



"Sige na. Makinig na tayo. " She chuckled at humarap na rin sa unahan.



Hindi naman kami nag lecture. Rules and regulations palang ang sinabi ngayon. Bukas pa raw ang simula ng lectures.


I suddenly heard the bell rang. It means it's break time.



"Zophia, may kasama ka? Tara sabay tayo sa canteen." Biglang sulpot ni Drea sa tabi ko.



"Sige." Tanging sagot 'ko at sumama sa kan'ya.

Habang nag lalakad. Hindi 'ko maiwasan pansinin ang damit namin. Kami lang talaga ang iba sa kanila.


"Uh, Drea, bakit iba ang uniform natin sa kanila?" Tanong ko ng habang nag lalakad papunta sa canteen.


Tumawa naman sya ng mahina.


"Our section is known as the Model Section. And we are the Model Students. That's why iba ang suot natin sa kanila." Sagot nito kaya napa-tango ako.




So, model students pala kami. Paano kaya ako napunta sa isang model section? Eh, hindi naman ako karapat dapat maging model student. Naka— aish! Ayan nananaman! Stop thinking about it Zophia!


I closed my eyes took a deep breath bago muling nag mulat. Stop thinking about it, Zophia. You're in a new school now. New school, new life.


"Zophia na'ndito na tayo." Biglang sambit ni Drea sa tabi 'ko.


In fairness, ang ganda ng canteen nila. Malinis. In order. No doubt kaya ito naging pinaka magandang school sa buong mundo. Ang Titan University.



"Anong order mo? Ako nalang mago-order," sambit ni Drea.



"Nakakahiya naman. Sabay nalang tayong mag order," sagot 'ko.



"Nako, h'wag na! Mag hanap ka nalang ng table natin." Sambit nya at umalis.



Why in such a rush, Drea?



"Lahat ng tao ay naka maskara." Nagulat ako nang may bumulong sa'kin..



Nilingon 'ko ang pinanggalingan nung boses ngunit wala akong nakita kung hindi ang mga estudyanteg busy sa kani-kanilang mundo.



"Here's the order!" Bilang sigaw ni Drea na ikinagulat 'kong muli.




Sino kaya yung lalaking yun? Yes, I know na lalaki dahil sa boses. What does he mean? 'Lahat ng tao ay naka maskara.'?


Sikreto ba ang ibig sabihin n'ya? Dahil kung tama ang hula 'ko ay isa rin ako sa mga taong naka maskara.



*RING RING* (Paltan natin yun Ting Ting. Walis yun e. Char)



Saktong nag ring ang bell ay natapos na kami ni Drea sa pag kain. Tumayo na rin kami at nag simulanh bumalik sa aming silid aralan.



"Drea, attendance raw!" Salubong ng isang babae sa amin..



Tumingin naman sya saakin at ngumiti kaya ngumiti din ako. Kaklase namin 'to for sure. Parehas kami ng uniform e.



"Sino yun, Drea?" Tanong ko nang maka alis yung babae.


"Ah, si Alexa, ang Vice President." Sagot naman nya.



Tumango ako at pumasok na kami ng classroom at umupo. Ngayon ko lang napansin na may katabi pala akong lalaki. Maputi s'ya at may itsura. Kulay brown ang buhok at halata mo sa awrang bumabalot sa kan'ya na hindi s'ya madaling lapitan.



"Si Spencer Quil 'yan." Ani Drea sa likod 'ko. "At yun naman si Stacey Quil. Kakambal nya," dugtong pa nito at may itinurong babae sa kabilang row.



Wow, may kambal dito?



Natahimik ang lahat ng dumating si Sir Flawn. Subject teacher namin.



Tulad kanina, nag pakilala lamang rin s'ya at ang ibang mga guro hanggang sa mag uwian. Good job, Zophia. You survived the first day without any problem. Sana ay hanggang sa dulo.



________

Dedicated to: AshleyTria7

Class 3-H's Secret (Editing)Where stories live. Discover now